Prologue

98K 1.6K 273
                                    

Camille POV


"Tama na yan, Cami." Awat sa akin ni Ana, my bestfriend. Sabay agaw pa sa baso na naglalaman ng alak.

We're at the bar. Hindi ko na alam kung pang-ilang baso ko na yun ng Margarita, three or four? I lost count already.

"Akin na yan, ano ba?!" Angil ko sa kanya sabay kuha sa kamay niya nung baso at nung makuha ko yun agad kung tinungga ang laman nito.

"Hay naku," maktol niya. "Bahala ka na nga diyan. Basta don't do stupid things, okay?"

Alam ko naman na nag-aalala lang siya sa akin. Di naman talaga ako umiinom. Ngayon lang. Dahil may masakit sa akin... puso ko. Nabiyak yata. No, hindi lang nabiyak. I guess it exploded into zillion pieces.

Ngumiti ako ng mapakla. "Ako pa talaga ang gagawa ng stupid things ha?" Sabi ko na may diin.

"Camille naman eh." Protesta niya. "Alam ko nasasaktan ka ngayon pero isipin mo na hindi lang naman siya yung lalake sa mundo. Madami pang mas nakakahigit sa kanya at mas babagay sa'yo!"

From that, nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na umiyak... na naman.

Francis was my first love, first boyfriend, and definitely my very first heartache. Nailagay ko na sa isip at puso ko na siya lang talaga ang para sa akin. Na siya yung gusto kong makasama habang buhay. I love him that much. Pero anong ginawa niya? Niloko niya lang ako! Matagal na pala niya ako pinagtataksilan... at sa pinsan ko pa talaga! Mga hayop sila!

Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Ana yung kamay ko na nakakuyom na pala sa ibabaw ng lamesa.

"Best..." She uttered full of sympathy.

Huminga ako ng malalim. "I-I'll be alright." I said trying to convince her. "Malalagpasan ko din 'to."

Ngumiti siya sa akin kahit na may lungkot sa mga mata niya. "I know. You can pass through this test."

I tried my best to give her a weak smile at tumango. "Go and have fun."

Pumunta kami dito para magsaya kahit sandali lang at mawala sa isip at puso ko yung sakit. But I can't just simply erase what I'm feeling right now. Di naman ganun kadali yun eh. Pero ayoko naman na idamay siya sa lungkot na nararamdaman ko. Isa pa, it's her goddamn birthday!

After niya ako yakapin, pumunta na siya sa dance floor to join Mia and Claire already dancing at the beat of Don't Let Me Down by Chainsmoker.

Haist... Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko as if through it mawawala ng kaunti yung bigat na nararamdaman ko. Makainom na nga lang.

Nang mapansin kong wala na ako inumin, I decided to go at the bar counter. Umupo ako sa isang stool chair. Oorder na sana ako ng drinks ko ng biglang may babaeng tumabi sa akin.

"One margarita for the beautiful lady here!" Sabi nito sabay turo sa akin.

Bigla naman ako napatingin sa kanya. She's damn gorgeous! Actually, kung may hihigit pa sa word na yun gagamitin ko sa kanya to describe her. Halatang may ibang lahi ito.

She's tall around 5'9" or 5'10" , morena, black hair, slim body. Bumagay sa kanya ang suot nitong white cold shoulder peasant dress with crew neckline, long sleeves with shoulder cut outs and crochet detailing at kita ang long legs nito nung naupo siya since her dress just hits her knees. She paired it with flat tan snake colored gladiator sandal.

"Done checking me out?" Sabi niya na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"What?" I asked still mesmerize by her beauty.

Beautiful MistakeWhere stories live. Discover now