"Blaze,hindi mo naman pinapatanggal ang eyeglass ko kapag kakain tayo noon,ah?"sabi niya,habang nakakunot ang noo.Whaaa!!!Sumunod kanalang pleassee!

"Eh sa nakalimutan ko,sige na,Kade wag kang bastos sa pagkain!"sabi ko pa.Saka kunwaring sinamaan ng tingin.

"Tss."asik niya,saka tinanggal ang eyeglass niya.
"Okay na?"naiinis na tanong niya.

"Yep,kain na tayo.''sabi ko,saka siya nginitian,nag-iwas naman siya ng tingin,at nag umpisa ng kumain.

Hindi talaga ako maka get over kay,Kaddy Boy!Whaaa alam ko naman kasi noon pa,na gwapo talaga siya.Pero hindi ko inaakala na ganito siya kagwapo!

"Blaze,tama na yang paninitig mo sa'kin.Baka matunaw ako niyan!"suway niya.Nag peace sign lang ako sakanya.

"Kaddy Boy,di'ba half day lang tayo ngayon?"tanong ko.Tumango naman siya.
"Gala tayo!"masayang sabi ko.

"A-Y-O-K-O."sabi niya,saka umiling pa.

"Sige na,Kade."sabi ko pa.

"Ayoko,Blaze.May binabas pa ako'ng libro."sabi niya.

"Ewan ko sa'yo!"sabi ko,saka siya inirapan,at kumain nalang ulit ako,Tsk.

"Blaze?"tawag niya,pero hindi ko siya pinansin.

"Blaze?"tawag niya ulit,pero hindi ko pa rin siya pinansin.
"Ayaw mo'ng mamansin?Edi wag!"sabi pa niya,pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Kaddy Boy,pumayag kana kasi!"sabi ko,pero hindi niya ako pinansin,whaaa!!!Ginagantihan niya ako!Minsan hindi naman siya mabiro,huhuhu masyado niya talagang dinibdib ang mga pinagsasabi,at pinaggagawa ko.

Hinayaan ko nalang,nung matapos na kami'ng kumain ay,binayaran na niya yung bill,saka lumabas na,INIWAN NA NAMAN NIYA AKO! -.- Huwaw!

Sinundan ko naman siya pumara siya ng taxi at binuksan ang backseat,akala ko papasukin niya ako,pero Pwertanginerz  nagkamali ako!Dahil siya ang pumasok dun.Ang GENTLEMEN TALAGA NI,KADE NOH?!MARK MY SARCASM,PLEASE!

Nagdadabog na pumasok ako sa loob ng taxi,nung umusad na ang taxi eh,nakita ko siyang naglagay ng earphones sa tenga niya,Grrr ansama niya!!!Huhuhu.Isusumbong ko talaga siya kay tita!Huhu.Ang katulad ko na maganda hindi dapat binabalewala!At dapat,kapag kinakausap,hindi ini-snob.Kaiyak.

Nung makarating kami ng bahay,ay binayaran ko na muna ang taxi driver saka ako naunang lumabas,nakakainis si,Kade!Hmp.

''Blaze?"tawag niya sa'kin,pero hindi ko siya pinansin,at nagtuloy tuloy lang ako ng pasok sa bahay.Narinig ko naman ang pagsinghap niya.Ewan ko sayo,Kaddy Boy!Hmp,tampo ako sayo.

Nung makapasok ako sa bahay ay,wala dun sila mommy,si yaya lang ang naabutan ko.

Dumiretso ako sa kwarto ko,at humilata sa kama ko.

Napag desisyonan kung maligo kasi naiinitan ako,kaya naligo nga ako,pagkatapos ay nagbihis agad.

Kinuha ko na muna ang cellphone ko,at nag facebook.

Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si,Kade.Inirapan ko kaagad siya,naupo siya sa kama ko,katabi ko.

"Nagtatampo ka na naman?"tanong niya.Hindi ko siya pinansin.He sigh.
"Sige na,magbihis kana,punta na tayo ng mall,gaya ng gusto mo."mahinahong sabi niya.Agad naman ako'ng napaharap sakanya.

