Chapter twenty eight.

Start from the beginning
                                    

"Oh tapos na? Bakit pakiramdam ko hindi pa?" Tanong niya. 

"Tama na..tapos nanga..ginawa ko lang yun para kay Kielle. " Sabi ko padin ng walang emosyon. Ayoko siyang tignan..ayoko..kasi pakiramdam ko may makikita siya sa mga mata kong hindi ko makita. 

"Talaga ate? Tama na? Bakit sa tingin ko...mali pa." Sabi niya..napatingin naman ako sakanya. Hindi ako nagsalita...dahil tama siya... yun ang nararamdaman ko...pakiramdam ko..

...mali pa. 

------------

Pagkalabas ni Janna sa kwarto ko pumasok naman ang mag-ama. Tinignan ko nalang silang dalawa at tinuon ulet ang pansin sa laptop ko. Ilang araw ko ng hindi nabibisita yung café ko kaya naman madami pa akong kaylangan ayusin. 

Nakita ko naman nanuod lang silang mag-ama doon ng Kung Fu panda. Hindi ko naman alam yung init na nararamdam ng puso ko tuwing maririnig kong nagtatawanan silang dalawa. Hindi ko nalang sila pinansin at mas tinuon ko ang pansin ko sa harap ng laptop ko. 

Naantala nanaman ang pagtatrabaho ko ng biglang naramdaman kong may humahatak ng t-shirt..napatingin naman ako kay Kielle na ang lapad ng ngiti. 

"Yes baby?" Tanong ko sa anak ko...nakita ko naman a gilid ng mata kong nakatitig samin si Franco. 

"Es mawster." Sabi niya habang ginagaya pa yung bida dun sa pinapanuod niya. 

"Yes master." Paggaya ko naman saknya. Maslalo tuloy luapad ang ngiti ng anak ko. "Es mawster." Ulet niya..natawa naman ako. Lumapit siya kay Franco at pinaulet-ulet yung sinasabi niya. Napailing iling nalang ako sabay balik ng tuon ko sa laptop ko. 

Maya-maya pa..hindi ko na marinig ang ingay ng anak ko. Sinilip ko naman sila at nakita kong nakatulog na ito sa hita ni Franco habang hinihimas niya yung buhok nito habang nanunuod padin ng movie..siguro tinatapos nalang. 

Naramdaman kong pinatay na niya yung TV aty hiniga niya sa tabi ko si Kielle. Tinignan ko naman siya. 

"Hindi ka pa ba pagod?" Tanong niya. Iniwas ko nalang yung tingin ko sakanya...kasi maslalo akong nahahtak pabalik tuwing nakikita ko yung concern doon sa mga mata niya. 

"Hindi kaba nagugutom? Gusto mo ng pagkain? Kukuha ako." Sabi niya ng hindi ko siya sinagot sa unang tanong niya. Umiling nalang ako. 

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin..nakita kong hinahaplos niya parin yung buhok ni Kielle habang natutulog ng nakatagilid at nakaharap sakin si Kielle. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya makalimutan lang ang presensya niya. 

"Bakit hindi mo sinabing sinumbatan ka pala ng nanay ko kanina?" Tanong ko ng hindi ko na mapigilan ang sarili ko..hindi ko siya tinignan pero ramdam ko ang mga titig niya sa akin...hindi ko alam pero unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Ayokong pakinggan ang nagwawalang dibdib ko...kasi nung mga panahong nasaktan ako..ito ang pinakinggan ko. 

"Hindi naman na importante yun..ang importante eh kasama ko na kayo ng anak ko." Sabi niya..randam ko ang sensiridad sa mga binitawan niyang salita. Nanahimik nalang ako...wala gustong lumabas na salita sa mga bibig ko..wala akong masabi. 

"Salamat.." Sabi niya. Nagtaka naman ako..kaya naman hinarap ko siya ng may pagtatanong sa mga mukha ko. 

Ngumiti siya ng bahagya."Salamat..kasi binigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon." Sabi niya. Nag-iwas nalang ulet ako ng tingin...hindi ko kinaya ang intensidad ng mga titig niya. 

"Gagawin ko ang lahat maging worth it lang 'tong pangalawang pagkakataon na'to...para sayo at para sa anak natin." Sabi niya. 

"Hindi na kaylangan pang para sa akin Franco..para sa anak mo lang." Sabi ko sakanya ng walang emosyon. Ayokong maniwala sa lahat ng sinasabi niya ngayon...dahil gaya nga ng sinabi ko..hanggang salita lang siya. Hanggang salita lang nanaman siya. 

"Alam kong grabe yung sakit na ginawa ko sayo...pero sana mapatawad mo ako. I'd regreted everything already Jam..2 years ago. Sana bigyan mo ako ng chance mapatunayan yung sarili ko sayo...sana bigyan mo ako ng chance mabalik ko sayo yung tiwalang nawasak ko." Sabi niya. Hindi ako nagsalita..gustong gusto ko man maniwala sakanya...may isang parte saking nagsasabing..'wala yan Jam..puro salita lang yan..maniwala ka.' 

Naguguluhan ako...hindi ko nalang siya pinansin. Hindi ko siya sinagot sa mga sinabi niya. Namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto ko...ayoko man pero napalingon ako sa pwesto niya..at doon ko nakitang payapa na itong natutulog sa tabi ng anak ko. 

Napatitig ako sa maamo niyang mukha...

Marahil nga ay nandoon padin yung nararamdaman ko para sakanya...but one thing's for sure..mahihirapan akong ibalik yung tiwalang nawasak niya. 

----------------------

Trust. Kapag nabutas...tatay kana bukas. Hahaloljk. 

Dedicated to: NadeenGa. Hi dear. Natutuwa ako sa mga comments mo! Thanks for reading! xoxo :* 

Vomments please :))

|Ifitsmeanttobe| 

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now