Napaatras ako ng mukha.     "Wag na nga.''

"Sige na. Say aahh..."    Nakangising pangungulit niya.

Umiiwas ako sa kanya pero pinipilit niya yun.

"Mommy, ito na lang po."      Nakigaya na si Thea sa ginagawa ni Emman.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti.     "Para sa akin ba yan?"

"Yes po Mommy."      Tumatangong sagot ni Thea. Her face was serious. Parang iiyak na siya kapag tumanggi ako.

"Okay."      Agad kong sinubo yung in-offer niya na fries. Maluwang siyang ngumiti sa akin at napa-ngiti rin ako.    "Thank you."

"Yey!"    Napapalakpak siya sa tuwa.

"Aisht."     Si Emman.

Napatingin ako sa kanya at nakita na nakasimangot na siya.

"Medyo selosa ka din Thea ah. Naglalambing lang ako sa Mommy mo eh."

"Mommy's mine."      Taas noong wika ni Thea.

Hindi ko mapigilan ang ngisi ko.  At saan naman niya natutunan ang mga salitang yan ah?

"Oo na. Oo na."      Si Emman.     "Hindi ko naman aagawin ang Mommy mo. Makiki share lang ako."

"Hul!"    Gulat akong bumaling kay Emman at hinampas siya sa balikat.      "Huy! Pinagsasabi mo?!"

Natawa naman si Emman.     "Joke lang."    Ngumisi siya.       "Syempre ayaw ko ng makikihati. Selfish din akong tulad ni Thea. Kaya kapag tayo na, tayo lang."

"Sira ka talaga! Manahimik ka nga!"    Tinawanan ko lang siya.

"Thea."    Bumaling siya ng tingin kay Thea.      "Gusto mong mag swimming sa dagat?"

Natigilan ako.

"Mi-ming?"     Namilog ang mga mata ni Thea sa narinig.

"Oo. Swimming. Sa beach. Punta tayo sa beach."       Ani Emman.

"Sige po!"     Malakas na sagot ni Thea.

Haist. Ambilis niyang i-please.   Nangingiting nailing na lang ako.

"Oo. Bukas beach tayo ah. Sama si Mommy mo."

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Where stories live. Discover now