Prologue

32 1 1
                                    


"CAL, hindi man maalala ng isip mo, hanapin mo ako diyan sa puso mo. Hindi kita pipilitin na maalala mo 'yon ngayon pero hayaan mo lang ako na nasa tabi mo. Please, Cal." Hinawakan ni Amyella ang kamay ni Calix at inilagay sa kaniyang pisngi.

Pinagmamasdan lang siya nito ng matiim.

Ngumiti siya bago nagsalita uli. "Maalala mo din, Cal. Maghihintay ako."

Maingat na binawi ni Calix ang kaniyang kamay mula kay Amyella. Ngumiti ng tipid. "I-I don't know what to say, Myel. Basta ang alam ko, kaibigan kita. Malapit na kaibigan kita. Hindi ko na alam kung ano pa. Naguguluhan ako. Every time I want to remember, my head hurts. It frustrates the hell out of me. I'm sorry." He rested his head to the pile of pillows on his back.

"I-It's alright, Cal. I know. Huwag mong madaliin. Sabi ko naman sa'yo, maghihintay ako 'di ba. Matagal na kitang hinintay, ngayon pa ba ako maiinip?" Tumawa siya ng bahaw. "Basta magpagaling ka kagad huh? Nandito lang ako lagi. I love you, Cal."

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Hindi malaman kung ano magiging reaksiyon sa pagitan nila.

Nag-iwas ng tingin si Calix. Bumaling ito sa may bintana. Animo'y naroon ang kasagutan sa nakakailang na sitwasyon nila ng babaeng kaharap niya ngayon.

Tumikhin si Amyella upang makuha ang atensyon ni Calix. Bumaling sa kaniya ang binata.

Tinitigan siya nito bago tumugon. "Thank you, Myel. Ahm... I'm sorry kung hindi-"

"No, no... Ahm, it's okay. Ano ka ba?" Dinaan niya sa tawa ang sakit na nararamdaman. Pilit na pinagagaan ang sitwasyon.

"Myel..." Ani Calix.

"Ay, ano pala... Sige, labas muna ako. M-may bibilhin din kasi ako sa labas. Sige huh. Babalik din ako. Magpahinga ka muna." Dire-diretso niyang saad at hindi na inantay pa ang sagot ng binata.

Paglabas niya ng silid ay saka na niya pinakawalan ang mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata.

Pinahid niya ang kanyang mga luha. "Naku, ngayon ka pa ba susuko, Amyella? Naantay mo nga siya ng napakatagal na panahon 'di ba? Kaya mo 'to. Kakayanin mo." Sabi niya sa kaniyang sarili. Garalgal ang kaniyang tinig. Huminga siya ng malalim upang gumaan ang kaniyang pakiramdam.

"O Myel, nakatulog na ba si Calix?" Ani Tita Shane.

"Ah hindi po, Tita. Sinabi ko po na kailangan niya ng magpahinga. Baka sumakit na naman po ang ulo niya pag na-stress siya kakaisip. Aalis po muna ako. Dadalawin ko na lang po uli siya sa mga susunod na araw. Sige po. Bye po muna." Pilit na pinasigla niya ang kaniyang boses upang maitago ang lungkot.

Yumakap siya sa tiyahin ng binata. Aktong bibitaw siya sa pagyakap nang higpitan nito ang pagkakayakap sa kaniya.

"I'm sorry, Amyella. I know what you're feeling right now. Please, be patient to wait for him. Alam kong naiintindihan mo naman ang sitwasyon. Be strong, okay? He needs to recover first. Everything will be alright." Anito habang hinahaplos ang kaniyang buhok.

Wala siyang ibang maisagot kung hindi ang pagtango. Hindi napigilan ang umiyak ng umiyak habang yakap ang tiyahin ng binata.

"Hush now, honey. Kung ano man ang kailangan para maging maayos ang kalagayan ni Calix, susundin natin. Okay ba yun? Makakapag-antay ka pa naman para sa kaniya 'di ba?"

Kumalas siya sa pagkakayakap at pinahid ang luha. "Opo, Tita. Promise po." Pinilit niyang ngumiti.

"Okay. Go home and rest. Look at you, may eye bags ka na oh. Ako na muna ang bahala sa pamangkin ko. May buhay ka din na dapat asikasuhin. Malaki na 'yang si Calix. Makakabuo na nga 'yan ng baby." She chuckled.

"Okay po. Uuwi na po ako, Tita. Bye po uli." Humalik siya sa pisngi nito.

"Mag-iingat ka."

Gumaan na rin ang loob niya matapos ang pag-uusap nila ng tiyahin ng binata. She won't give up that easy.

-chin

Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon