Chapter 1

14 1 0
                                    

"CALIX!" Huminto sa paglalakad si Calix nang marinig ang pagtawag sa kaniyang pangalan ngunit nang pagharap niya ay may matigas na bagay ang tumama sa kaniyang noo.

Napahawak siya sa kaniyang noo na nasaktan. Pag angat niya ng kaniyang paningin nakita niyang tumatakbo palapit ang kaniyang kaibigan.

"Naku, Cal. Sorry huh. Nasaktan ka ba? Kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi mo naman ako nililingon. Ayan tuloy nabato pa tuloy kita. Bakit naman kasi ang bilis mo maglakad?" Nakalapit na si Amyella at inaayos na ang sapatos na ibinato kay Calix.

"Myel, naman. Sa lahat ng ibabato mo, sapatos pa talaga? Anong tingin mo sa'kin, daga? Tss!" Hinilot niya ang noong natamaan. Naiinis na tumingin siya kay Amyella.

"Ih kasi..." She pouted her lips. "Kasi naman ang bilis-bilis mo maglakad. Bakit kasi naka-headphones ka pa? Hindi mo tuloy ako naririnig. Pauwi ka na ba?" Ngiting-ngiti ito habang nakatingala sa kaniya.

Napailing pa siya bago sinagot ang dalaga. "Ang dami mong tanong. Uso huminga. Ang liit-liit, napakadaldal. Oo uuwi na ako. Umuwi ka na rin at baka gabihin ka pa."

Ngumuso ang dalaga. Hatalang nainis sa sinabi niya.

Tss! Bipolar.

Natawa siya bigla sa makitang reaksyon ni Myel. "O, ano na naman 'yang mukhang 'yan, huh?"

"Ang dami kong tanong, isa lang sinagot mo. Tapos ngayon itinataboy mo pa ako. Nakakainis ka talaga!" Umungos ito sa kaniya at sabay irap.

Tss. Maldita talaga.

Napailing siya at nameywang habang natatawa na tumingin sa dalaga. "Tignan mo 'to. Ikaw na nga nakasakit, ikaw pa galit. Pambihira. Oo nasaktan ako. Kita mo 'tong noo ko? Panigurado magkakabukol 'to." Turo niya sa kaniyang noo. "Naka-headphones ako kasi trip ko lang. Malay ko bang hahanapin mo 'ko. And last, mabilis talaga ako maglakad. Ano pa at naging athlete ako ng marathon kung mabagal ako. Palibhasa kasi ang liit mo kaya ang bagal mo maglakad." Patuloy niya.

Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon nang makita ang galit na itsura ng dalaga. Halatang napikon ito sa kaniya. Kinagat niya ang kaniyang labi upang pigilan na humagalpak ng tawa.

"Aba't -!" Itinaas ni Myel ang isang kamay. Akmang hahampasin si Calix ngunit ibinaba din ng dalaga. "Argh! Ewan ko sa'yo! Nakakainis ka talaga!" Then she turned around and walked out.

"Hoy! Pikon!" Natatawang tawag ni Calix sa papalayong dalaga. "Myel!"

"Ewan ko sa'yo! Ang yabang mo! Tse!" Balik-sigaw ng dalaga.

Hinabol niya si Amyella na mabilis na naglalakad. Inakbayan niya ito at sinabayan sa paglalakad ng kaniyang maabutan.

"Ibang klase ka talaga. Gusto mo lang magpalambing ih." Napahinto siya nang huminto sa paglakad ang dalaga. "Oh? Oh, sige. Hindi ka na pikon. Ako na lang ang pikon. Wag ka na nga sumimangot. Lalo kang pumapangit." Natawa siya ng makita na lalong sumimangot si Amyella.

"Joke lang! Tara, libre na lang kita ng ice cream." Hinihila na niya si Myel ngunit hindi pa rin tumitinag sa pagkakatayo.

"Mag-sorry ka muna." Tumingin ito sa kaniya.

"Ako pa?! Ako pa magso-sorry?" Napapalatak siya habang nakaturo sa sarili. Sinamaan siya ng tingin ng dalaga. "Sabi ko nga ako na magso-sorry. Sorry. Ako na lang may kasalanan... Tara na nga kasi para lumamig na 'yang ulo mo."

Humagikgik si Amyel at nangunyapit sa braso ng binata.

Pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan nang makarating sa parking area. Pagkaupo ay inayos na niya ang kaniyang seatbelt.

Pinasibat na ng binata ang sasakyan. Binalingan nito ang katabi na abot-tainga ang pagkakangiti.

"Myel, ingat sa pagkakangiti. Baka mapunit yan sa sobrang lapad. Mapagkamalan ka pang may tama." Nangingiting untag niya sa dalaga.

Humarap si Amyel sa binatang nagmamaneho. "Alam mo ikaw, kaka-sorry mo lang kani-kanina tapos aasarin mo na naman ako. Minsan gusto na talaga kitang sakalin 'kala mo ba."

"Bakit kasi sobrang pikon mo? Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend kasi madali mag-init ang ulo mo. Tatandang dalaga ka niyan, sige ka." Nanatili lang ang tingin ng binata sa kalsada.

"Hmmm. Ayoko naman kasi sa mga nanliligaw sa'kin. May inaantay ako. Ang manhid naman kasi nun. Nakakainis na." Nakasimangot na humarap si Amyel sa binata.

"Oh, bakit sa'kin ka na naman nakasimangot? Hindi ako ang kaaway mo." Inabot niya ang mukha ng dalaga at pinisil ang pisngi nito. "Smile ka na. Papangit ka niyan." Nilingon niya ito at kinindatan.

Namula ang pisngi ng dalaga kaya dagli itong nag-iwas ng tingin.

"Maganda ako 'no kahit nakasimangot." Ani ng dalaga habang nakatingin sa labas ng sasakyan. "Kamusta nga pala kayo ni Sofia?" Patuloy niya.

"Kami? Wala na kami." Inihinto na ng binata ang sasakyan at tumingin sa kaniya. "Tara na nga. Dami mo na naman itatanong niyan panigurado."

Lumabas na ng sasakyan ang binata. Bumaba na si Amyel at sumunod sa binatang papasok na ng ice cream shop.

"Sandali lang, Calix. Ayan ka na naman ih. Ang bilis mo maglakad. Manlilibre ka ba talaga o napipilitan lang?" Hinila niya ang braso nito.

"Ang daldal mo." Humarap ang binata sa kaniya. "Anong size ng cup?"

Niyakap niya ang kaniyang sarili at sinamaan ng tingin ang binata. "Huh?! A-anong size?"

Tumawa ang binata bago nagsalita. "Ano ba 'yang iniisip mo? Size ng cup ng ice cream mo. Tss" Napailing ito habang nagpipigil ng tawa. "Humanap ka na nga lang ng mauupuan natin."

Kumilos na ang dalaga at naghanap ng mauupuan. Pinili niya ang upuan katabi ng glass wall na may pandalawang upuan.

Ang cute nitong place. Parang candy store naman 'to. Hindi ice cream shop. Aniyang kaniyang isip.

Inilibot niya ang paningin. Combination of powder blue, baby pink, light yellow and lilac.

Napadako ang kaniyang tingin sa binata na kausap ang kahera sa counter.

Aba, aba! All smiles si ateng. Konting konti na lang mapupunit na 'yang labi mo, sana! Aniyang isip.

Napipikon na nilapitan niya ang binata na masayang nakikipag-usap sa kahera. Nangunyapit siya sa braso nito.

"Cal, ang tagal mo naman. Take out mo na lang 'yang inorder mo at sa bahay na lang natin kainin." Pinandilatan niya ng mata ang kahera habang nakaharap dito.

"Sige paki-take out na lang, Miss... Thank you." Anang binata at ibinigay ang bayad sa kahera.

"And Miss, pwede pakidagdagan naman ng bilis. Nagmamadali kasi kami ng partner ko." Tinaasan niya ito ng kilay at hinila na si Calix pabalik sa kanilang mesa.

"Ang sungit mo na naman, Myel." Anang binata pagkaupo nila.

"Bakit ba? Masyado siyang pa-cute, hindi naman cute." Umismid si Amyel habang nakapangalumbaba.

Naghintay pa sila ng ilang sandali bago dumating ang kanilang inorder at lumisan na ng shop.

A/N: Pasensya na po kung masabaw. Hehe. Pabebe leng si bebe girl keye genyen.

Thank you for reading. Lablablab.. Mwuah! ^_^

Please support na lang po and vote. Thank you.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jan 30, 2017 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Hidden LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora