Nagulat si Maxxine sa sinabi ng pinsan kaya natabig niya ang Hennessy sa harap, buti na lang at agad akong nakailag kundi basa na ang damit ko. Nagtilian ang mga babae dahil sa nangyari sa bote, tinaas agad iyon ni Austin at nagtawag ng waiter.

May lumapit na waiter para linisin ang kalat, tinignan ko si Maxxine na ngayon ay hindi alam ang gagawin dahil sa sinabi ng pinsan.

"Boyfriend pala, huh?" ngisi ko, binali wala ang nangyari sa alak. Umiling si Maxxine at tinignan ng masama si Lauren

"At sino kayang boyfriend ang tinutukoy ni Lauren?" malaking ngising tanong ni Bianca

"Ewan ko sainyo!" ani Maxxine at tumayo para pumuntang powder room.

Nagtawanan kami kasama ang kanyang mga pinsan, guilty masyado. Alam ko naman kung anong mayroon sakanila ni Nathan, though I'm not sure if they're official. I'm just waiting for her to tell me, ayoko iyong pinipilit.

Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga plano nila dito sa Pilipinas panay ang tingin sa akin ni Alex kahit na kausap niya si Nick, nginingitian ko na lang siya kapag naabutan ko siyang nakatingin.

Buti na lang at dahan-dahan silang umiinom, ayoko rin naman makadami dahil may dala akong kotse at kailangan ko pang ihatid ang ilan sa mga kaibigan ko.

Napasigaw si Karlie nang narinig niya ang paborito niyang kanta at lalo siyang na-excite sa galing ng DJ sa pag-remix ne'to. Mabilis niya kaming tinayo at nagyayang bumaba para makisaya sa mga tao sa dancefloor.

Iiling na sana ako para samahan sina Nick at Alex na mukhang mananatiling sa table para makipag-kwentuhan pero nang tumayo si Alex at niyaya si Nick ay nawalan ako ng pag-asa. Sinabihan nila si Maxxine na hindi parin nakakabalik na pupunta kami sa dancefloor at doon na lang siya tumuloy.

Nauna sina Karlie at Bianca habang si Shaira naman ay kasama si Moriah tapos kami naman ni Lauren ang magkasama habang sina Nick at Alex ay panay ang tingin sa mga chicks na nadadadaan namin. Really, Nick?

Kaninang umalis si Maxxine ay nagpaalam kanina si Austin na aalis siya para puntahan ang mga kaibigan niyang nasa baba, nakita ko siyang katawanan ang grupo ng mga lalaki sa isang table at nang nakita niya kami ay tumayo s'ya at nagpaalam.

"Oh, where are you going? And where's Maxxine?" tanong ni Austin kay Lauren, lumipat ang tingin sa akin ni Austin at nginitian ako, nginitian ko siya pabalik.

"She's still in the powder room." sagot ni Lauren at luminga sa mga naghiyawan malapit sa amin. Grupo ng mga moreno ang maingay na naghihiwayan at ang iba ay nakatingin sa amin, nahuli ko pa ang isa na kinindatan kami kaya ang ginawa ko ay hinila ko si Lauren palayo sa kanila at pumunta na sina Karlie sa dancefloor.

Sumugod si Karlie sa dami ng tao malapit sa stage at sumunod sa kanya si Bianca, nanatili lang kami sa maluwag na parte ng dancefloor at gumawa ng sariling crowd.

Nagtawanan kami ng sumayaw si Nick at Lauren, mukhang walang balak sabihin ni Nick ang tunay niyang anyo dahil game na game siya sa sexy dance ni Lauren. Ngumiwi ako sa nakakadiring kilos ni Nick pero nakisabayan parin sa tawanan.

Grabe ang tawa ko kay Nick, mukha na siyang macho dancer sa mga dance moves niya at pinapatulad naman iyon ni Lauren. Natigilan si Nick nang nagsimula ng mag-grind si Lauren sa kanya, ngumiwi ako sa nakita ko at todo hiyawan naman ang mga taong nasa paligid. Suddenly, the spotlight was on us.

Narinig ko ang halakhak ni Austin sa gilid ko, nilingon ko siya at sobrang lapit na niya sa akin! Bahagya akong lumayo sakanya at tinignan si Nick na umiiling-iling na ngayon kay Lauren. Mukhang nagpapaalam na umalis na.

May lumapit na Aussie kay Lauren kaya tagumpay na nakawala si Nick at lumapit sa akin.

"What was that?" natatawang tanong ko sakanya, tumawa siya at tinuloy ang pagsayaw sa akin

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon