Chapter 39 (Lost Feeling)

Start from the beginning
                                    

Maaliwalas na yung langit ngayon, madami na ulit mga stars “Bakit ganun, pare-parehas lang ang kinang ng mga stars ngayon? Bakit wala na yung star na sa sobrang kinang?”

Nababaliw na yata ako pati sarili ko kinakausap ko na. Hindi ako nakatulog buong magdamag dahil tinitigan ko lang ang buong kalangitan. Nakaka bored talaga dito sa ospital walang masyadong ginagawa, saka mas nahihirapan lang ako dito.

“Bella, okay na naman ako. Kaya ko na ang sarili ko, kaya please gustong gusto ko na lumabas dito” pagpupumilit ko kay Bella, sana naman tumalab sa kanya.

“Sigurado ka bang okay ka na? Kapag sumakit yung ulo mo sabihin mo kaagad sakin” bakit sobra yata siyang nag-aalala ngayon? Nakakapanibago tuloy.

Wala din siyang nagawa kundi ilabas na ako ng ospital at ngayon nasa bahay na ulit ako ni Bella at papasok na ulit ako sa school.

“Sigurado ka bang kaya mo na?” ngumiti lang ako sa kanya, ayoko naman pang habang buhay na magtago kasi kahit magtago man ako hindi mawawala yung sakit.

Nakarating kami sa University ng walang imikan. Pakiramdam ko bumabalik na naman yung dating mundo ko, yung same routine araw-araw. Papasok ako sa school, makikipag-usap kay Bella tapos uuwi at matutulog na. Ang kinaibahan nga lang hindi na ako palaging nakabuntot kay Dray kasi bumalik na siya.

Tinakpan ni Bella yung mga mata ko gamit ang mga palad niya “Pumikit ka na lang kapag nakikita mo sila, takpan mo ang mga tenga mo kapag may naririnig ka”

 

 

Ayokong maging mahina, mawawala din naman ‘to. I trust him, I trust Gio Dray Min. Alam kong babalik siya sakin yun ay kung totoong mahal niya ako.

Tumayo ako para pumunta na sa classroom ko kaso, mukhang kailangan ko munang umiyak.

“Trixy, sushi oh! Diba favorite mo ‘to?” napatigil akong saglit sa di kalayuan pero rinig ko ang boses ni Dray at sinusubuan niya si Trixy. Naging sweet naman sakin si Dray, pero parang mas masaya yung ginagawa niya kay Trixy. Nag susubuan pa sila, kahit ako mismo sasabihin ko na they’re perfect for each other.

“Dray, ang luma na ng kutsara mo, akin na yan. Simula ngayon ito na ang gagamitin mo, okay?” masiglang sabi ni Trixy at kitang kita ng dalawang mata ko kung paano niya itapon ang kutsara’t tinidor na bigay ko Dray, kita din ng dalawang mata ko kung paano pumayag si Dray at kung paano niya tanggapin ng sobrang saya ang bagong bigay sa kanya ni Trixy.

Kusang lumakad ang mga paa ko, at kusa din gumalaw ang mga kamay ko para limutin ang mga bagay na tinapon ni Trixy.

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Where stories live. Discover now