"Sige po!"  

At nabuo ang plan na mag-pupunta kami sa beach. Pumayag naman si Nanay sa plano namin kaya......

"Mommy, i wanna swim na!"     Ungot ni Thea sa akin pagkarating pa lamang namin sa cottage.

Nasa beach na kami. Hindi yung private beach, local lang. Pero hindi naman matao sa lugar hindi katulad ng ibang public beach. Libre lang din ang mga cottage dito at maswerte na rin na nakakuha kami ng magandang spot at maayos.

"Mommy. Swim!"     

Hindi ko binibitiwan ang kamay ni Thea dahil malamang na tumakbo ito papunta sa dagat nang hindi ko mapipigilan. Baka kung mapaano pa ito.

Haist.

"Wait lang baby. Ayusin muna natin dito."

"Myyyy...."      Ang kulit talaga.

"Samahan mo na yan, Milca."     Linagpasan kami ni Kuya Paul at inilapag sa kawayang mesa iyong dala namin na picnic box. Nagbaon kami ng maraming sandwiches at pansit. May kakanin din na gawa ni Nanay.

"Excited na ang bata."      Nakangiting wika ni Emman ng dumating ito. Siya naman ang nagdala ng mga inumin.

"Namiss niya na kasi ang dagat."      Sabi ko. Hinawakan ko si Thea at marahang hinubad ang suot nitong sundress. Sa ilalim niyon ay ang kanyang cute na blue swimwear. Nahirapan akong lagyan siya ng sunblock dahil naglilikot siya masyado.

"Ang init."       Naupo si Emman sa parehong pahabang upuan na kinatatayuan ni Thea ngayon. Tumingin siya sa akin at ngumiti.     "Magsu swimming ka rin ba?"

"Malamang."    Sinulyapan ko siya ng mabilis at ngumiti.       "Kayo ba?"

"Syempre naman."      Ngisi ni Emman.

"Maganda na nagpunta na tayo dito ngayon dahil magiging busy na next week para sa fiesta."     Wika ni Kuya Paul. Nakaupo na siya kabilang side na upuan. Nakapagitan sa amin ang pahabang mesa.

"Sana pala isinama natin si Nanay."    Ani ko.

"Sana sinama mo."    Si Kuya Paul.

"Walang maiiwan sa tindahan eh."  

"Sana ikin-close na muna."  Si Emman.

Nagkatinginan kami tapos ay ngumiti siya.  Napangiti ako pabalik.

"Swimming na tayo!"      Biglang wika ni Kuya Paul. Napatingin ako sa kanya at natawa. Agad niya kasing hinubad yung suot niyang tshirt at tumakbo papunta sa dagat.

"Mommy, tara na!"     Tumalon talon pa sa pwesto niya si Thea at hinayaan ko na siya na makababa. Tumakbo kaagad siya papunta sa kung saan si Kuya Paul at sinalubong naman siya ng huli.

Naghabulan paikot ikot yung dalawa. Para silang mga bata. Tawa na lang ako ng tawa.

"We used to be like that before."      Boses ni Emman.

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Where stories live. Discover now