Siguro

9 0 0
                                    

Inayos ko ang violin case ko sa likod pagkababa ko mula sa kotse ko. Sinukbit ko na din ang aking bag sa aking balikat.

Hay, makikita ko na naman siya.

Bakit kaya ganoon? Ikaw, pinagmamasdan mo siya. Siya? Hindi. Ikaw, lahat ng ginagawa niya, alam mo. Siya? Walang pake. Ikaw, mahal mo na. Siya? Di alam na nageexist ka. Ang unfair masiyado ni Fate at Destiny ano?

Huminga ako ng malalim. Okay, from now on. Kailangan mong mag-move on Miya ha?

Pumunta ako sa lobby at tiningnan ang ranking.


Hanggang rank five lang ang tiningnan ko. Hay salamat. Hindi pa din ako nawawala sa ranking. At least pasok sa rank five diba?

Hinanap ko ang sectioning and luckily, 1-A ako. Hindi na nagbago. Hay.

"Miya my loves! " napairap ako sa ere ng marinig ang nakakarinding boses ni Iron. Ayan na naman siya, hindi na talaga ako makakapahinga.

"Pwede ba Iron? Tigil tigilan mo na ang paglalaro mo sa akin? " napawi ang malaking ngiti sakaniyang mukha. Anong nangyari dito?

"Laro? Tingin mo laro pa din 'to, Miya? I've courted you for six years already! Hindi ka pa din naniniwala? " sarkastiko niyang sambit. Okay. So hindi yun.. pangloloko?

Edi wow. Nek nek niya. Di ko kaya siya type. Bastedin ko na ba? Joke lang. Ang evil ko.

"Bahala ka nga diyan, Iron. Mamatay kang matandang binata. " iniwan ko na siya doon at hinanap ang section ko. Study first ang goal ko. NIRSB (No Intimate Relationship Since Birth) kasi ako.

Nang mahanap ko ang section ko ay agad akong pumasok at naghanap ng mauupuan.

Pero sa kinamalasmalasan ko.. wala nang bakanteng upuan sa likuran! Halos lahat ng bakante ay nasa harapan. Argh,mga tukmol! Padabog akong umupo sa may gitnang row. Sa pinakauna. Hmmp.

Nangalumbaba ako sa armchair. Ang tagal naman ng adviser namin tss. Pinaslak ko ang ear phones ko at nagpatugtog.

Nagising ako dahil amy umuuyog sa akin. "Miya, psst. Andiyan na si Ma'am! " napabalikwas ako ng upo kung kaya't nahulog lahat ng gamit ko sa sahig. Agad na umugong ang tawanan sa room. Tss. Mga gunggong.

"Good morning class, I am Ms. Lozande and I will be your class adviser for the first semester." dire-diretso lang ang pagsasalita ni Miss Lozande, walang tingin-tingin sa amin. Sinulat niya ang pangalan niya sa board. Ay wow, elementary lang?

"I expect all of you to be responsible and smart. You are in the star section, and as much as possible collect unos. Dos is not acceptable, and once you get a grade lower than Dos, you are automatically shifted to the next section. So for formality's sake, introduce yourself one by one infront." mahabang litanya ni Miss. Ay wow. Haba ng speech niya ah, we are so touched.. not.

Isa-isa nang nagpakilala ang mga classmates ko at ang masaklap.. mala-essay ang mga introductions nila. Tss. Edi wow!

Nung dumating na ang panahon ko, huminga ako ng malalim. Time to shine!

"Miya Jin Kim. 19. " maigsi kong pakilala na nagpanganga sa lahat. O diba, engrandeng-engrande ang peg ko.

Matapos ang pagpapasikat ko, nagpatuloy na ang historical essay- este introduce yourself ng mga kaklase ko. Tss. Akala mo kung sinong mga magagaling mag-english eh mali-mali naman ang pagkaka-sequence ng events niya. Charoot!

SiguroWhere stories live. Discover now