Dumating na ang pagkain at halatang pinaghandaan ito ni Johansson dahil hindi kami binigyan ng menu pero alam na ng mga waiter kung ano ang ihahanda. So totoo nga ang sinabi ni Maxxine kaninang last subject, I wonder kung may kinalaman ba sila sa planong ito ni Johansson.

Tahimik lang ako habang kumakain habang s'ya naman ay panay ang sulyap sa akin. Kami lang ang tao sa labas. Tumayo si Johansson pagkatapos naming kumain, tumingala ako sakanya nang nasa gilid ko na s'ya.

Ngumiti s'ya at nilahad ako ng kamay, tinanggap ko iyon at lumapit kami sa pader kung saan makikita mo ang view ng manila, kung nasaan kami kanina.

"Woah." Namangha ako sa nakita ko. Kung kanina ay sunset, ngayon naman ay ang buwan at mga bituin. 'Di ko matanggal ang ngiti sa labi ko dahil sa nakikita ko ngayon. The city lights are amazing from here. Sometimes, I'll go to this restaurant just for this view. It's really breathtaking.

"Didn't know you own a hotel with this kind of view, Johansson." sabi ko pagkatapos ng ilang minutong pagmamasid sa view.

Nilingon ko s'ya ng hindi s'ya sumagot sa akin sa pag-aakalang bumalik s'ya sa table namin at iniwan akong pinagmamasdan ang view pero nagkakamali ako. He's still beside me pero hindi s'ya nakatingin sa view! He's looking at me instead!

"Sorry, I got lost in your eyes. What are you saying?" malambing n'yang sabi at mas lalong lumapit sa akin para marinig ang sasabihin ko.

Umiling na lang ako at nanahimik na. Damn! He witness how mesmerized I am with the view! I wish I didn't look like a child na first time lang makakita ng ganito.

Tumawa s'ya at mas lalong lumapit sa akin. This time nasa likod ko na s'ya at parehong braso n'ya ay nasa gilid ko, kinukulong ako.

"I would like to see that reaction of yours everyday."

"Alam kong mukha akong tanga kanina."

"Hindi ah, ang cute mo nga." sabi n'ya at pinisil ang pisngi ko

"Ewan ko sa'yo! Nant'trip ka nanaman!" sabi ko at hinampas ang braso n'ya. Tumawa naman s'ya at niyakap ako galing sa likod.

This is the first time that we've been this close and I wish that we did it before more often because it feels so good. With him hugging me from beside and the view infront of me, everything's perfect.

Inuwi ako ni Johansson ng alas-otso dahil ang pinagpaalam n'ya sa parents ko ay sa ganoong oras n'ya ako iuuwi. Hindi ko nga alam na nagpaalam s'ya, my parents wouldn't mind anyways lalo na't si Johansson ang kasama ko.

We texted that night pagkatapos kong gawin ang mga requirements sa school. Agad-agad s'yang nagrereply at sa tingin ko ay ito ang unang pagkakataon na nagpalitan kami ng messages na ganito karami.

"Uy, si President oh." tinuro ni Bianca ang grupo ng mga lalaking naglalaro ng basketball sa court

Tumigil kami sa paglalakad at umupo sa bench dahil nandoon daw ang crush ni Karlie na varsity player. Vacant namin kaya hinayaan ko na sila sa gusto nila.

Tumabi ako kay Maxxine na panay ang tingin sakanyang phone habang sina Karlie, Shaira at Bianca naman ay dumiretso sa gilid ng court para magcheer kasama ang ilang babaeng nanunuod rin sakanilang practice.

Napatingin ako kay Johansson nung nag water break sila, lumapit ang mga babae sakanila at alam kong karamihan sakanila ay si Johansson ang sadya.

Kinagulat ko ng lumapit s'ya sa akin, umupo ako ng maayos at napansin iyon ni Maxxine kaya nawala ang atensyon n'ya sakanyang phone at napatingin sa taong nasa harap namin.

"You're here." sabi n'ya

Oh God, sweats are all over him yet he still smells so good. Hinihingal rin s'ya habang nakatingin sa akin, may ngiti sa labi n'ya na minsan ko lang makita. Ngumiti ako pabalik at tinuro sina Karlie na may kausap na ngayon.

Miss Always Rank #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon