CHAPTER 1

3 0 0
                                    

"AKO"

"Teka! Hindi ba natin pwedeng pag usapan to? Quil? Mahal na mahal kita. Wag mo naman akong iwan. Please!" di ko kayang mawala siya sakin. Kahit sumama siya sa iba. Basta sakin padin siya. Kahit na nasasaktan ako nang paulit-ulit 'wag lang siyang mawala sakin.

"Tristan tama na. Masasaktan ka lang eh. Tanggapin mo nalang. Para sa ikabubuti mo naman to eh. Please lang. Bumitaw kana." nagmamakaawang sabi niya sa akin.

"Hindi! Ayoko! 'Wag mo akong iwan. Okay lang sakin kahit kasama mo siya! Kahit na siya yung tunay mong mahal! 'Wag mo lang akong iwan Quil. Kahit na 'Rebound' lang ang tingin mo sa akin, Okay lang Quil." sabi ko kay Quil habang hawak hawak ko ang kamay niya.

Bigla niyang inalis yung kamay niya sa akin.

"Tristan. HINDI KITA MAHAL. HINDI KITA MINAHAL KAYA PWEDE BA?! TIGILAN MO NA ITO?! ANG TAGAL TAGAL NA EH?! HINDI KABA NAGSASAWA?! TRISTAN IT'S BEEN A YEAR! MOVE-ON!" sigaw niya sakin na nakapag patulala sa akin. Naiwan akong mag-isa sa kinatatayuan ko. Iniwan niya nanaman ako.

"Pano ako makakapag move-on sa isang gaya mo? Lunod na lunod ako sa PEKENG pagmamahal na binigay mo sa akin." bulong ko sa hangin na para bang maririnig ni Quil ang mga salitang binitiwan ko. Napa yuko nalang ako. Kasabay non ang pag agos ng luha mula sa aking mga pisngi.

*End of Flashback*

Matagal tagal na din yung huling punta ko dito ah. Masyadong masakit ang mga alaalang nakalipas kahit na 2 taon na iyon. Tama, dalawang taon na ang nakalipas noon nagmamakaawa ako kay Quil na bumalik siya sa piling ko. Pero wala akong magagawa. Mahal na mahal niya yung gagong EX niya eh.

"Tantan tara na. Gutom na ako" sabi ni Rance habang naka pout.

"Rance. Huwag kang ngumuso jan baka maumpog kita jan sa poste." Sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman sa akin Tantan. Hindi mo na ba ako love?" Sabi sakin ni Rance habang nag papacute

"Rance, Ilang beses ko bang sasabihin na-" Naputol ang sinabi ko ng bila nyang sinabi yung dapat kong sabihin

"Si Quil pa din ang love mo at hindi ako. Oo na Tantan, alam ko naman yun eh. Pero di ba pwedeng umasa man lang kahit konti? My gad Tristan! It's been 2 years pero heto ka parin! Lunod na lunod dun sa babaeng yon! Pero sya ano?! Nagpapakasarap sa iba!" Nagpantig ang Tenga ko sa mga binitawan nyang mga salita para kay Quil

"Tama na Rance. Tigilan mo na ako." Malamig na sabi ko sakanya. At umalis ako dun at iniwan syang tulala.

Siguro nga hindi pa rin ako nakakamove forward saming dalawa ni Quil. Ang hirap lang kasi. Sobrang sakit lahat ng binitawang salita sya sakin. Di ko matanggap lahat ng mga sinabi nya sakin nung araw na yun.

Ako si Tristan Gomez, napatay na patay kay Quil Ferrer, na pinaasa ako sa matatamis nyang mga salita. At pinahulog sa kanya ng napalalim na hirap na hirap akong bumangong muli.

Lies from YouWhere stories live. Discover now