Disney Princess

3.1K 78 4
                                    

alberts pov

ilang araw na ako hindi kinakausap ni chester balik kami sa dati na hangang tingin lang ako sa kanya bumalik din ang pagiging babaero nya. naisip ko tuloy na gayuma nga lang talaga ang dahilan kung bakit nya ako nilapitan. minsan bumabalik sa isip ko yung mga panahon na kami pa ni chester masama man isipin pero masaya ako sa nangyari na sya ang nagayuma. hindi ko akalain na magiging prince charming ang loko na yun at ako ang kanyang princessa. baliw na ata ako kalalaki kong tao nag iilusion ako maging disney princess.
kung kaya di ko tinagal gayuma masaya padin kaya ako? haist nakaka stress lang isipin. hindi nadin kami gaano nag uusap ni nina pano hangang ngayon wala padin akong mukhang maiharap sa kanya sa nangyari. alam ko naman na hindi nya inisip na sinadya ko ang nangyari pero mali ako nang hinayaan ko maging kami ni chester kaya wala talaga akong mukha na maipakita sa kanya. kasalanan ko din naman siguro nga desperado na din ako..

ang mga araw ay mabilis naging buwan. tulad nang dati medyo may pagka loner padin ako tanging mga kaibigan ko lang na hindibnakikita nang ibang tao ang kasama ko pag mag isa ako kumakain sa canteen or pag mag isa ako na tumatambay sa library pag wala kaming subject sa totoo lang ang boring nang buhay ko ngayon naving isang malaking routine bahay school bahay school. nasa gitna ako nag pag iisip mag isa nang tumunog ang speaker nang school may announcement ang principal.

Good Afternoon students of  St. claire I am proud to announce that our theme for our Junior and Senior prom night is masquerade ball. all students are required to attend the ball night no exemptions due to this is one tradition of the school that all students even the freahmen and sophomores are required as part of the thanks giving celebration that we have for the foundation of this school. tickets will be given by your class advisors thabk you and good day!

ha? lahat daw dapat pumunta hindi sana ako pupunta pero kinumpirma nang class adviser namin na ito ang magiging pre finals namin pag hindi pumunta automatic bagsak ka and kasama anv ticket sa tuition fee na binayaran namin. no choice ako. pag kauwing pag kauwi ko binalita ko ito agad sa aking mga magulang na kanilang ikinatuwa dahil bahagi pala ang pamilya namin sa rason kung bakit may ball na nagaganap taon taon. mga 100 years ago kwento skin ni papa ay may isang masamang mangkukulam ang nag bigay nang peste sa aming lugar ang huling lugar na hindi na apektuhan ay ang St.Claire kaya nag sama sama ang mga mabubuting katalona at gumawa nang isang malakas na mahika pangcontra sa peste na nang yayari ang mahika na dinudulot nang sumpang yun ay deppression na naging dahilan para tumigil ang isang tao magtrabaho at kumilos. ang kanilang mahika na ginawa ay sa pamamaraan nang pag sasaya gamit ang ball ay bumasag sa sumpa at para hindi na ito bumalik pa lalo na sa mga mag aaral nang st. Claire nakagawian na ulit ulitin ito kada taon.

mabilis dumating ang araw nang prom masakit padin pag nakikita ko si chester makipag landian sa mga babae sa school pero alam ko naman na wala na kami at hindi dapat nagakaroon nang kame. si mama ang gumawa nang damit na isusuot ko ang ganda lang black na nagiging blue pag nasinagan nang ilaw ang toxedo na ginawa ni mama parang nagiging galaxy ang dating haatang ginamitan ni mama nang mahika ang damit. may katerno din itong maskara na hugis bituin dahil sabi ni mama ngayon daw ang gabi na kailangan ko mag ning ning dahil sa tradition din nang pamilya namin na sa ball na ito nakikilala nang aming angkan ang kanilang tunay na pag ibig. natuwa naman ako sa sinabi ni mama.
dahil may ganun ganun pala na tradition silang nalalaman. kahit papano naging excited ako pumunta sa ball na to.

hinatid ako nang driver namin papunta sa function hall nang school puno nang ilaw at napakahiwaga nang dating nang aming school ngayong gabi ibang iba para bang nasa palasyo ka siguro dahil yun sa salamangka nang mga mabubuting katalona na hindi mahahalata nang ordinaryong tao.

pag pasok ko palang ay nakita ko agad si Nina kahit na naka maskara sya ay alam ko na sya yun dahil sa kanyang kilos at buhok naka pula syang damit na pa mermaid cut. nilapitan nya ako at niyakap. albert bati na tayo please napatawad naman na kita and alam ko naman na hindi mo kasalanan yung nangyari. napangiti naman ako sa mva sinabi nya. sorry talaga nahiya lang talaga ako sayo. ok nayun nkalimutan ko na si chester tangap ko na imposible maging kami sabi ni Nina sakin. oh tara isayaw mo naman ako pag aaya nya sakin. mabilis ang oras pag nag eenjoy ka halos madaling araw na pala sumayaw kumain at uminom kami nang punch ni Nina kung ano man ang nangyari samin dalawa ay talgang naibaon na sa limot.
agaw eksena naman nang mag sayaw ang student council president at ang notorious na leader nang gang sa school lahat nang tao ay nagulat at nagpalakpakan nang makitang naghalikan sa gitna nang dance floor ang dalawa na ingit ako sa kanila kahit na pareho silang lalaki ay nagawa nilang maging open at masaya. napaisip tuloy ako kung hindi ko kaya tinangal ang gayuma magagawa ko kaya ang kanilang ginawa ngayon kay chester may lakas loob ba ako na ipag sigawan sya?

dahil sa sweet romantic music na napag pasyahan kong mag pahangin sa garden angganda nang lugar madaming ilaw wala tao sa grounds dahil sa busy sila sa loob nang function hall. napag pasyahan ko na mag punta sa cottage sa gitna nang garden. habang nag papahangin ako nakatingin sa bituin nag wish ako sana makasayaw ko kahit isang beses lang si chester. nang biglang tumugtog ang I'll be ni edwin mccain

the strands in your eyes color them wonderful
stop me and steal my breath

nagulat ako at lumingon may lalaking nakatayo sa gitna naka all black at naka maskara nang white niyaya ako magsayaw. hindi ko alam bakit ako pumayag. siguro dahil sa nakita ko yung student council president na sumasayaw kasa ang boyfriend nya gusto ko maramdaman din kung paano pero gusto ko si chester ang makasayaw ko. hinayaan ko sya na i guide ako sa sayaw na walts
tila kung ano man yung lungkot na naramdaman ko sa pagkawala ni chester ay nawala parang nasa fairytale ako at sinasayaw ako nang aking prince charming alam ko ang lakas maka bakla lang nang mga naiisip ko pero hindi ko hayaan na mawala ang moment na to. natapos ang kanta at nagulat ako nang halikan ako nang lalaking nagsayaw sakin.

ramdam na ramdam ko ang kanyang labi sa aking labi na para bang perfect na perfect ang hulma sa aking labi. noon ko lang nalaman kung sino ang tao sa maskara kitang kita ko ang pag ibig sa mata nya na alam ko kay chester nag mamayari nito.
chester sabi ko at tinangal nya ang kanyang maskara. babe pinilit ko lumayo kalimutan ka at magpaka busy sa iba pero bakit ikaw padin ang iniisip ko pag gabi ikaw padin ang tinatawag nang puso ko pag mag isa ako. babe alam ko totoo ang nararamdaman ko para sayo at hindi gayuma lang sana pag bigyan moko na mahalin ka muli. alam ko na mahal mo padin ako sana tayo nalng uli sabi nya sakin. natahimik lang ako hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata. niyakap ko sya at hinalikan uli, Oo mahal padin kita wala na akong pakielam sa kung ano sasabihin nang iba, ang mahalaga lang ay malaman mo na akin ka lang  gagawin ko ang lahat mapatunayan lang ito sayo.
####################

sana natuwa kayo sa chapter na ito....
salamat din sa mga comment natutuwa ako talaga pag nabaasa ko na may mga readers pala ako dahil din sa inyo kung bakit kahit na pagod ako sa work ay pinilit ko padin mag brainstorm at magsulat nang new chapter.
salamat sa uli po and i look forward po sa mga comment nyo let me know po kung ok ba itong chapter na ito.
comment vote :D

Ang boyfriend kong mangkuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon