WOBGI # 17

32 4 0
                                    

Wobgi #17 Dance Battle

(Sarangheyo03: Sorry sa super tagal na update. May work kasi ako at medyo nawalan ng time. Haha wala din kasi akong motivation kaya siguro ganun. 😎😎😎
So let's roll it up. )

Marami man ang nangyari sa mga nakaraang araw dahil sa pagkakaroon ng biglaang race between our girls and that of the boys. Pero may isa pang important event na need paghandaan  ng ating girls. Yun ang dance battle na 1 day left for them.
Though they got practice in the past days. Mahirap pa rin maging kampante sabi nga ni Frelenya at Veridiene.

Okay na rin ang music ng kanilang dance at choreography. Sabi nga nila madali lang din ang dance step nila kaya madaling makasabay ang ibang kasamahan nila.

In the mean time ang grupo din naman ni Revlis ay pusposan ang practice dahil ayaw nilang matalo laban sa bad girls.
Ang grupo nila ay sina Revlis, Neerg, Wolley, Egnaro, Rednaval,Knip, Eulb.

Warlock Place Saturday

This is the day of the friendly dance battle. Alam ni Veridiene na maraming mga ibang dancers ng ibat-ibang group ang naroon. Well nakita niya iyon noong bata pa siya. Yun ang dream niya, ang makasama at makasayaw sa stage with her groupmates.

At di naman siya nawalan ng hope because it came true. She has her group right now though di siya ang leader, alam niya na kayang-kaya ni Forentel ang pagiging leader, nakita niya how dedicated their leader is.  How she manage to arrange their group with different personalities to have one goal.
The care she gives to all of the member, her unique way of showing how she love them. It's really worth her position to be the leader, she once told Sacrilege.

Naunang dumating ang iba-ibang dance group. Syempre last 2 ang dalawang may dance battle. Maraming may mga dalang banner. Nakasulat dun ang name ng group na gusto nila.
Ang grupo nila Revlis ay ang 7colors. Patunay lang na puro name ng color ang pangalan ng bawat member nila pero yun ay mga code name lang nila. Unlike sa ating girls na real name nila ang gamit nila.

Walang banner ang naglagay ng group nila dahil wala nga namang nakakaalam ng name ng grupo nila.
May nakita silang 2 banner na nakalagay ang salitang "new".
Patunay lang na patungkol sa.kanila ito.
Di sila kilala sa dance battle nila na gagawin dahil di pa naman sila nagcocompete kahit sa school dahil kakasimula pa lang ng school. At sila ay sobrang fresh pa sa pagiging dancers. Newbie nga kung tatawagin.

Hindi naman ito naging hadlang para madissapoint ang bawat member ng ating bad girls.
Sila may may hint ng depress pero alam nila sa sarili nila na totoo naman na bago pa lang sila sa ganitong larangan.

Alam nila sa sarili nila na ito ang new beginning para mapatunayan ang kanilang dancing skills.
May experience man ang kalaban nila. Di pa rin dapat sila mawalan ng hope na kaya nilang magtagumpay sa dance battle na ito.

Pagdating ng kabilang group ay nagkamayan pa ang bawat isa, sign ng sportmanship.

May isang group ng dancer ang nagsilbing taga ayos ng mga technical equipment doon.

May 3 judge naman na galing sa 3 ibat ibang dance choreographer na makikita sa TV. 

Tinawag na ang grupo ng 7colors para ibigay ang cd at mag prepare sa stage. Ilang saglit lang din at nagsimula na silang sumayaw.

Makikita sa mga mata ng ating bad girls na may hint sila na mas magaling talaga ang grupo nila Revlis.
With grace the group dances, the energy can create something that bothers them.
Ang kabilang grupo ay focus on sa dance floor, they dance in the beat with their emotions flowing.
Nakita yun ni Forentel, at biglang pumunta sa group at nagtawag ng meeting.

"Girls, may unting pagbabago sa last part ng sayaw natin" she told the girls.

"Kakayanin pa ba nating palitan? Malapit ng matapos ang kabilang group. " sagot naman ni Gossamyr.

"Di naman lahat gagawa ng new stunt na yun, si Sacrilege, Crescent at Audacious lang naman" paliwanag ni Forentel.

"Okay so anong gagawin?" Tanong ng tatlo.
Pinaliwanag naman ito ni Forentel sa kanila at mabilis namang nakuha ng tatlo.
Sinabi naman ni Forentel sa buong group para di sila maguluhan sa last part.

She hug every member telling them to enjoy the dance and they need not to worry if they win or lose. It is just a friendly battle after all.

Natapos na din ang group ni Revlis. It's time for them to showcase their talent and skills.

Tinawag na sila at dun lang nalaman ng ibang group ang pangalan nila.
GF3CAVDS

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

W.O.B.G.I(Exoshidae) (HOLD)Where stories live. Discover now