"Your look good." Pamumuna naman ni Austin kina Mark at Kahlan.

"Wag kang chismuso Martinez dahil hindi bagay sa'yo." Saad dito ni Mark ngunit nginisihan lang ito ni Austin.

"I have to go, mauna na ako sa inyo." Ani Frank sabay tayo nito. Hindi kasi nito maiwan-iwan ang asawa nitong may kalakihan na ang tiyan.

"Okey! Bro, pakikumusta na lang ako kay Erica." Ani Mark dito na tinanguan lang ni Frank bago ito tumalikod.

Agad na nagpahatid ng meryenda si Mark sa mesa nila. At gaya ng dati e asaran na naman silang magkakaibigan na naroon. Makalipas ang halos isang oras na kasama ni Mark ang mga kaibigan ng magkanya-kanya rin ng paalam ang mga ito. At si Mark naman ay ihinatid nito si Kahlan pauwi sa bahay ng mga Mendoza.

"Tell your parents, I'm coming tonight." Anito kay Kahlan sabay halik nito ng manipis sa labi ng dalaga. "Okey! I'll wait." Sagot dito ni Kahlan na nakangiti na hindi hinihiwalay ang mga mata kay Mark.

Makailang segundo lang ang dumaan ng lumapat ang labi ni Mark sa labi ng dalaga. Agad iyon naghinang at kapwa sila nadarang ng palitan ng halik.

"Baka hindi kita matantya e makain kita dito sa sasakyan, honey." Anito kay Kahlan ng maghiwalay ang kanilang mga labi. At hinahalikan na nito ng manipis ang leeg ng dalaga.

"Uhm! I think I have to go. Baka makita tayo dito ni Daddy at mashotgun tayo ng wala sa oras." Saad dito ni Kahlan. Napangiti naman si Mark dahil sa tinuran ni Kahlan.

"Okey!"

Anito. Ngunit muli din nitong siniil ng halik si Kahlan na agad din namang tinugon ng dalaga. Kung hindi pa sila kapwa kinapus ng hangin ay hindi maghihiwalay ang mga labi nila.

"I have to go." Paalam dito ni Kahlan ngunit parang hindi ito makagalaw sa kinauupuan niya. "Yeah! I think so." Pagsang-ayun dito ni Mark. Kailangan nga niyang dumistansya muna ng saglit sa dalaga. Dahil kinakapus siya ng control sa sarili at baka may mangyari sa kanila ng dalaga sa loob ng kotse niya. Pero ayaw niyang mangyari ang ganun sa kotse niya dahil ang gusto niya ay maging special at memorable ang unang paglalakbay nila sa mundo ng kapusukan na hinding hindi nila makakalimutan sa tanang buhay nila. Kaya siya na ang lumabas ng sasakyan at ipinagbukas niya ng pinto si Kahlan.

"I'll see you later." Anitong bahagyang hinaplos ang magandang mukha ni Kahlan. "Okey! Mag-iingat ka." Anito kay Mark sabay ngiti.

"Sige na pumasok kana sa loob." Utos nito kay Kahlan. Agad naman itong tumalima at pumasok sa loob ng mansyon. Ng tuluyang makapasok si Kahlan ay saka bumalik sa loob ng kotse niya si Mark at inistart iyon. Agad niyang pinaharurut ang kotse niya at habang nagmamaneho siya ay tinawagan nito ang kapatid niyang si Sam.

"Hey! Napatawag ka kuya?" Bungad sa kanya ng kapatid.

"Uhm! Princess, can I asked?" Anito sa kapatid. "Umm! Okey! Ano yun?" Sagot ng kapatid niya.

"Anong bulaklak ba ang magandang ibigay sa girl. I mean kung dadalawin mo ang girl sa bahay nito?" Parang nahihiya nitong tanong kay Sam.

"May nililigawan ka kuya?" Ang tila hindi makapaniwalang tanong ng kapatid. Alanganin man ay sinagot parin niya ang tanong ng kapatid. "Yeah! Something like that." Sagot nito.

"Ayieeehhhh....!!!" Tili ng kapatid niya. "Uhm! Kuya kahit na ano. Kung mahal ka nung girl ay kahit anong ibigay mo o iabot e tatanggapin niya. Kasi for me kuya ay hindi basihan ang bulaklak. Ang mahalaga ay mahal niya ako dahil aanhin ko ang bulaklak na nalalanta din. At ang pagmamahal niyang iyon ay ayaw kung malanta. Gusto ko kahit sa paglipas ng mga taon naroon parin ang pagmamahal niya. Hindi nalalanta bagkos ay lumalago." Anitong kinatahimik ni Mark.

I Knew You Love Me(Completed)Where stories live. Discover now