Chapter 39 (Lost Feeling)

Začít od začátku
                                    

“Patapon pala talaga ang mga bagay na binibigay ko sayo? Siguro oo, sana kahit paano naging useful naman ‘to” nakangiti kong sabi sa harapan ni Dray, nakita ko na naman yung mata niya pero naka-iwas yung tingin nito sakin. Hindi ko na kaya, anytime babagsak yung mga luha ko kaya tumalikod ako at dito na nagsimula ang pag-agos ng mga luha ko.

Hindi na ako pumasok sa first 2 subjects ko at nagtambay na lang ako sa mini garden ng school. Kinuha ko sa bag ko ang kulay puting panyo na ibinigay sakin ng lalaking nakasakay ko sa bus. Buti pa siya panyo ang ibinigay sakin para kahit anong mangyari ito yung sasalo sa luha ko.

Iniisip ko kung hindi ko na lang kaya nakilala si Dray? May ibang love story siguro ako ngayon. Kung hindi na lang ako nag insist na maging butler niya? Siguro, ngayon kahit paano masaya pa din ako kasi simpleng sulyap lang buo na ang araw ko.

Pinikit ko ang mga mata ko “Please, sana panaginip lang ang lahat” nag-bilang ako ng tatlong segundo at iminulat ko ulit ‘to.

“Wala pa din nagbago” nasa garden pa din ako, may mga taong dumadaan sa harapan ko at nandito pa din yung sakit. Pagtingin ko sa gilid ko may tinapay tapos may note.

“Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak. Cheer up! Eat this, and smile” natuwa ako sa nabasa ko, ang bait naman ng taong yun. Binigyan niya pa ako ng tinapay, mukhang masarap naman kaya kinain ko na lang.

Kapag daw broken hearted dapat kumain kaya kakain ako “Magiging masaya din ako, balang araw” at kinagat ko agad ang sandwich.

“Darating ang panahon na, hindi na ako iiyak”

 

 

“Darating din yung taong, mamahalin ako at hindi ako sasaktan” napaitigil ako sa pagkain ng may nakita akong naglalaro ng basketball.

“24 seconds violation” sigaw ng referee, naagaw nito ang atensyon ko. Sa ngayon, may violation na nangyari sa buhay ko, ilang saglit lang niya binitawan yung mga salita pero naiwan yun sakin.

“TIME OUT!” sigaw ulit ng referee at napatigil ang mga players sa paglalaro. Time out na nga ba ang love story namin? O baka may kasunod pa siyang quarter.

“Foul!” napayuko ang coach ng kabilang team dahil naka foul ang player niya. Sa larong basketball kapag nasaktan mo ang kalaban foul na yun diba, siguro ngayon naka dalawang foul na sakin si Dray.

“Carrying the ball!” sigaw ulit ng referee, yung tipong sana ganun na lang si Dray ako yung bola, hindi niya hahayaan maagaw ng iba.

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Kde žijí příběhy. Začni objevovat