Chapter 47

434 5 5
                                    

Point Of View:

-Code Jin Young-

Biglang nagflashback sakin yung sinabi ni Fierce, 2 years ago.

"Oo mag-gegirlfriend na ko. Pero pag bumalik siya. Hihiwalayan ko kahit sino man 'yong girlfriend ko."

Shit lang. Si Eyn? Pano si Eyn.

Yung ginawa namin kanina, para kay Eyn yun. Monthsary nila ni Fierce. First monthsary nila ni Fierce na pinaghandaan niyang maigi. Yung time na nagpunta si Eyn dun sa tambayan, yung nalaman niyang mama nya yung nakabunggo kala Fierce. Pinuntahan agad namin ng barkada si Fierce sakanila.

Nandun lang siya sa kwarto mag-isa. Nagulat kami nung ngiting ngiti niya kaming sinalubong. Sinabi niya samin na medyo naapektuhan talaga siya nung pag-usapan nila ni Eyn si Jillian. Pero napag-isip isip niya, masaya na daw si Jillian. At ilang taon na rin ang nakalipas kaya dapat okay na siya ngayon. At andiyan na si Eyn.

Napagplanuhan niya rin, na hindi muna pansinin si Eyn ni magpakita sakanya o contact-in man lang siya para isurprise siya ngayon. Kinontact pa namin si Brix para lang dito. Everything seems so perfect, oo masusurprise talaga si Eyn sa gagawin niya. Pero kanina, hindi lang si Eyn ang nasurprise.

Lahat kami.

Lahat kami, nagulantang sa pagbabalik niya.

 

- Flashback -

 Nakatingin lahat sa ibinabang banner para kay Eyn, pero naputol 'yon nung..

"Baby, I can't believe you did this!"

Isang babaeng sobrang kilala namin ang biglang yumakap at humalik kay Fierce.

Nung nangyari 'yon.. isang tao lang ang nasa isip ko.

Si Eyn.

Bago ko pa siya malapitan, naabutan kong yakap na siya ni Fix. Hinayaan niyang umiyak si Eyn sa kanya.

Napunta yung atensyon ni Jillian sa kinaroroonan ni Eyn.

"Ohmy. What did I do? Miss, are you alright?"  alalang alalang tanong ni Jillian. Hindi niya naman kasi alam na may girlfriend na si Fierce at si Eyn 'yon.   Hindi ko lang din alam kung ano ba ang irereact ko ngayon.

"Sorry, masyado lang affected ang girlfriend ko sa naging scenario, sa tingin ko kasi sobrang sweet niyo kaya naiyak siya ng ganito."   sinagot ni Fix yung tanong ni Jillian sakanya.

Kumalma naman yung mukha ni Jillian tapos inapproach niya si Eyn.

"Wait wait wait. You're Fix right? The one who admits her feelings for this girl. Oh how sweet! Don't worry sweetheart. You and your boyfriend, looks cute together believe me."  tapos nagsmile siya kay Eyn. Oo ang ganda talaga ni Jillian, and yung boyfriend ni Eyn na sinasabi niya? Si Fix 'yon. Pinagkamalan niyang boyfriend ni Eyn si Fix.

Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon