"Hoy, hindi pwede 'yan ah!" suway ko. Sa aming magkaklase ay ang grupo lang ni Nick ang kulang ng isang myembro kaya sigurado akong ang tinutukoy n'yang kagrupo n'ya ay si Austin. And I don't like the idea of Nick doing their thesis just by himself, it's so unfair.

"And guess where are we right now?" magtatanong na sana ako kung nasaan sila nang biglang may humawak ng balikat ko

"Austin!" sabi ko kay Austin na nasa likod ko na, binaba ko ang phone ko ng makita si Nick sa kanyang likod, nakangisi. Kasama nila ang isa pa nilang kagrupo

"Nagtanong ka pa kung nasaan ako!" sabi ko kay Nick nang nakalapit s'ya sa akin, ngumisi lang s'ya at nagkibitbalikat

"Ano bang ginagawa mo dito sa mall at mag-isa ka?" tanong n'ya at luminga-linga pa sa paligid

"Gusto mong sumama ka sa amin?" tanong sa akin ni Austin ng may malaking ngiti sa labi, tatanggi na sana ako kaso nakita ko ang anino ni Johansson na palabas na ngayon ng Domino's.

"Why would she go with you?" malamig n'yang sabi at pumagitna sa aming dalawa ni Austin, nagkatinginan kaming dalawa ni Nick.

"Hala, mag-aaway nanaman sila." bulong sa akin ni Nick

"Of course, she's alone awhile ago. Mas maganda ng sumama s'ya sa amin kesa sa mag-isa lang s'ya." sagot ni Austin

"She's not alone, she's with me." mariin na sagot ni Johansson at mas lalo pang lumapit kay Austin. Johansson was taller and they have the same build of body and I know none of us will be able to stop them if they start pounding punches kaya pumagitna na ako sa dalawa bago pa mangyari iyon.

Naabutan ko ang nakakalokong ngisi ni Austin kay Johansson na parang hinahamon n'ya ito sa away pero nang nakita n'ya akong pumagitna sakanila ay nawala iyon at napalitan ng matamis na ngiti.

"I'm sorry, Austin. May gagawin pa kasi kaming thesis eh." sabi ko at tumingin kay Johansson na masama parin ang tingin kay Austin

"Next time then?" tanong n'ya at tumango na lang ako para matapos na.

Nagpaalam na si Nick at ang isa pa nilang kagrupo sa amin para matapos na ang gulo, kailangan pang hilahin ni Nick si Austin para gumalaw sa pwesto n'ya. Kumaway ako at pumasok ulit sa Domino's.

"Oh, where's Audrey?" tanong ko nang bumalis kami sa table, nandoon na ang dalawang box ng pizzang in-order n'ya

"Umalis na. Bakit ka ba lumabas? May balak ba kayong magkita ng lalaking 'yun?" tanong n'ya na may galit na tono at s'ya pa ang galit sa aming dalawa? Kung sanang hindi n'ya ako binalewala habang nag-uusap sila ni Audrey ay hindi ako mababagot at sagutin ang tawag ni Nick sa labas!

"I think you have another agenda kung bakit ka lumalapit kay Austin."

Umirap na lang ako at hindi na s'ya sinagot, I want to slap him! I can't believe he said that to me! Iniisip ba n'yang nakikipaglandian ako kay Austin? I don't even have his number for Pete's sake!

Tahimik lang ako hanggang sa kanilang mansion, tahimik rin s'ya kaya lalo akong nawalan ng gana. It's almost 5PM at iniisip na ilang minuto kaming magtititigan ni Johansson sa kanilang library ay sumusuko na ako. Can I just go home instead?

Wala ang kanyang Dad, narinig ko sa kasambahay na pumunta ng London si Tito Adam para bisitahin si Mrs. Regina.

Ramdam ko agad ang lamig ng aircon pagkapasok namin ng library, may sofa set sa gitna at coffee table, may dalawang malaking table sa magkabilang side ng sofa at anim na upuan sa bawat lamesa.

Pinatong ko ang dala kong bag sa mesa at dumiretso sa sofa at nilagay ang mga biniling pagkain at kape sa coffee table, hihintayin muna namin si Maxxine bago mag-simula. Nasa labas pa si Johansson kaya pinagsadahan ko ng tingin ang buong library, may malaking painting na una mong makikita pagpasok, they have all kinds of books and even iyon mga libro ni Shakespeare ay makikita dito.

Miss Always Rank #2Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora