Prologue (REVISED)

6.7K 130 77
                                    

Tumunog ang vintage na telepono.

KRRIIIIINNG!

"Hello? Who's this?"

"Hello anak, Mommy mo 'to," sabi ng isang mabahong tono. As in ma-baho pala, contrast ng tenor.

"Mommy? Bakit po parang lalaki ang boses niyo? May sipon ba kayo?"

"Ah, cancer lang 'to anak."

"Ano?! Mommy naman, bakit ngayon niyo lang sinabi?!" gulat na gulat at mangiyak-ngiyak na sabi ng babae. "Mamatay na po ba kayo, Mommy?"

"Biogesic lang katapat nito, anak."

"Sigurado kayo?"

"Oo. By the way, ipapadala ko na nga pala dyan si Kamatayan para sunduin ka. Nanalo ka kasi sa raffle na ginawa ko."

"Huh? Anong raffle? Wala akong sinasalihang raffle na si Kamatayan ang prize, Mommy!"

"Huwag kang feelingera, Anak. Hindi si Kamatayan ang prize mo, akin lang siya. Basta, I'm giving you a Trip To Hell for infinity and beyond with Free Pahirap Package, and guess what? You can have the chance to experience a very hot jacuzzi in a big pot! How great diba Anak?"

"Mommy naman, huwag niyo akong takutin! Please, leave me alone! Ayoko pang mamatay. Magpapakabait na po ako, promise! Please, huwag mo muna akong ipasunog sa impyerno," lumuluhang sabi ng babae.

"Ayaw kitang pagbigyan, pero sige, bibigyan pa kita ng one minute para mag-impake. Bye."

"Minute To Win It lang Mommy?"

Sabay baba ng telepono.

TOOT! TOOT! TOOT!

Teka, akala ko ba vintage 'to? Hahaha, bakit naging digital nung binaba? Pero paano ko nga ba nalamang vintage yung sa kanya? Baka may superpowers ako, hahaha!

Nice pranking today, Gab.

Bad Meets The Worst (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now