Nabalot kami ng katahimikan and I never waited for his answer. Laking pasasalamat ko pa nga sa kanya dahil natahimik kami. Nangawit na yung panga ko kakasalita sa kanya.

"BOO!" Panggugulat niya sa akin kaya nasampal ko siya sa pisngi.

"AH! ARAY! Shit. Sakit ng sampal mo." Reklamo niya sakin.

"Kung ayaw mong masaktan wag ka manggulat." Sabi ko sabay pagpingot sa kanya.

"Sorry na. Ang tahimik kasi. Hindi ko kaya. Ang normal na reaction kasi kapag nagulat sisigaw. Bakit ikaw nangsampal?" Sabi niya. Tinignan ko naman yung pisngi niya at nakita kong bumakat dun yung kamay ko.

"Tss." Masungit kong sabi sa kanya. I'm not even sorry. Deserve niya yun no.

"Uwi na ko, April. Hang out tayo soon. Sama mo mga kapatid mo tapos isasama ko tropa ko." Tinignan ko lang siya saka siya tinaasan ng kilay. Nung marealize niya na wala akong balak sumagot ay nagsalita na ulit siya. "Ge. Alis na ko. Bye. Matulog ka na din daw." DAW? Sino nagsabi? Tumakbo na siya palabas ng bahay. Ako naman andito lang sa labas nakatingin sa langit. Ang tagal ko ng nakatingin sa langit .. Di ko na namalayan yung pag lipas ng oras. Nagulat na nga lang ako may araw na.

Dahil medyo maingay na sa loob, pumasok na ako.

Nagulat ako dahil nakita ko na silang apat dun sa dining.

"Oh April? San ka ba galing? Pinuntahan ka ng ate mo sa kwarto mo wala ka naman daw dun. " Sabi ni mama sakin.

"Diyan lang sa labas." As usual. Cold na sagot ko sa kanila habang umuupo.

"Kanina ka pa ba gising? kasi kanina may naririnig akong sumisigaw at tumatawa sa labas eh. " Tanong sa akin ni Aira.

"Ah. Oo, ang aga ko kasing nagising ngayon. " Sabi ko habang nag sasandok ng hotdog.

"Eh ate, bakit ka naman sumigaw? Something wrong? Saka sino yung tumatawa? Never ka kayang tumawa." Tanong naman ni Abby sakin. Loko 'to ah? Anong tingin sakin robot?

"Wala yun." Sabi ko sa kanila para hindi na sila magtanong ulit. Nangangalay na yung panga ko. Feeling ko nga masyado ko nang inabuso yung panga ko ngayong araw eh wala pa nga ako sa kalahati ng araw.

"Is there something wrong?" tanong ko kay mama. Umiiling kasi siya habang naka ngiti. Hindi ko tuloy alam kung galit siya o ano.

"Nothing. Natatawa na lang ako sa inyong tatlo." Sabi ni mama habang naka ngiti parin. Ano ba meron? Ano nakakatawa?

"Ano meron, ma? Di ko maalala na nagjoke ako." tanong ni Aira na halatang naguguluhan din.

"Kasi mas mukang panganay si April kesa sayo. Kung pag babasehan sa ugali. Pero, kung sa itsura, halatang ikaw ang panganay." Sagot ni mama kay Aira. Tapos natawa si Abby at papa.

"Mukha ka na daw gurang, ate." Sabi ni Aira at lalong lumakas ang tawanan nila.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-aasaran sila. I don't really do jokes. Once I tried joking at ang nangyari naka-offend pa ko. So I'd rather remain silent than ruin the mood.

Abby's POV

Hi. I'm Abby Torren, 15 years old and 3rd year highschool. Me and ate April are twins, pero tinatawag ko siyang ate dahil una, ate ko naman talaga siya at pangalawa, she acts way more independent than her age.

"Hindi pa ba kayo maliligo? Anong oras na oh. Baka malate nanaman kayo." Sabi ni papa.

Pagtingin ko naman sa orasan 7:10 na eh 8:00. Pano naging ganun kabilis yung oras? Parang ala-sais lang kanina ngayon 7 na? Woah.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz