Ikaapat na Kabanata

60 2 0
                                    

::: Si Ninon yung nasa pic!!

( Panganib ng Ina )

===========================

Tuwing sabado at walang pasok ay sumasama si Alice sa kaniyang Ina sa bahay ng pinaglalabahan nito. Alas nuebe pa lamang ay naroon na sila at nagsisimula na sa paglalaba. Ngayon ay may bagong paglalabahan ang kaniyang Nanay. Doon naglalaba ang kaibigan ng kaniyang Ina ngunit dahil umuwi ito ng probinsya ay ito ang inirekomenda.

Namangha siya nang sa gate pa lamang ay tumambad na sa kaniya ang malaking bahay. Parang palasyo iyon kung titignan at talaga naman na nakamamangha.

"Nay, ang laki niyang bahay! Pag nakatapos ako ibibili kita ng ganyang bahay." Mangha na wika niya. Pangarap talaga niya ang makatapos sa pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho upang maiahon sa kahirapan ang kaniyang mga magulang.

"Naku anak, kapag nakatapos ka ay intindihin mo yang buhay mo. Hindi na rin naman tatagal ang paghihirap mo." Makahulugang wika ng kaniyang Ina.

Hanggang ngayon ay hindi parin niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng kaniyang ina. May hinala naman siya na may kinalaman sa panaginip niya ang lahat. Sino nga ba ang nasa panaginip niya at lagi niyang nakakausap? Lagi siya nitong tinutulungan at nawawala ang galit at pagkamuhi niya sa tuwing nagkakausap sila. Lahat ng negatibong pakiramdam ay nawawala kapag kausap niya ang magandang babae sa panaginip.

Nagsimula na sila sa pag-lalaba nang makapasok sa loob ng malaking bahay. Hindi parin mawala sa isip niya ang laging nakakausap sa panaginip.

"Nay... gabi-gabi po nananaginip ako ng isang napakagandang babae. Sinasabi niya na kakambal ko daw sya." Sabi niya nang hindi na nakatiis. Ngumiti lang naman ng makahulugan ang kaniyang ina at tumango sa kaniya.

"Basta pagdating ng kaarawan mo, wag mong kalimutan na tawagin siya okay?" Bilin ng kaniyang ina. Mahinahon at parang hindi manlang natakot ito sa sinabi niya. Nagtataka na siya kung totoo ba ang panaginip niya.

"Alam mo po inay ang tungkol kay Lapiz Lazuli?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti at tumango lamang ang kaniyang ina at bumulong.

"Mamayang pag-uwi natin ay sasabihin ko sayo ang lahat, oras na rin naman para malaman mo." Bulong nito. Ngumiti siya ngunit kinakabahan parin sa mga sasabihin ng kaniyang ina. Ngunit kung nakakangiti ito ay siguradong hindi naman makasasama ang lahat diba?

Naputol lamang ang pagkukwentuhan nila nang pumunta sa kanila ang anak ng kanilang pinaglalabahan. Napayuko na lang siya nang makitang si Phoebe Andrada ang anak ng pinaglalabahan ng kaniyang ina.

"Look who's here, the poor beggar." Pasaring nito. Hindi na lamang niya pinansin ito at pinatuloy na lamang ang ginagawa.

"Tamang-tama, ayusin nyo yang paglalaba sa mga damit namin, mga patay gutom." Tumawa pa ito pagkasabi niyon. Hindi naman nakatiis ang kaniyang ina at hinarap nito si Phoebe.

"Hindi kami patay gutom! Ayusin mo yang ugali mo at baka sungalngalin ko yang bunganga mo!" Galit na wika ng kaniyang ina. Gulat naman at hindi makapaniwala si Phoebe sa sinabi ng kaniyang ina.

"Pinagsasalitaan mo kong patay gutom ka?! Totoo naman eh, mga patay gutom kayo!" Sigaw naman nito. Hindi nakapagtimpi ang kaniyang ina at sinampal ito sa mukha. Pinigilan naman niya ang ina dahil ayaw niyang magalit ito.

Galit na gumanti naman si Phoebe at malakas na itinulak ang kaniyang ina. Nadulas ang paa nito at malakas na bumagsak sa sahig at tumama ang ulo sa sahig. Agad naman na nilapitan niya ito at pinilit itong gisingin dahil nawalan ito ng malay.

"Nanay! Phoebe, dalahin natin sa ospital ang nanay ko, please Phoebe." Umiiyak na pagmamakaawa niya. Takot naman na umiling si Phoebe at tumakbo papasok ng bahay. Hindi niya malaman ang gagawin kaya sumigaw na lamang siya at humingi ng tulong sa mga maaring makarinig. Mabuti na lamang at lumabas ang ilang katulong at tinulungan siya na madala ang kaniyang Nanay sa ospital. Nang malaman ng kaniyang Tatay ang nangyari ay agad itong sumugod sa ospital. Umiyak ito nang makita ang asawa na duguan at may benda ang ulo saka dali-daling umalis nang ikwento niya dito ang totoong nangyari. Sumama naman siya dito nang sabihing maghahanap ng makukuhanan ng salapi at hindi nito nagawang pigilan siya nang magpumilit siyang sumama nang magdesisyon ito na tumungo sa bahay ng mga Andrada.

Pagdating sa bahay ng mga Andrada ay galit na kinalampag ng kaniyang ama ang gate. Maya-maya ay lumabas ang ama ni Phoebe at hinarap sila.

"Ano bang iniingay ninyo dyan?! Magsi-alis kayo dito at wala kayong mapapala dito!" Galit na wika ng ama ni Phoebe.

"May kasalanan yang anak mo! Dapat lang na panagutan ninyo ang ginawa niya!" Galit na sigaw naman ng kaniyang ama.

"Eh pinagtulungan ng asawa't anak mo ang anak ko eh, pasalamat nga kayo at hindi ko ipinakulong yang mga yan eh. Umalis na kayo dito at magsibalik sa lungga ninyo!" Sagot naman nito. Sasabat pa sana ang kaniyang ama nang palabasin nito ang mga gwardiya nito at utusan na palayasin sila.

Umalis sila doon na nanlulumo at nanghihina dahil sa nangyari. Naisipan ng kaniyang ama na magsampa ng reklamo ngunit wala rin namang mangyayari dahil gagamitan lamang nito ng pera ang kaso. Bumalik sila sa ospital na parehong bigo ang loob na mapapanagot ang may sala.

"Dibale anak, kapag nakaahon tayo sa hirap, hindi na tayo aapihin ng mga mayayaman na iyon." Niyakap siya ng kaniyang ama pagkasabi niyon.

Comatoes ang kaniyang ina at pinoproblema pa nila ang mga gamot at pangbayad sa ospital. Bukod doon ay may kailangan silang bayaran sa kaniyang eskwelahan. Nais man niyang tumigil ay hindi naman pumayag ang kaniyang ama kaya naisipan na lamang ni Alice na maghanap ng part time job kapag bumuti ang lagay ng ina.

=====================

Muling umalis ang kaniyang ama upang maghanap ng pera na gagamitin para sa kaniyang ina. Naiisip niya ang mga nangyari ngunit wala na naman siyang magawa. Naupo na lamang siya sa upuan na nasa tabi ng kama at itinungo ang ulo upang makapagpahinga.

Paglitaw pa lamang niya sa madilim na kwarto na ito ay umiiyak na lumuhod na siya agad sa harap ng babae na nakaupo sa trono. Iniupo siya nito sa unan at sinabihan na huwag na huwag na siya muling luluhod sa harap nito dahil hindi nararapat.

"Pantay tayo ng antas Alice, hindi kita alipin, kakambal kita kaya huwag kang luluhod sa harapan ko." Nakangiting wika nito.

"Sinaktan nila ang Nanay ko... wala siyang malay ngayon at nasa panganib, tulungan mo ko please." Paghingi niya ng tulong dito. Hinimas nito ang ulo niya at ngumiti ng matamis.

"Gumising ka, tawagin mo ang pangalan ko ng tatlong beses at magiging maayos ang lahat."

Nagising siya na gulong gulo. Nasa ospital parin siya at nagbabantay sa kaniyang ina. Natutulog na din ang kaniyang ama sa kabilang side ng kama at nakatungo doon. Naalala niya ang panaginip at tinitigan ang sing-sing na kaniyang kapit.

Naalala niya ang bilin nito.

Kung totoo nga ito ay malalaman niya sa mga oras na ito.

"Lapiz Lazuli... Lapiz Lazuli... Lapiz Lazuli..." Dahan-dahan at nag-aalangan ang bawat bigkas niya. Matapos sabihin iyon ay naghintay siya sandali at iniikot ang paningin sa paligid ngunit wala namang nangyari. Dismayadong bumalik nalang siya sa pagtulog.

Bakit nga ba siya aasa na totoo ang lahat gayung panaginip lamang iyon? Makakatulog na siya nang mapansin na parang kakaiba ang kinang ng kaniyang sing-sing. Ilang sandali pa ay bumalik iyon sa dati. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang ina nang madinig itong magsalita.

"Tu...big."

Noong gabing iyon ay hindi makapaniwala kahit mga doktor sa nangyari. Nagising ang kaniyang ina gayung comatoes ito.

Totoo si Lapiz Lazuli.

Totoo na may kakambal siya.

Isang kakambal na mag-aahon sa kanila sa pang-aapi ng iba.

==========================

::: Late update. Malapit nyo nang makita ang mukha ni Lapiz Lazuli!!

The Evil Twin #wattys2016Where stories live. Discover now