Debris

12 0 0
                                    

Debris
- n. the pieces that are left after something has been destroyed.

Parang ikaw..
Ikaw yung debri. Isang bagay na naiwan pagkatapos saktan, at kalimutan. You are the pieces that has been left after being destroyed.

Di mo naman mapipigilan na di ka masaktan eh. Dahil minahal mo, di mo lang minahal. Binigay mo pa lahat, lahat na kahit pagmamahal sa sarili mo binigay mo na sa kanya. Kung sa negosyo pa yan, kahit capital mo, pina utang mo pa. Ang resulta, walang wala ka na. Minahal mo, Iniwan ka.

Pero kahit ganon girl! You just have to be strong, not for someone. But for yourself. Remember, people come and go. Yes, sinaktan ka, pero di ibig sabihin na sasaktan mo na rin yung sarili mo. Di yun reason para pabayaan mo nang lugmukin ka pa. Sirang sira ka na nga. Gusto mo pang sirain ulit. Masokista te? May mga bagay talaga ma di para sa iyo. Pinatikim ka lang ni Lord sa kung ano pang mas magandang darating sa buhay mo. Kung feel mo noon, na siya na talaga. Na Di-Ka-Na-Talaga-Mabubuhay- moment pag wala siya. Pwes, feel mo lang yun. Sinaktan ka nga eh.

If someone, breaks you. Learn how to mend yourself. Bili ka nang Glue girl o di kaya paste mas mura yun. Wag mong ibigay sa iba ang trabaho na ikaw dapat ang gumagawa. Kagaya ng isang Makahiya (oo, yung masakit) pag hinawakan mo titiklop yun pero bigyan mo siya ng time para bumukadkad. Wag i force kasi baka dumugo. Also, Stop using other people, wag kang gumamit ng pangtapak kasi pangit tignan. Parang damit, pag sira na di na gagamitin kasi pangit. Wag kang mahiya dahil sira na. May tao dyan na kayang tanggapin lahat ng sira sa iyo kahit gaano ka dami man yan.

Someone will come and love every flaws and imperfections you have in your life. No matter how deep it is.

Sabi nga nila, Waiting can be as fuck. Pero kung marunong ka lang mag antay at maging contented sa buhay mo ngayon with your friends and family. Di mo na siya hahanapin pa at di ka na maghahanap pa. Gets mo? Kaya please lang, angdami na naming tanga wag kanang dumagdag pa. Kasi ang hirap.

Learn to mend yourself. Learn to forgive, not for his freedom but for you na nakulong sa panahon na meron pang kayo at baka mag kayo. Learn to see things differently. Kung masakit man na lahat ng ginagawa mo ngayon eh ginawa niyo na noon. Pwes! Gawin mo parin! Di lahat ng bagay dahil lang sakanya. Kung noon, kasalo mo siyang kumain ng Kwek-kwek kina Aling Manda yung siya ang nagpapa kain sayo. Nagsusubuan parang mga walang kamay. Eh, gawin mong kumain don. Magpakasasa ka sa pait ng kwek kwek mo ngayon. Kahit nasasapawan na ng iyak mo yung toyo ng pagkain mo, okay lang. Face You Fear. Thats the only thing you can do para maka move on at maka let go sa moment. Replace good memories with him by best memories you have with yourself.

MEND YOURSELF.
DATE YOURSELF.
LOVE YOURSELF.
3thingsYouCanDo

Hugot Love Lessons ng mga babaeng nasaktan Where stories live. Discover now