"Letting go"

12 0 0
                                    

"Mahirap iwan ang isang taong naging parte na ng iyong kahapon."

Bat masakit? Kasi minahal mo eh.
Araw na ito, opisyal mo na akong iniwan. Hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman. Masasaktan ba dahil iniwan mo ko o magiging masaya dahil matatapos na ang aking pagiging tanga.

Sa totoo lang, hindi ko naman dapat sana gagawin yung pag iyak, pagmamakaawa dahil wala namang kailangang isalba kasi wala namang tayo. Kakatawa nga, mga tao ngayon naghihirap nang mag move on eh di naman naging sila.

Commitments nowadays are so expensive that most people cant afford it. So fuckin rare! Minsan nga din meron ka ng word na yun pero wala naman ang LOVE.
The hard part of this is that you are not losing that someone, you are losing yourself. Stop being so desperate of something that you know to yourself whatever you do you cant actually have it

Binigay mo naman yung 100% eh. Pati kaluluwa mo sinangala mo na para mabigyan mo lang siya sa kanyang kaligayahan. Pero ang dali lang niyang bitawan yung mga salitang di mo gustong marinig sa bibig niya. Mga salitang kahit anong gawin mo sisira sa mga pangarap mong forever.

Sabihan ka ng, "Nakakasawa ka na kasi eh."

Ito yung moment eh na papasok sa utak mo yung salitang PAGMAMAKAAWA. Gusto mong magmakaawa na hindi ka niya iwan kasi di mo siya gustong mawala. Di mo gustong mag adjust nanaman sa pagiging loner. Di mo gustong burahin yung 4k photos niyo.

Bakit ang hirap? Napaka hirap malimot ang isang bagay na alam mong may patutunguhan pa sana kung di lang dahil sa iba. Sguro, di ikaw yung PERFECT GIRL na nakikita niya sa kanyang panaginip. Di ikaw yung isang bagay na kaya niyang mahalin habang buhay.

Kailangan mong tanggapin. Di dahil para sa kanya gagawin mo ito. Kundi, para sa sarili mo. Bigyan mo din sana ng kahit katiting na awa at pagmamahal din yung sarili mo. Kasi kahit iwan ka man ng isang libong lalaki sa mundo, di ka iiwan ng sarili mo. Kasi kung iiwan ka niya, dadagdag ka lang sa listahan ng populasyon ng mga baliw sa pilipinas. Kaya please lang! Wag! Wag mong aksayahin ang sarili mo sa isang taong di naman totoo.

Alam kong mahirap pa sa simula, di mo mamamaster ang pag let go at pag move on sa isang araw depende nalang kung di mo talaga siya mahal. Eh kung, ang pagmamahal mo sakanya from the moon and back pa eh. Mag hinay hinay ka nang mag practice na wala siya. Kasi, at the beginning of everything naman wala naman na talaga siyang ginawa para sa iyo. Ikaw lang tong tangang nag aassume na meron talaga.

Mahirap pero kailangan. Ang tanging maiibigay ko sa iyong payo sis is that.
Stop investing your time & effort on temporary people. Learn to accept reality that everybody will eventually leaves you, they will either leave you with a smile or a broken heart.

Hugot Love Lessons ng mga babaeng nasaktan Where stories live. Discover now