Epilogue

512 16 14
                                    

(A/n: Sa wakas, ending na! Dedicated po sainyo 'tong lahat na tunay na nagbasa. Yihii. Sorry kung di ko man maabot yung expectation niyo. Pero kasi ganito yung flow ng story na gusto ko so yun lang. Yung Love Polygon naman po ang isunod niyong basahin. Thankyou!)

Epilogue [Ending]

Point Of View:

-Eyn Krishnel C. Ford-

Parang sumakto sakin yung nabasa kong linya sa isang nobel, na isinulat ng isang magaling na author,

"Hindi naman masakit tanggapin ang katotohanan. Ang masakit lang ay yung hindi umayon sa iyo ang kapalaran. Kung kailan ka pa naging handa atsaka ka pa kinalaban ng tadhana."

Ang sakit lang talaga, kung kailan nga naman handa na akong magpatawad, bigla naman akong kakalabanin ng tadhana.

Bakit? May nagawa ba akong masama? Wala naman diba?

Sabi ko noon sa sarili ko, what if kung bigyan ko siya ng second chance edi parang binigyan ko rin ulit siya ng chance na saktan ulit ako?

Dun ko lang na realize na hindi masama magbigay ng second chance sa taong mahal mo.

Na mahalaga ang oras, mabilis kapag nag-eenjoy ka, pero mabagal pag sobrang lungkot mo na.

Minsan hindi mo alam kung tama pa bang pairalin mo ang pride mo, hindi natin alam ang galaw ng mundo, akala mo may pagkakataon pa 'yon pala wala na.

Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi.

Kung alam mong gusto mo, wag mo nang patagalin.

Walang permanente sa mundo.

May mga bagay na akala mo nasa'yo na yun pala, mawawala rin. Swerte mo kung hanggang ngayon kasama mo pa rin siya.

Payapa ang paligid. Makulimlim ang kalangitan. Tahimik lang kahit sobrang daming tao. Rinig mo yung ihip ng hangin, mga dahong naglalaglagan, mga taong payapa ang lagabag ng paa, mga nagpapapaypay. Kalimitan sa mga makikita mong suot eh nakaputi. I can't help it but to cry. I tried controlling my tears but I can't.

Of all people why him? Pwede namang ako nalang. Ako nalang dapat.

Hindi ko lubos na maisip na mangyayari 'to. Bakit nagiging posible ang imposible?

Bakit kailngang mangyari pa ang mga bagay na hindi mo inaasahan?

Bakit kung kailan akala mo happy ending, hindi pala.

Sobrang halaga ng oras.

Si Code nasa tabi ko siya, inaalo niya ako.

"Wag ka ng umiyak. May dahilan kung bat naging ganyan ang lahat." 

I smiled.

"I just can't help it Code."

Hinagod niya yung likod ko.

"Alam mo Eyn, kung para sa'yo, para sa'yo talaga. Tignan mo ako, tanggap ko sa sarili ko na kahit gaano pa kita kagusto, hindi pwedeng maging tayo, na may mga taong nakalaan pa rin satin gaya nga nitong nagyayari ngayon."

Niyakap ko nalang si Code.

Pero napatigil ako nung may nagsalita, sobrang pamilyar ng boses niya. Boses niyang miss na miss ko na, ang itsura niyang gusto ko laging nakikita.

"Pare naman, hindi porke't mag-i-speech ako dito sa unahan eh aahasin mo na ko. Tandaan mo girlfriend ko pa rin yang niyayakap mo."

Nagtawanan ang lahat ng tao.

Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]Where stories live. Discover now