Ikalimang Kabanata

52 3 0
                                    

(( Si Lapiz ))

Mabilis ring napalabas sa ospital ang Nanay ni Alice dahil wala nang makitang ano mang sugat, bukol o namuong dugo sa ulo nito. Nagtataka ang mga doktor sa nangyari ngunit naipalagay na lamang na Technical Error ang unang nakita. Nangutang ang kaniyang ama upang may maipambayad sila sa ospital. Pag-uwi sa bahay ay hinayaan muna nilang makapagpahinga ang kaniyang ina saka siya umakyat sa kwarto niya upang makapag-isa at mag-isip. Nakatayo lamang siya sa harap ng maliit at maruming salamin habang tinititigan ang sing sing na nasa kaniyang kamay.

Nahiga siya sa kama at tumitig sa kisame.

Totoo si Lapiz Lazuli. Hindi siya parte ng imahinasyon lamang o panaginip kundi totoo siya at pinagaling ang kaniyang ina. Hindi niya malaman kung matatakot ba siya o ano dahil sa nangyari dahil isa itong tanda na hindi isang ordinaryong pwersa ang hiningian niya ng tulong. Isa itong makapangyarihang nilalang na kayang tumapos o magbalik ng buhay kanino man. Lahat ng hiling dito ay maaring may kapalit at natatakot siya na baka buhay niya ang hinging kapalit nito.

"Alice... hindi ako humihingi ng kapalit. Hindi ka ordinaryong mortal dahil ipinanganak ka sa ilalim ng pulang buwan, kakambal kita kaya hindi ko hihilingin ang iyong buhay."

Nagulat na lamang siya at napatingin sa paligid dahil nasa kwarto na nito siya. Hindi manlang niya namalayan na nakatulog na pala siya.

"Kailan ako nakatulog? Nakatulog na pala ko." Wika niya sa sarili.

Ganoon parin ang ayos ni Lapiz Lazuli. Nakaupo sa trono nito at pula na muli ang suot na damit at gaya noon ay suot na muli nito ang maskara nito na kulay Silver.

"Hindi ka nakatulog Alice, kusa kang pumunta dito. Habang lumalapit ang ikalabing anim na kaarawan natin ay lalong lumalakas ang koneksyon natin sa isa't isa... kaya nakapunta ka dito gamit ang isip mo lamang." Paliwanag nito. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito na kusa siyang nakapasok sa panaginip niya na hindi natutulog. Pero kung kusa siyang nakapasok, ibig sabihin ay hindi ito isang panaginip at..

"Ibig sabihin totoo itong lugar na to? Hindi panaginip lang? Kung ganon ay saan itong lugar na ito?" Manghang tanong niya. Ngumiti si Lapiz at muling naupo sa tabi niya gaya ng mga nakaraan na magkausap silang dalawa.

"Hindi ito ang pinakatahanan ko, inookupa ko lamang ito para mas malapit ako dito sa mundo ninyo. Sa ngayon nasa kwarto tayo sa pinakalagusan ng mundo ng mortal at mundo ng mga demonyo. Dahil nandito ako, walang demonyo o anuman ang pumapasok sa mundo ninyo hanggang maganap ang ikalabing anim na kaarawan natin. Baby pa tayo kung ikukumpara sa edad ng mga demonyong nabubuhay sa mundo natin." Mahabang sagot naman nito.

"Sabi mo... sabi mo tutulungan mo ko tama?" Tanong niya muli.

"Oo, pupunta ako sa mundo ninyo kaya sa tuwing matindi ang galit mo... pumunta ka lang dito."

Parang bigla na lamang siyang bumagsak sa higaan mula kung saan. Medyo masakit dahil papag lamang ang higaan ni Alice at natatakpan ng banig at ilang unan. Bigla namang pumasok ang Tatay niya at sinabing oras na para sa hapunan kaya tumayo na siya. Hindi nga panaginip ang lahat dahil pagod siya at parang naubusan ng lakas mula sa paggawa ng kung ano. Marahil ay nakakaubos ng lakas ang pagtungo sa mundo ni Lapiz Lazuli. Naalala niya ang mukha ni Lapiz, napakaganda nito at talaga namang pang prinsesa. Maraming mamamangha at magkakagusto dito kapag nagtungo na ito sa mundo niya.

Pagbaba sa hapag ay mataman na naghihintay na ang kaniyang ama't ina.

"Anak, oras na siguro upang malaman mo ang totoo."

=====================

"May hindi magandang mangyayari... At nalalapit na iyon." Wika ng matanda na nakaupo sa terasa ng isang katamtaman ang laki na bahay.

Nakatayo naman ang isang binatilyo sa tabi ng matanda at nakatingin sa bilog na buwan. Maaninag ang bahagyang pagkapula ng buwan. Nakakunot ang noo ng matanda.

"Ysac... Huwag mong hayaan na makaramdam siya ng matinding galit at poot sa kaniyang ikaanim na kaarawan." Makahulugang wika ng matanda sa katabi nitong binata.

Half Japanese ang kaniyang lolo at ang lahi nito ay sinasabing mga priest ng templo at nagsasagawa ng paglilinis at pagpapalayas ng mga masasamang espiritu o albularyo sa tema ng mga pinoy. Ngunit ang paraan ng lolo niya ay kakaiba at tinuturuan siya nito ng ilang kaalaman. Hindi man siya naniniwala ay pumapayag na rin siya dahil mahal niya ang kaniyang lolo.

"Hindi ko po alam ang sinasabi mo lo." Sagot niya.

"Tinatawag silang... Red moon baby. The bringer of death."

Aaminin niya.

Nakaramdam siya ng matinding kaba dahil sa mga salitang iyon.

=======================

::: Si Lapiz Lazuli ung nasa taas.

The Evil Twin #wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon