Dahil sa labis na pagmamahal ni Mr. Valdez kay Tita Veronica ay hindi nya ipinalibing ito at priniserve lang ang katawan. 'Yon ang dahilan kung bakit ginusto rin ni Mr. Valdez na makuha ang formula na kayang bumuhay sa patay.

Hindi ko pa alam kung bakit napunta sila sa Hell University. Gusto ko ring malaman pero sa ngayon ay aasikasuhin ko muna kung paano kami mag-kakaayos.

Last year pala nang ipalibing na nila si Tita Veronica sa tabi ng puntod ni Mr. Valdez, sa loob ng Hell University. Nakakamangha ang taglay nitong kagandahan at hindi rin maipagkakaila ang kagwapuhan ng kanilang ama. Namana ata nila ang mapupungay na mata ni Mr. Valdez.

"Zein Shion!"

Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang sigaw ni Ace. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kami nakatayo sa labas ng elevator.

"S-Sorry..."

"Damn it! Akin lang isip mo! Ako lang ang dapat mong isipin! Ako lang, Zein Shion!"

Nagmadali itong nauna sa akin. Sya naman talaga ang iniisip ko ah. Ano bang problema ng mokong na 'yon at over na sya masyado.

'Pagkapasok ko sa loob ng opisina ay sinalubong ako ng yakap ni Raze. Namutla ako habang nakatingin kay Ace na nakaupo sa table ni Raze at may hawak na baril.

"I miss you, Ze---Shit!"  Natigilan kami nang marinig ang pagputok ng baril at pagkabasag ng glass wall sa likod.

Napalunok ako nang makitang ngumisi ito sa amin.

"Whoa! Easy, Ace. I am just being friendly." Itinaas nito ang dalawa nyang kamay.

"You are a very sweet friend that I want to kill you. Right here, right now, Kuya."

Humalakhak si Raze sa sinabi ni Ace. Napakurap ako ng ilang beses nang sa isang iglap ay nakuha na ni Raze ang baril ni Ace. Napalunok ako. That was too fast! GHAD! Tao ba talaga ang dalawang ito?

Nag-umpisa na silang dalawa. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na seryosong nag-uusap.

"Watta brilliant idea, Ace!"  Bulalas ni Raze. "That's my bro!" Dugtong pa nito.

Nginisian naman sya ni Ace bago dumapo sa akin ang kanilang mga tingin. "What do you want to eat,  Zein?" Raze asked me.

Umiling ako. "I don't want to eat knowing you are with us." Wika ko na ikinalaglag ng panga nya.

Nakita ko naman ang pasimpleng pagngisi ni Ace.

"You are too rude." Ngumuso ito. "Just like your sister."

Lumapit ako kay Ace. "Punta lang akong mall." Paalam ko.

"I'll go with you."

"No, malapit lang naman ito."

Nakita ko ang pagtutol sa kanyang mata. Napangiti ako sa loob ko. "Aalis na ako." Paalam ko.

"Samahan na kita." Ani Raze.

Hindi ko na ito pinansin. Bago ko pa masara ng tuluyan ang pinto ay narinig ko na ang mga salita ni Ace na halos magpatalon sa akin sa kilig.

"Take care, Darling."

Nagtingin ako sa mga accessories nang maaring ipanregalo kay Ace pero hindi ako makapagdecide. UGH!

Dumapo sa isang bagay ang aking tingin. Hindi naalis doon ang tingin ko at sa isang iglap ay binili ko na 'yon.

Saglit akong naglibot sa mall. Napansin ko ang lalaking naka cap na nakatingin sa akin. Hindi ko ito mamukhaan pero parang sya rin 'yong weird na guy sa waiting shed ng school.

Tumakbo ito at naglaho sa karamihan ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang pakiramdam ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng mall ay malakas na ulan ang sumalubong sa akin. Shit! Wala akong dalang payong at wala rin akong cellphone para sana itext na lang si Ace.

Sa kabila pa ang sakayan at sa tingin ko ay wala na akong magagawa kundi suungin ang malakas na ulan.

Nasa kalagitnaan na ako ng daan nang maramdaman kong namanhid ang mga paa ko.

Isang malakas na busina ang narinig ko at parang naging blured na ang lahat.

Napamulat ako nang maramdaman na may yumakap sa akin. Parang slow motion namang napatingin ako kay Ace at sabay kaming bumagsak sa sahig ngunit hindi ako nasaktan dahil pinaibabaw nya ako sa kanya.

Umawang ng konti ang bibig nya dahil sa impact ng pagbagsak nya.

"Are you ok?!" Tanong nya.

Basang-basa na kami ng ulan. Mabilis akong tumayo nang magbadya ang luha sa mga mata ko. Tumalikod ako sa kanya para hindi nya ako makita.

Shit! Naiinis ako sa sarili ko.

Naramdaman kong hinawakan nya ang braso ko at iniharap sa kanya. Napahagulgol ako nang makita ang mga galos nya sa siko.

"Zein, ok ka lang ba?!"

I hate you! Ikaw nga itong nasaktan ako parin ang inaalala mo.

Hinawakan ko ang kamay nya at isinuot doon ang regalong binili ko. Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha sa mata ko at nanginginig ang kamay ko.

Napangiti ako nang makitang bagay sa kanya ang wrist watch na binili ko. "Darling, happy anniversary. I am sorry." Wika ko.

Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko at mabuti na lang ay nayakap na ako ni Ace.

Napatingin ako sa sasakyan na muntik ng makabangga sa akin. Sumilip ang driver nito at ngumisi sa akin.

Tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko sa klase ng ngiti nito. Pakiramdam ko ay ngisi 'yon ni kamatayan na dapat naming iwasan.

Chasing Hell (PUBLISHED)Where stories live. Discover now