Dear You,
Hi! Since I'm 5 years younger than you, kuya na ang tawag ko sa'yo...
My first impression nang lumipat ako ng school at nakita kita?
LOL!
You were fun to be with! Sporty,matalino, gwapo, mabait, humble, may pagka-maingay..... etc...
All those things made me idolize you....(not specifically or literally idol)
Gusto kong mabalance ang everything katulad mo... Wanna know what I did next?
I stalked you, ginawa ko lahat para palihim na magaya ang iba mong kilos...Pero siyempre dahil isa akong dakilang competitor sa klase at pinipilit I-aim ang 3rd honor na kalaban sa iisang klase ang 8 valedictorian at 4 na salutatorian, ay imposibleng magaya kita lahat-lahat...
Well I did my best para magpapansin sa'yo...
I have 3 crushes..(landi noh?) Hindi nmn ksi crush lang hindi nmn syota..
Para makaiwas sa pambablack mail ng mga magaling kong bestfriends, ginamit ko ang names ng iba kong crushes para hindi ako mabuking sa isang palihim na pagtingin sa'yo..
Untill one day came...
Pareho tayong kasama sa isang sports event na ginanap sa ibang school, siyempre nagkita tayo...
Eh iisa lang ang school natin eh... evening session ka nga lng kaya di kita gaanong Makita kasi 4 ang start ng klase niyo...
Isa kang volleyball player/genius/ideal kuya that I never had...
Kung may kuya sana ako, gusto ko ikaw iyon...kaso eldest ako eh...wala na akong magagawa...
Anyway, nag kita tayo sa isang vocal contest na part rin ng sports event... Ikaw unang nakipagusap sa'kin...
Siyampre, andyan na ng blessing, tatakasan pa ba? Choosy pa ba ako?
NEVER noh?!
So ayon, I talked to you and you talked to me...
But the weirdest thing happened...
Nung duet part na, may boy at girl na nagduduet.... ang ganda ng boses ng lalaki, panira nga lng ng knta yung babae...
Katabi ko nun si ate _______ .. so siyempre dahil may dugong malandi rin ako (Hahaha! ECHOS!), pinalo palo ko si ate _____ dahil nga ang gwapo na nga ng mukha, ang ganda pa ng boses ng kumakanta...sino bang hindi kikiligin?!
"WAAAAAAAHHHHH!!!!!" may palo-palo effect pa yan kay ate _____
"Uy tumahimik ka nga!"so ayun dahil galit si lola basyang lumipat nalang ako ng upuan,kaso saan ba ako lilipat? Sa likod may nakaupo, sa left nakaupo si ate, sa right hindi ko kilala... no choice kaya sa harapan ako..... Katabi ka!
Paglapit ko plng dun kabado na'ko....and then you talked
"Haha! nag o-overlap ang blending nila!"
so sumagot na rin ako
"Lol! oo nga noh?"
nagreply ka rin
"Alam mo mas maganda talaga mga boses ng pambato natin"
ako?
"Of course! Tayo pa! ********!!! mga dakilang talentado!"
"Haha!"
What's funny sa sinabi ko?
"Nakakatawa ka talaga"
ahhhh ganun na pla talaga..... nakakatawa ang walang nakakatawa
We also talked about BTS and Exo...kasi k-pop ka rin katulad ko
Nung contender na naming ang kumakanta, grabe!todo cheer kami lahat! Halos kada stanza na nga ng kanta chini-cheer naming eh...
Nung sa sumunod na contender, bigla nlng tumayo sila ate___ sa likod.... tapos unti-unti na silang nagsipag-alisan..... ang naiwan sa column?
Ako at ikaw!
'bahala kayo diyan... umalis kayo kung gusto niyong umalis! Die hard fan ako ng vocals kahit sayaw lang ang talent ko!!!'
yan ung nakatatak sa isip ko nung mga panahon nayun...pero...
bigla ka nlng tumayo at...
"SARANGHAEYO"
...iniwan din ako..
pero ano daw yun?
saranghaeyo?diba I love you yun?baka as a sister lng. O baka nmn more than that?
Hayyysss.... Ewan ko sa inyo! Makapunta na nga lang sa Quarter, 11:45 pm na eh.....Gusto ko nang matulog after all those things..
EEEEEEEHHHHH!!! hindi ako makatulog!tinanong ko na din ang ibang quartermates ko kung anong saranghaeyo, I love you talaga...
eh pano kung as a sister nga lng? or more than that? Ewan ko nalang!!
>>1 week later<<
Ang pag susunod ko sa'yo, 2 times what I usually do.... at kahit sa'n ka mapunta, laging nakasunod mga mata ko sa'yo
Just like what I said here....hanggang ngayon, wala kang alam na ako'y isa mong dakilang stalker, na naguguluhan sa sinabi mo sa akin na I think was just as a sister...
Pero kun ako ang tatanungin? Kung ano bang gusto ko? As a sister ba or as special someone?
Aba! Ewan ko nlng! Pwede both?
Hahahahahahaha!
Sana lng......
sana blng araw, mapansin ng isang genius sporty ang isang trying hard to be somebody na katulad ko
Kahit bilang best friend nlng, okay na ako....
Maging parte ka lang ng buhay ko...
Dahil...
"Magmahal ka nlng, lubus-lubusin mo na... sayang ang opportunity na binigay sayo..malay mo destined kayo, pinakawalan mo nga lang."
And I hope hindi dito matatapos ang story natin
LOVE,
ANG DAKILANG STALKER
YOU ARE READING
Dear You
RandomNot a story. Pampalipas oras ko lang po ito kapag tinatamad akong mag-ud ng iba kong stories... Anyway, ditto ko lang po tinatype ang bagay na hindi o ayaw kong sabihin kahit kanino..... May mga bagay rin na makakarelate siguro sa buhay ko ang iba...
