A Man's Dream - Chapter 11

122 2 2
                                    

Chapter 11

Hanggang ngayon ay manghang mangha padin si Jamir sa tanawing nakikita. Kaya kahit sa paanan pa ng Bundok ang Paaralang pupuntahan ay minabuti niyang maglakad na lamang.

"Napakaganda talaga dito." bulong niya sa sarili.

Maaga pa naman kaya medyo binagalan niya ang paglalakad. Ikinabit ng binata ang Head Set ng kanyang Cellphone at gumilid ito sa daan. Nilagay nya ito sa tenga at pinakinggan ang paborito nitong mga awitin.

.. Coz it's you and me and all of the people, have nothing to do, nothing to loose. Coz it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you..

Medyo naingayan siya kaya naputol ang sound trip niya at tinanggal niya ang headset sa tenga.

Sakto pag lingon niya mula sa pinagmumulan ng ingay ay nagulat siya dahil may scooter na papalapit na sa kanya.

Wala siya nagawa kundi ang mapalundag papalayo sa sementadong daan.

"Lokong Driver to!" sigaw nya sa sasakyan na unti unti nang lumalayo.

"Balak pa ata akong banggain." dagdag pa nito.

Di na niya napansin ang sakay nito na isa palang babae.. Basta napansin nito ang pink na kulay ng helmet at ng sasakyan habang papalayo. Mukhang nawawalan 'to ng balanse kaya bumusina 'to ng bumusina para hindi siya mabangga.

"Hindi man lang nag sorry ang loko." medyo inis niyang nasabi.

Mabuti na lamang at nabawi ng babae ang balanse kaya di ito natuluyang bumagsak.

Nagpatuloy nalamang si Jamir sa kanyang paglalakad patungo sa paaralan.

Kalahating oras bago mag bukas ang opisina ng paaralan nang dumating si Jamir. Nagpahinga muna ito sandali at nag-hanap ng mapagtatanungan.

Napansin nito ang pink na scooter na nasa parking space ng paaralan. Hinanap ng mga mata nito ang Helmet na pink pero di nya ito nakita.

"Hindi siguro yan yun." bulong niya sa sarili.

Nagpatuloy siya sa pag-hahanap ng mapagtatanungan ng mapadaan siya sa canteen ng paaralan. Sakto at nauuhaw narin siya kaya bumili siya ng maiinom.

Pagkabili ay tinanong nadin niya ang tindera kung saan matatagpuan ang opisina ng paaralan. Nalaman niya dito na duon pa pala sa loob ang opisina.

"Naku ang laki pala ng paaralan na to. Kala ko ito na yun, yun pala T.L.E.,parking at waiting area lang to."

Nagpatuloy siya sa paglalakad sa kabuuan ng paaralan. Simple lang ang paaralan pero malawak ang nasasakupan nito.

May oval at mga court. Masasabi mong dekalidad na paaralan nga ito.

Sariwa ang hangin at medyo malamig din. Marahil dahil narin yun sa lokasyon nito.

Dahil nga bakasyon pa tahimik ang buong paaralan at iilan lamang ang makikitang tao sa paligid.

Huminto siya saglit at sakto dahil nasa pinto na siya ng Registrar's Office.

Naka sabit sa pinto nito ang salitang OPEN kaya kumatok na siya at pumasok.

"Good Morning Ho." bati nito sa taong nadatnan niya sa opisina.

"Good Morning din iho." sagot nito habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa.

Palibhasa ay simple lamang itong manamit kaya ganun na lamang ang pagtantiya ng kausap sa kanya.

Nakaramdam si Jamir pero di siya nagpasindak.

"Maam I'm Jamir Assuncion." pagpapakilala nito sa sarili.

A Man's DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon