chapter 1 :)

14.2K 345 45
                                    

---
First of all,  hello sa inyo:)

welcome to my imaginary world:)
hope you'll enjoy this story.
Vote...vote..vote..
Comment...comment...comment..;)

I'll appreciate it so much..
Thank u :)

---

Avery's pov

"Ma! Pasok na po ako sa school, bye-bye" paalam ko sa aking butihing ina habang palabas ng bahay,

"Mag iingat ka sa daan anak!"  Rinig kong sigaw ni mama.

Hindi na ako nakasagot pang muli dahil alam kong hindi na rin naman niya ako maririnig.

Simpleng buhay lang ang meron kami, simula ng iwan kami ni papa..
Iniwan niya kami dahil sa ibang babae, nkahanap na siya ng iba sa ibang bansa, nagpapadala parin naman siya ng pera para sustentuhan ako, ngunit si mama...

Lagi-lagi ko na lang naririnig ang pag-iyak niya tuwing gabi, marahil ay, nasasaktan parin siya sa pag iwan ni papa.

Ako ang labis labis na nasasaktan, sa tuwing ngingiti si mama sa akin na wari'y walang dinadalang problema.

--aish! Bakit ba ito agad ang iniisip ko, ke-aga aga,

Pumara ako ng jeep, at dali-daling sumakay dahil ang pinaka ayoko ay ang pagpunta sa aming paaralan ng wala sa oras.

"Averyyy! Good morning" ngiting bati ng kaibigan ko, si Janna.

Simula elementary ay malapit na kaibigan ko na sya, kaya hindi nakakapagtakang kaklase ko parin siya hanggang ngayon.

Siya ang naging kaagapay ko sa lahat.
Alam niya lahat ng tungkol sa akin, ganun din naman ako sakanya.

"Good morning" bati ko pabalik at sinuklian dinsiya ng ngiti.

"Suuuus! Alam ko yang ngiting yan Ave (eyv).. wag mo munang isipin ang mga problema mo.. okay?"

Kilalang kilala na talaga ako ng kaibigan ko.

Tumango ako.

Nagsimula ng magbulung-bulungan amg mga estudyante sa paligid, hindi na ako magtataka kung sino ang dahilan,

Si Ivan, Ivan Lopez ay naglalakad ngayon papunta sa aming silid.

Tatlong taon na, na kaklase ko siya ngunit ni minsan ay di kosiya naging kaibigan. Halos lahat ng aming kaklase ay kaibigan ko na, siya ang hindi.

Hindi ko alam kung bakit?

Hindi ko din maitatangging guwapo siya, at gusto ko na siya simula nung una ko siyang makita, unang pasok ko pa lang sa high school.

Sa akin lang siya nagsusungit, at sobra akong nasasaktan ng dahil dun.

"Ave" tawag pansin saken ni Janna, marahil alam niyang, nakatitig nanaman ako sa lalakeng iyon.

Tumungo ako.

"Tigilan mo na okay? Masasaktan ka lang" pagpapa-alala niya saaken at binigyan ako ng malungkot na ngiti.

Alam ko.

-

4th year high school na kami ngayon, kaya naman pahirapan narin sa bawat subject namin,

Sinulyapan ko si Ivan sa dulong bahagi ng classroom habang may kausap ang guro namin sa tapat ng pinto.

Umikot ako ng konti dahil sa harapan ako nakaupo, lagi naman, hindi sa pagmamayabang ngunit ako ang naging valedictorian simula nung first year.

Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana, dahil nakatagilid siya, mahahalata mo ang pagkatangos ng ilong nito, yung mahabang pilik mata niya ay kitang kita ko pa at yung magaganda at medyo singkit niyang mga mata na kung tignan ako ay siya namang dahilan ng pagkirot ng dibdib ko.

I Hate You! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon