"Sa...sana namatay nalang din ako" sambit ko at naramdaman kong may yumakap sa akin. Ang yakap ni Kence.
"Hinding hindi kita iiwan Diane" naramdaman ko ang init nang yakap ni Kence. Sobrang namiss ko to.
"Kanina.. boses mo lang ang naririnig ko...
Tapos ngayon naman..
Nararamdaman ko ang yakap mo... hindi ako makapaniwalang, niyayakap ako nang isang kaluluwa...
sana palagi nalang ganito... wala nang problema... Sana palagi mo nalang akong niyayakap... gumagaan ang pakiramdam ko... pakiramdam ko, tayong dalawa lang ang tao, ay hindi, kaluluwa ka at tao aki dito sa mundo... sana hindi ka pa umalis at ganito nalang tayo... huhuhu.." tanging sambit ko.
"Hindi naman kasi ako patay." Sabi ni Kence. Naramdaman ko namang bumitiw ito nang yakap. Pero hindi ko pa din inaangat ang ulo ko. Ayokong pag tingin ko, kinakausap ko ang kawalan. Gusto ko, pag angat ko nang ulo, makikita ko sa sarili ko na handa na akong tanggapin na wala na talaga siya. Na wala na si Kence. Kahit na masakit.
"Tigilan mo ako. Patay ka na. Alam ko. Naramdaman kong binubuhat ka na nila papuntang morgue. Kaya, wala ka na talaga"
"Hindi mamatay ang gwapong tulad ko. Ms. Nerd" sa sinabi niya ay napa angat na ako nang ulo. Past is past. Ayoko nang balikan ang pagiging nerd ko. Dahil sa nerd na yon, nasaktan ako.
Nagulat ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Naninigas ako sa pwesto ko ngayon. Hindi naman malamig pero bakit ganito?
Napatulala ako nang makita ko sa harap ko si Kence. Si Kence ba talaga ang nasa harap ko o dahil sobrang emosyon eh nakikita ko na siya?
"Hello to earth Ms. Nerd" sabi ni Kence at kinawayan pa ako sa mukha.
Kumunot ang noo ko at pinunasan ang basang basa kong mukha dahil sa mga luhang umagos kanina dahil sa pag iyak ko. Hindi ako maka paniwala. Bakit ganito? Pinag lalaruan ba ako nang tadhana? O nasa panig na naman ako nang nanay ko kaya nakikita ko ang kaluluwang ligaw ni Kence? Ugh.
"This is not true. Ang patay nag sasalita? Niyayakap ang taong mahal niya at nilait mismo sa harapan nang marami niyang kaibigan.? Huh nakaka baliw!" sabi ko sa buhay na Kence. Ano na bang nangyayari. Napahilamos ko ng malambot kong palad sa mukha ko para makatiyak na hindi ako nananaginip.
Muli ay tumingin ako nang masinsinan kay Kence.
"Totoong buhay ako. At hindi ako namatay. Kung mamamatay ako, paano ka na? Baka agawin ka sa akin ngayong hindi ka na panget na nerd. Tss" sabi muli nang buhay na Kence. What the? Is it true? Ang Kence na mapang lait ay bumalik at buhay?
Tumayo ako at hinarap siya. Tinititigan ko ang buo niyang mukha. Totoo bang buhay siya? Sana totoo. Dahil baka mamatay ako kung hindi totoo.
Napalingon naman ako sa natatawa kong kapatid na si kuya Dwayne. Sinamaan ko siya nang tingin at napatigil siya. Tinignan kong muli nang maigi si Kence baka naman nananginip lang talaga ako pero hindi.
Natutuwa ako dahil hindi siya patay pero naiinis ako dahil bakit sila natatawa? O baka pinag kaisahan nila ako. Arrrgh. Lagot kayo sa akin.
"Huh. Nag sayang pala ako nang luha?" Akmang sasampalin ko siya para magising ako sa katotohanan nang pinigilan niya ako gamit ang kamay niya.
"Totoong buhay ako. Its just a----" naputol ang sasabihin niya nang sumingit si Clare.
"Its prank and he's still alive" sabi niya at nag tawanan silang lahat.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...
x54 Prank but I'm still alive
Magsimula sa umpisa