"Talaga?"excited na tanong ko.

"Uh-huh,sige na magbihis kana.Uuwi na muna ako at magbibihis,babalikan nalang kita dito."sabi niya.

''Yehey!Salamat,Kaddy Boy the best ka talaga.Pero pwede ba ako'ng mag request sayo?"tanong ko,kumunot ang noo niya.

''Ano yun?"tanong niya,nakakunot pa rin ang noo niya.

"Uhm,pwede ba'ng wag mong suotin ang eyeglass mo?Sige na please?"sabi ko,saka nagpuppy eyes.

"Tss,hindi ako komportable ,Blaze.Wag mo naman ipilit ang ayaw ko at hindi ako komportable."sabi niya,saka nag-iwas ng tingin.

"Kade,alam mo ,hindi ko alam kung bakit ganyan ang tingin mo sa sarili mo.Hindi ka naman pangit eh."sabi ko.

"So,may appeal ang dating ko para sayo?"tanong niya.Be honest,Blaze.Remember,Liars go to hell.Omy!Ayaw kung matosta dun!Whaaa!Mommy!

"Oo naman,Kaddy Boy.Plus pogi points na rin ang pagiging matalino mo,kapag naging mabait ka,at hindi snobber okay na okay kana para sa'kin."sabi ko,nakita kung namula ang pisnge niya,agad siya'ng tumayo at tumalikod sa'kin.

''Magbihis kana,uwi na muna ako."sabi niya,at lumabas na ng kwarto ko.Wow infairness nagpapaalam na siya.

Nagbihis na rin naman ako kaagad,Black T-shirt na may print  na Pink Panther,saka white skinny jeans and white rubber shoes.Pino-ny tail ko ang buhok ko,saka ako naglagay ng pulbo at perfume.Kumaha na rin ako ng sling bag na dadalhin ko.

Nung may kumatok sa pinto,ay agad kung binuksan ito.

Si,Kade ba talaga toh?!

"Blaze?Hindi ba pangit ang sout ko?"tanong niya,naka ocean blue siya na long sleeves,pants,and white nike shoes.Ampogi!Ampupu!

"Yeah,Wait."sabi ko,saka lumapit sakanya at in-unbutton ang isa pang butones ng long sleeves niya.At tinupi ko ng hanggang siko ang manggas.

"Hindi ba pangit?"nahihiyang tanong niya.Mabilis akong umiling.

''Hindi ah,ampogi mo kaya sa sout mo,tanggalin mo ang eyeglass mo saglit lang."sabi ko,umiwas siya ng tingin,pero dahan dahan niya naman na tinanggal ang eyeglass.

"Mas okay sana kung wala ang eyeglass ko,Kade.Pero kung ayaw mo,sige hindi na kita pipilitin."sabi ko,saka nauna ng lumabas sa kwarto,sumunod naman siya kaagad sa'kin at nagtanong.

''Gusto mo ba talaga na hindi ko soutin ang eyeglass ko?"tanong niya.

"Oo,pero kung ayaw mo,Hindi na kita pipilitin,Kaddy Boy.Hay,gusto ko pa naman makita ka na hindi mo sout ang eyeglass mo."sabi ko,este pango-ngonsensya ko sakanya.Bumuntong hininga naman siya.

"Ngayon lang 'to,Blaze.Sige pagbibigyan kita sa request mo."sabi niya,agad akong napalingon sakanya.

"Talaga,Kaddy Boy?"tanong ko.

"Oo,wag ka ng magtampo sa'kin."sabi niya,ngumiti naman ako ng malapad.

Nung nasa loob na kami ng sasakyan nila,ay tinanggal niya na ang eyeglass niya.

"Okay na?"tanong niya.

"Yiee!!!Pogi mo bespren!"tili ko,saka pinisil-pisil ang pisnge niya,na ikina-kunot naman ng noo niya,at ikinasama ng tingin niya sa'kin.Pero,duh!'Kala niya madadaan niya ako sa ganyan-ganyan niya.

Itutuloy...
Edited√

The Unexpected Transformation Of My Nerd Bestfriend (EDITING)Where stories live. Discover now