23: Side Effect and Gratitude

Magsimula sa umpisa
                                    

Binalikan ni Titus ang kanyang ama at saglit silang naglaban. Titus prepared because Magnus was fighting clumsily.

Tinakpan ko na lang ang mga tenga ni Rianah habang mahigpit siyang nakayakap sa mga binti ko.

Nag-isang kumpol kami dito sa loob habang pinapanood ko ang nangyayari sa labas. Nasa tapat mismo ng pintuan si Titus at pilit pinipigilan ang mga bampirang gustong pumasok dito. At dahil malalakas din sila ay nahirapan sila sa pagprotekta sa amin. Sugatan na silang tatlo at tila nanghihina na dahil sa walang tigil na pakikipaglaban sa mga kalahi nilang wala sa tamang katinuan.

Titus...

Napaluhod siya ngunit mabilis niyang nahawakan sa leeg ang isang Turned vampire at pinutulan n'ya ito ng ulo gamit lamang ang kamay n'ya.

Napaiwas ako ng tingin lalo na at tumalsik sa kung saan-saang direksyon ang dugo nito.

Mukhang ang mga Turned vampires lang ang pinupugutan nila ng ulo. Hindi ko alam kung ano ang resulta sa pagbali nila sa mga leeg ng iba ngunit sa palagay ko ay hindi naman pagpatay 'yun dahil ginawa nila iyun sa mga magulang nila.

Umabot ng ilang oras na gan'on lang ang nangyari hanggang sa tuluyang nag-umaga at naging tahimik na sa labas.

"Gising na kayo," dinig kong sabi ni Lorenzo kina Faizah at Raye. Sina Max at Rianah ay nakatulog din. Kaming dalawa lang yata ni Lorenzo ang hindi nakatulog.

Binuhat ko si Rianah at dinala sa kwarto namin. Nang masigurong mahimbing pa rin siyang natutulog ay muli akong lumabas at sumilip sa bintana.

Nakakalat sa labas ang napakaraming katawan. Ang iba ay buhay at ang iba... wala ng buhay.

May namataan akong gumalaw malapit lang sa may pinto.

Si Magnus Bloodworth. Tumayo ito at bahagya pang minasahe ang batok. Kasunod n'ya ay si Rosamund.

Isa-isang nagising ang mga bampira at iisa lang ang una nilang ginagawa. Minasahe nila ang kanilang mga batok. At nang napatingin sila sa bahay ay nagugulat sila.

Lumabas sina Grams at Lorenzo at kinausap sina Magnus Bloodworth. Seryoso sila habang nakatingin sa paligid. Si Orson Brigham naman ay may kinausap na ilang mga lalaki at ilang sandali pa ay pinagdadampot na ng mga ito ang mga ulo at katawang napatay nina Titus kagabi.

Speaking of Titus...nasaan na s'ya? Sila nina Nadine at Matteo?

Iginala ko ang paningin at namataan ko si Rosamund na nakaluhod na sa tabi ng isang walang malay na bampira.

Si Titus. Nakadapa ito sa lupa.

Lalabas na sana ako pero s'ya namang pagpasok nina Grams.

"Sila na ang bahala sa mga bangkay," ani Lorenzo.

"Kumusta sina Titus?" hindi ko na napigilang itanong.

"Wala silang malay na magkakaibigan. Mukhang ito ang side effect ng potion na ininom nila. They became so weak after sunrise," sagot niya.

"Okay lang ba sila, Kuya?" tanong naman ni Faizah.

"They're fine but they will be unconscious for a while. Wala tayong alam sa ngayon. Don't worry. Magtatanong ako mamaya."

Muli akong sumilip sa labas. Nakita kong kinarga na ni Magnus si Titus at nakabuntot agad sa kanila si Ambrosia na sinusundan din ng asawa nito. Si Levi Horton naman ang may karga kay Nadine at si Orson Brigham ang kay Matteo.

Halos magkakasabay na umalis ang mga bampira sa bakuran namin na parang walang nangyari kagabi.

So, ganito ang umaga pagkatapos ng Blood Moon? Parang wala lang?

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon