A Man's Dream - Chapter 31

28 2 0
                                    

Chapter 31

"George" Sigaw ni Sab ng matanaw ang pinsan sa parking lot ng school.

"Uy Sab!" Bati ng pinsan niya sabay "Hi!" ni Sharn.

" Sorry ha di na ako nakapag paalam sayo na gagamitin ko 'tong scooter mo." Dugtong pa ng dalaga.

"Kala ko sabay kayo nila Mom and Dad pag punta dito?"

"Pinauna na ko nila tito at tita, may importanteng lakad daw sila. They will follow naman after that saglit lang naman daw kasi yun." Pagpapaliwanag nito.

"Hmmm ganun ba. By the way why you're not in uniform?" pansin ni Sab.

"I'm not yet comfortable wearing it, at tsaka di pa naman natin alam if I'll be accepted here." Bulong nito sa pinsan.

"Mas lalo kang hindi matatanggap sa suot mo." Sabay taas kilay.

"Why Sab? Bawal bang mag jeans, shirt at leather jacket dito sa school niyo? Naku malamang nga hindi ako matatanggap nito." Sagot niya na may halong pang iinis sa pinsan.

"Excuse me!" Singit ni Sharn.

Tumingin lamang ang mag pinsan sa nagsalita.

" Pwede naman sigurong magtanggal ng helmet bago kayo magpatuloy mag-usap diba?"

Napansin nga ng magpinsan na suot pa ni George ang helmet kaya unti-unti niya na itong tinatanggal. Sakto naman na papalapit sa kinaroroonan nila sila Jamir at Angelo.

"Ayon sila Sab at Sharn Jamir, kasama na ata nila si George."

"Oo, mukhang yun na nga si George base sa suot na napansin ko kanina." Sagot nito sa kausap.

"Wow rakista pumorma ah naka leather jacket, mukhang magiging tropa natin yan Jamir."

Ilang hakbang nalamang sila sa kinaroroonan ng tatlo ng bigla silang matigil sa paglalakad. Natulala ang dalawa sa nakikita.

"Wow! Si George babae!" Gulat na reaksiyon ni Angelo.

Tahimik lamang si Jamir na nakatingin. Pero mahahalata mo sa binata na nakuha ni George ang atensiyon nito.

"Uy Angelo at Jamir sumunod pala kayo." Bati ni Sharn sa dalawa.

Napatingin lamang ang magpinsan sa mga ito.

"Siya nga pala si George yung pinsan ni Sab na wagas kung magpatakbo ng scooter na napansin mo kanina Jamir." Pagpapakilala ni Sharn.

Lumapit ng bahagya kala Jamir ang dalaga at pormal na ipinakilala ang sarili.

"Hi! I'm Georgina but you may call me George."

Iniangat ng dalaga ang kanyang kanang kamay upang iabot sa binata.

"Hi! I'm Angelo." Sabay agaw sa kamay ng dalaga.

Nagulat man ang dalaga nginitian niya na lamang si Angelo at nag sabi din ng "Hi".

Si Jamir naman ay tahimik lamang pero di narin nakapag tiis at nagsalita nadin.

"Next time be a responsible driver." Maikling sambit nito sabay talikod sa mga kaharap.

Natulala naman ang mga kaharap nito sa naging asal niya.

"Cous, what's that? Anong problema nun?" pagtataka ni George.

"Ah, don't mind him George mukhang first day ni Jamir." Sabay tawa ni Angelo.

Simangot naman ang naging reaksiyon ni Sab sa ginawa ni Jamir.

"Besz nag ring na ang bell, time for us na para bumalik sa room." Yaya ni Sharn.

"So pano yan George balik na kami sa classroom. Pasok ka nalang muna sa canteen while waiting for Mom and Dad." Habilin ni Sab sa pinsan.

A Man's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon