I felt butterflies in my stomach, with matching ngiti pa! O diba para lang tanga, nakangiti magisa. Eto na, baka aayain nya na kong makipagdate. Im so excited. :)

"Just hanging out." Ay sawi. Asa ka pa kasi Bea.

"Ahh, okay lang. Wala naman  akong ginagawa e. Nakakainip ang summer vacation 'no? So, saan tayo?" 

"Dadaanan na lang kita sa inyo, 3:30PM. Ok?"

"Okay..." Hihihi, ok na rin 'to. I consider this as a date. ܧ§Ü

~'Hoy wag mag ilusyon, lalabas lang para maglibot.' sabi ng kontrabidang parte ng isip ko.

Heh! Walang pakialaman!

"Bye .." paalam ni Carriev

"Bye .."

Pagkababa ng linya ay bumalik uli ako sa harap ng computer at ini-log out ang facebook account ko. Tumuloy na ko sa banyo at naligo.

"Nasan na ung gown ko??" binuksan ko ung closet ko.

Wala.

Ung make-up kit ko??

Ung high heels ko?? 

Wahhhh!! 

Mababaliw na ko!!

Joke lang.. ^___^V

Nagsuot lang ako ng simpleng damit. Yun lang. Konting make-up tsaka wala na! Yun lang talaga! XD

I Swear This Time I Mean It (COMPLETED)Where stories live. Discover now