Chapter 25: Phone Call

Magsimula sa umpisa
                                    

“nakipagkita ka ba kay Lance?”

“Kuya Lavi ano ba! Nakakainis ka na sa pagiging overprotective mo ah! Pwede kahit minsan lang hindi ko sabihin sainyo kung saan ako pupunta at kung kanino ako makikipagkita? Ever since sa Japan ganyan kayo! Kaya nga ang saya ko nung wala pa kayo dito sa pilipinas eh! Kahit ilang araw lang yun! Okay na ako kasi kahit papaano nagawa ko yung mga gusto kong gawin! And besides kuya---“

“so you were with him.” fudge! Hindi ko nalang siya pinansin kasi naiinis ako. pinalagpas ko na nga yung ginawa nila noon.

Pag naaalala ko mga reasons ni Lance. hindi ba’t reasonable naman talaga siya? pumunta siya ng Japan pero pinagkait nila saakin na Makita at makausap man lang siya.

Nilayo nila ako kay Lance masyado. Oo choice kung pumunta doon pero dahil nabibigla lang din ako! dahil sa mga nangyayari. Dahil nasasaktan ako.

Heck! Hindi ko na alam ang iisipin ko. para na akong mababaliw.

“Hime masasaktan ka lang” napatigil ako sa paglalakad at saka humarap sakanya. “kuya, tingin mo hindi ako nasasaktan ngayon? sa mga nalalaman ko NGAYON NGAYON LANG? kuya tingin mo hindi ako nagagalit? Tinanggalan niyo ng karapatan yung tao kuya! pati na din ako! parang ayaw niyong ipaalam saakin yung totoo! Kuya nakunan ako noon kaya sana pinakausap niyo naman saakin si Lance nung nadedepress ako! pero kuya kahit anong galit naman gawin ko sainyo wala pa din! Kapatid ko pa din naman kayo. Alam ko na pinoprotektahan niyo ako. pero nakakainis lang kasi talaga minsan! Kung kelan mas tumanda ako dun pa mas madaming bawal! Ano ako? HIGH SCHOOL STUDENT?”

Ni patak ng luha walang lumalabas saakin. Ayoko na kasi maramdaman yung sakit. Kaya kahit nasasaktan na ako hindi pa din ako umiiyak. Minsanan na lang. kasi namamanhid na ako sa iba. Parang kumpara ngayon mas masakit yung noon. Kaya siguro ngayon hindi ko alam. Marahil nakakainis na yung ugali ko. pero wala akong pakialam kung ano ang isipin nila saakin.

Iba na ako. hindi na ako yung dati.

Hindi na ako yung iyakin.

Nagkulong lang ako sa kwarto ko. si Dwayne nakahiga siya sa kama ko kaya siya ang niyakap ko. naiinis ako sa mga kuya ko.

Nagagalit ako. pero kuya ko pa din sila. Kelangan ko silang intindihin.

Pero inintindi ba nila ako? :(

“Dwayne! Nagalit ba yung si Lance kanina sa ginawa ko?” haist. Sumagot ka naman Dwayne. Nalulungkot kasi ako. parang laging ako yung dapat masaktan!

Itetext ko ba siya?

[Lance! sorry kanina ah]

Teka erase! Too casual! Parang hindi ako sincere!

Umupo ako at nagtype ulit ng itetext ko.

[psst! Friends tayo diba? Thanks nga pala kanina!]

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon