CHAPTER 1 -MEET MY KUYA

Magsimula sa umpisa
                                    

“WINTER MAYLABSSSS!!” kapag yan ang maririnig mo, isa lang ang may ari ng boses na yan, si Summer Rodriguez. Siya ang bestfriend ko. Kaya kapag naging asawa daw siya ni kuya, magiging sister in law ko na daw siya. Magkasing edad lang kami at kaklase ko siya sa grade 3 sa aming pinakamamahal na paaralan. Si kuya naman nasa grade 5 na. Eight years old na ako at ten years old na si kuya.

Nakita naming papalapit si summer at nakasunod sa kanya si Heaven Anthony Briones. Classmate din namin siya at ang balita sa klase namin na crush daw niya ako. Pero, wala akong paki dun. Sabi kasi ni nanay, wag daw muna magkaron ng crush. Beybi daw niya ako. At isa pa, ayaw din ni  kuya. Magagalit daw siya sa akin kapag nabalitaan niyang boypren ko daw si heaven.

Nakita ko nalang na nakapulupot na ang braso ni summer sa kaliwang braso ni kuya. Nakahawak kasi ako sa kanang kamay niya. “labs, date tayuuuu!!!” nakapout pa si summer habang nakasandal ang ulo niya sa braso ni kuya. Siguro iniisip niyong malandi si summer, pero hindi po. Ganyan lang po ang ugali niya. Masyado lang siyang pilya. At talagang crush na crush niya si kuya. Aware naman na si kuya kaya bat pa daw siya mahihiya. Very reasonable noh?

“hahahaah.... tama na nga yan summer tignan mo itsura ni kuya winter, diring diri” sumama ang tingin ni kuya winter kay heaven. “wag mo nga akong tatawaging kuya. Hindi kita kapatid noh.” Napayuko nalang si heaven sa sinabi ni kuya winter.

Dumating na ang iba naming kalaro. Buong maghapon na naman kaming maglalaro. Ang una naming laro—TUMBANG PRESO!!! Hulaan niyo sino taya?? Ako (____ ____)

Dahil sa hindi naman ako magaling dito sa larong ito, buraot na tuloy ako... gusto ko nang umiyak. Hinagis na nila ang mga tsinelas nila at hindi ko talaga sila mahuli huli.

“waaaahhhh!!! Buraot si autumn!! Wahahahahaha...” pang-aasar sa akin ng mga kalaro namin.

“konting tiis, iiyak na yan. Konting tiis, iiyak na yan.” Hindi naman talaga ako dapat iiyak eh. Kaso....

“sniff... hindi ako iiyak.... sniff” napaupo ako at nilagay ang uloko sa tuhod ko.

“tama na yan! Ako na ang taya!” narinig kong may sumigaw. Tinignan ko at nakita kong nakatayo si kuya winter na nakatalikod sa akin. Humarap siya sa akin at umupo nang kalevel ko. “wag ka na umiyak bunso. Si kuya na ang taya. Tayo na diyan.” Nagsmile sa akin si kuya at nakita ko ang cute na dimples niya. Napatango nalang ako.

Masaya ang laro namin kung hindi lang sana ako iyakin. Nung bandang hapon na, nagkasawaan kaming lahat. Bigla namang dumaan si manong sorbetes. Dahil sa pagod at uhaw, gusto kong kumain ng sorbetes (ice cream po ang sorbetes) pero, wala naman ang pera.

“gusto mong kumain?” napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si kuya na nakaupo sa tabi ko. Napayuko lang ako. “tara bilis!!” biglang hinawakan ni kuya ang kamay ko at hinila sa may simbahan. Sabado ngayon at araw ng pagsamba ng patron ng simbahan namin. Maraming tao ang naglalabas pasok sa simbahan.

“ale, ale. Palimos po.” Nilahad ni kuya ang kamay niya na parang nanghihingi sa babaeng nagdaan. Nagbigay ang ale ng limang piso. May dumaan namang lalaki at ganun din ang ginawa ni kuya. Binigyan na naman siya ng lima.

Sampung piso na ang pera namin. Makakabili na kami ng ice cream, pero nakokonsensya ako, kasi kailangan pang mamalimos ni kuya. Hayyyysss...

“oh, anong binubuntong buntong hininga mo diyan?” napahinto kami sa pagtakbo dahil sa pagbuntong hininga ko.

“kuya isoli mo na ang pera.” Nagtataka ang itsura ni kuya winter sa pagharap niya. “hahahaha.... ano ka ba autumn. Bigay nila ito sa atin. Bakit ko isosoli?” pakiramdam ko bumaba ang dignidad ni kuya dahil sa ginawa niyang pamamalimos.

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon