Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa unahan namin siya ngayon, nakaputi rin siya.

"Bwisit! Sino ba ang nag-utos na kailangang magspeech pag valedictorian ka? Para patunayang matalino? Magiging valedictorian ka ba kung wala kang utak?"

Muli nagtawanan na naman ang mga tao.

"Hoy, kayong mga teachers dito, at sa aming poging poging walang buhok na Principal, ayokong magspeech."

Nagtawanan ulit lahat ng tao.

"Bastos ako alam niyo yan, pero isa lang ang gusto kong sabihin ngayon."

Tumahimik  ang lahat. Tumingin kami sa direksyon kung nasaan siya.

"Mahal na mahal ko ang babaeng 'yon."

Tinuro niya ako. Oo ako. Lahat nakatingin sakin, sa halip na sakanya.

"Mahal na mahal ko yan. Siya ang girlfriend ko, siya ang soon to be fiance ko, at siya rin ang buhay ko. Tapos na ang speech ko! Magsiuwian na tayo! Congratulations sa lahat!"

Nagpalakpakan ang lahat, hinagis ang mga nakapatong sa ulo nila at nagsimula ng mag-iyakan.

"At ikaw Eyn Krishnel Ford, wag ka ng umiyak. Buhay ako oh? Kung ang ikinalulungkot mo ngayon ay ang pagkatalo mo sakin, wag ka ng magtaka, matalino talaga ako at bobo ka!"

Naputol ang pag-iyak ng mga tao, at muling natawa sa sinabi ng gagong lalaking nasa harapan naming lahat.

Bumaba sa siya sa stage at niyakap ako.

"Mahal na mahal kita. Kahit bobo ka, mahal na mahal pa rin kita."

"Mahal na mahal din kita kahit ang sama sama mong gago ka."

And with that, hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao.

Kung iniisip niyong umiiyak ako kasi patay na siya, nagkakamali kayo.

Umiiyak ako kasi ako na dapat yung valedictorian, pero wala eh. Point five lang naman ang lamang pero bakit ganon?

Talo pa rin ako sakanya.

Opo buhay si Fierce. Buhay na buhay ang taong 'to.

After what happened to him I realized everything. Sobrang halaga ng oras, pano kung hindi siya nabuhay eh di pinagsisihan ko lahat? Paano kung wala na siyang second life, edi baka tinapos ko na rin 'tong buhay ko?

Habang nandito kami ngayon sa oval kung saan ginanap ang ceremony ng graduation, naisip ko yung mga nangyari nung nakaraan.

Matagal ding nacomatose si Fierce.

Muntik na siyang hindi mabuhay, well thank God he's alive.

Umuwi sina mama at papa dito, pinakilala ko sila kay Fierce kahit na wala pang malay si Fierce non, si mama nagsorry siya sakin for blaming me the whole time. She said, hindi tama yung ginawa niya, niyakap ko nalang si Mama.

I was merely looking at Fierce's face while he's lying in the bed. We're in the ICU.

Naalala ko kung paano kami nagsimula.

It was really an unexpected meet up for us, sinigaw sigawan niya ako kasi nagalusan ko siya. Hanggang sa magkakilala kami, kasi kailangan niya akong bantayan, hanggang sa palagi ko na siyang nakakasama na napunta sa pagkainis ko ng sobra sakanya dahil ang sama sama niya. Sa mga pang-iinis niya sakin, na nauwi rin sa pagkahulog ng loob ko sakanya na hindi ko naman talaga inaasahan.

Hanggang sa naging kami ng walang ligawan, mga taong naging involve na samin, mga past na akala namin past nalang pero bumabalik, si Light na sobrang naapektuhan din sa pagkamatay ni Jillian, ewan ko dun, simula daw nung hinalikan siya ni Jillian, nainlove na siya, kaso hindi sila pinagtagpo agad ng tadhana, patay na si Jillian.

I'm so happy and thankful kasi dumating si Jillian sa buhay namin, hindi magiging maganda ang istoryang 'to kung wala siya, tama diba? Ginawa niyang kakaiba ang love story namin ni Fierce.

Kay Folex na, pinagpapatuloy ang career niya sa ibang bansa, sabi niya dito siya sa Pilipinas magkokolehiyo, sad to say mukhang hindi ko siya magiging schoolmate, pero may communication pa rin kami. Sabi niya, mas okay na rin daw pala ang bestfriends, no heartbreaks. Tama naman siya diba.

Si Rain, at si Ruffa. Laging nagbabangayan pero hindi naman matatapos ang araw na hindi sila magkakabati. Ang cute lang nilang tignan, kung dati si Rain kinukulit ako ng crush ngayon medyo medyo nalang kasi selosa pala si Ruffa, tapos mag-aaway nanaman sila, pero pakiramdam ko sila na hanggang huli eh. Ang saya naman.

Si Code? Magpapari nalang daw siya kasi broken hearted siya sakin. Pero joke lang daw 'yon, tulad nga ng sinabi niya sakin kanina, may mga dadating pa naman daw siguro at tama 'yon alam ko may higit pa sakin na dadating sa buhay ni Code, siya yung taong kayang suklian yung pagmamahal na bingay ni Code sakin dati.

Si Dwayne at Saichi, as usual sweet sweetan parin. Malakas ang pakiramdam ko na sila na talaga. Hahahaha. And mukhang matutupad naman 'yon kasi never pa naman nag-away 'tong dalawa pwera pag si Fierce ang usapan kasi naman po yung si Saichi inlove pa rin lay Fierce. Lol.

"Tangna Eyn, ano tutulala ka nalang? Hindi mo na hahawakan ang kamay ko?"

Ha? Ano daw?

"Pucha Eyn! Ano ba? Kanina ko pa inaabot yang kamay mo, pero inaalis mo tapos bigla ka nalang mapapa-face palm? Hello? Boyfriend mo kasama mo? Nanlalalaki kaba?"

Binatukan ko nga mga pinagsasabi eh.

"Hindi no, inalala ko lang kasi yung mga nangyari noon, inaalala ko kung paano ko nainlove sa'yo para hindi na kita pakawalan pa, gaya nito!"

Tapos niyakap ko siya at hinawakan yung kamay niya na siyang nagpatahimik sakanya! Kaboom naman oh. Kinilig ang lolo niyo sakin!

Well, God has plans, yes at first puro pahirap yung mga pinagdaanan naming lahat. Pero at the end of the day eto magkasama kaming dalawa.

Nalaman ko rin na yung babaeng fiance ni Fierce, eh ako pala. Ang galing lang.

It's really unexpected to know, na yung taong kinaiinisan mo sa umpisa palang eh, ang makakasama mo pala habang buhay.

Thank God I have Fierce.

I know our love story is not perfect, but anyway its real.

Salamat kasi naging bahagi kayo ng storya namin. Salamat sa luhang inambag niyo, sa tawa at kakiligan na naparamdam niyo. Alam ko hindi yung storya namin yung pinaka the best na storyang nabasa niyo, pero sana kami yung isa sa mga taong kumumpleto sa buhay niyo.

Sana, sa pagsasara ng librong 'to hindi magsara ang puso't isip niyo na minsan may isang abnormal na Eyn at isang tatatanga tangang Fierce ang nagpasaya sainyo.

Hanggang sa muli!

Paalam.

The end.

Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]Where stories live. Discover now