Chapter 09(Now I get it~~~Shin is sick~~~The Elite School)

73 3 0
                                    

*****My Girlfriend is a Yakuza*****

Chapter 09

(Now I get it~~~Shin is Sick~~~The Elite school)

Sawada Shin POV

"Ikaw naman bakit mo tinanngap?"

Anong isasagot ko?Sasabihin ko bang dahil sinabi niyang pag di ko tinanggap yung hamon ehh di na ko tatanggap ng bento galing sa kanya...

Ano na lang iisipin niya?

"Wala lang gusto ko lang."

Yun na lang ang lumabas sa bibig ko...Siguradong magagalit toh sakin...

Bahala siya.

Pagkatapos ko magsuot ng cout ko dinampot ko na yung bag ko At nagsimula nang maglakad...

"Shin Teka!" sigaw ni Kuma

Mukhang sumunod sakin yung apat..

"Shin bakit ka nagsinungaling kay Kumiko?" Noda

"Panigurado magagalit yun sayo" Kuma

"Naiintindihan ko si Shin" Uchi

Naiintindihan??? San banda niya ko Naiintindihan?  Ehh ako nga di ko maintindihan kung bakit yun ang sinagot ko.

"Ayaw niyang magalit si Kumiko kay Kazama"

Yun ba ang dahilan ko?

Pero...

"Wala akong pake kung magalit si Kumiko dun."

"Edi anong dahilan mo?" Minami

"Hindi ko alam"

"Hindi kaya dahil sa sinabi niyang hindi ka na makakakain ng bento na gawa ni Kumiko?" Uchi

Napahinto ako at humarap kay Uchi...Biglang lumingon sakin yung tatlo...At tila nagaantay ng sasabihin ko...

"Siguro...Ewan."

At naglakad ulit ako...


Kumiko POV


Biglang may bumukas nang pinto ng kwarto ko..

"Kumi tara kain na!" Aya sakin ni Yumi

"Sige mauna ka na."

"Okay ka lang ba?"

"Oo, Wala lang akong gana."

"Okay."

Tapos sinara na niya yung pinto...Wala talaga akong gana...Kasi iniisip ko si Shin...Bakit ganon siya...Di ko akalain na papatulan niya si Kazama...

Alam kong si Kazama ang nanghamon pero sana di na lang niya tinanngap...Alam niya namang kaibigan ko si Kazama ehh...

Ang labo talaga niya!!!

Kala ko iba siya kila Uchi,Noda,Minami at Kuma na madaling maka-pick Up ng away...Pero ganon din pala siya...

"UGGGHHHHHH!!!! NAKAKAINIS!!!"

Tumayo ako at sinuntok yung punching bag na nasa kwarto ko...

*****BRRRTTTTZZZZZ BRRRRTTTTTZZZZ*****

Kinuha ko yung phone ko na nasa side table ko.

"Hello?"

"Kumi si Shizu toh"

"Ohh! Shizu bakit?"

"Tinawagan ako kanina ni Minami...Alam ko na kung bakit tinanggap ni Shin yung Hamon ni Ren"

My Girlfriend is a YakuzaWhere stories live. Discover now