Chapter VI: Brief Raided

974 68 16
                                    

[Gab's POV]

BLLAAAAGGSHH!

"AAAAAHHHH! Ano yun!?"

Bumangon ako para tignan kung ano nga yun and then, nakita ko na lang sa kusina na nakabasag lang naman ulit ng pinggan si Ate Maybelyn, or Ate Maybe for short.

Umuwi muna kasi si Manang Rowena sa probinsya kaya si Ate Maybe muna ang pinagdayag ni Mama.

Oo! Hindi kapansin-pansin pero may ate po ako! Hindi lang basta ate. Totoong ate ko si Ate Maybe!

Ang sweet naming mag-ate noh? Hindi kami nagpapasinan. Hmm, siguro nung mga paslit na bata palang kami but still, kahit paikot-ikotin at pagbuhol-buhulin ko pa ang mundo, siya parin ang natatanging halimaw ah este, ate ko pala.

But this time, pinansin ko sya.

"Yung totoo ate, nagdadayag ka? o nagbabasag?"

Hindi sya sumagot.

Shet, ang suplada naman nitong ate ko.

Kagagaling lang nyang states kaya siguro medyo nagsusuplada. Artistahin na kasi eh. Umextra lang sa pelikula, akala kung sino na and the worst of it, hindi nya man lang ako binibigyan ng imported chocolates nya. Medyo maluha-luha na ako kaka-crave nung pagkadating na pagkadating nya dito sa Pilipinas. Tapos, hindi parin nya ako binigyan.

HAHA. Para parin akong bata.

Pero teka, bakit nagdadayag na si ate? Tapos na ba ang agahan?

Tumingin ako dun sa wall clock namin sa kusina.

7:58 am

AY SHIT! May pasok pa nga pala ako! Late na ako! Takbo sa kwarto!

Kinuha ko nalang muna yung uniform ko sa kwarto kahit hindi pa napaplantsa at umalis na ako ng bahay kahit wala pang agahan ang dumadaloy sa aking katawan.

Sa taxi nalang ako magbibihis, hindi naman siguro mamboboso yung driver.

- - - - -

"MANANG! MANANG BATCHOY! PABILI PO NG SANDWICH! BILISAN NYO! GUTOM NA 'KO!"

Malayo pa ako sa cafeteria eh todo-todo na ang sigaw ko.

"Ano ba iho, nakakabingi ka ah."

"Eh kasi naman Manang, gutom na 'ko. Hindi ako kumain ng agahan tapos todo-todo pa ako sa pagtakbo mula sa gate hanggang dito."

"Mukhang kaawa-awa ka naman sa lagay mo iho eh."

"Hindi ko kailangan yang awa mo! Ang kailangan ko eh yung sandwich ko!"

"Osige sige, iho. Heto na oh."

Binigay nya sa akin yung sandwich then hinablot ko naman 'to mula sa kamay nya.

"Manang, gusto ko ng inumin. Bigyan mo nga ako ng hot chocolate."

"Osige sige. Sandali lang ha?"

"Anong sandali ka dyan? BILISAN MO!"

Umupo ako sa isang table at dun kinain yung pagkalaki-laking sandwich.

Wala pa mang isang minuto, hinahatid na sa akin ng isang waitress yung hot chocolate ko.

Aba, hindi naman yata masyadong halatang takot sa akin si Manang Batchoy at minadali yung order ko ah.

Ayan na sya, malapit na sya. Malapit na si Hottie. Wala pa man sa akin, eh naamoy ko na ang kabanguhan nya. Teka, ano pa ba ang tinutukoy ko dito? Yung hot chocolate o yung waitress? Tss.

Bad Meets The Worst (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now