Malapad na ngiti ang sumilay sa mukha ni Henry. Titig na titig siya kay Althea, i felt my heart squeezed.

"I'm Henry Lionel E. Santillan. It's nice to meet you."     Inilahad niya ang kanyang palad.

"It's nice to meet you too, sir."      Wika ni Thea tapos ay inilagay niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng palad ni Henry.

Akala ko magha-hand shake sila pero iba ang ginawa ni Henry.

Hinalikan ni Henry ang ibabaw ng palad ni Thea. Then he smile.     "It's my pleasure little princess."  

Napatingin ako kay Cedes at nakita na nakatitig lang siya sa dalawa.

****

Sadya kong ipinauna sa paglabas ng bahay si Henry. Nakasunod sa amin sina Thea at Cedes pero hanggang sa may pinto na lang sila.

"Mommy, ice cream po."     Paalala ni Thea. Hindi talaga siya agad nakakalimot.

"Okay. Pasok na sa loob."     Wika ko.

"Okay po."     Tugon niya. May ibinulong sa kanya si Cedes then napangiti siya.      "Babye po!"      Kaway niya kay Henry.

Nilingon ko si Henry. Nakangiting kumaway din siya pabalik kay Thea.    "Bye-bye. We'll see each other again."   

"Sige po." 

"Tss."     Mahinang singhal ko sa sarili. Pilit akong ngumiti.     "Sige na Thea. Pasok na sa loob."

"Opo."     Tango nito saka agad tumalima.

Sumunod naman si Cedes dito.

Haist.

"You're over reacting Milca."     Boses ni Henry mula sa likod ko.   

Lumingon ako at nasalubong ang seryoso niyang tingin.   

"Wala naman akong gagawing masama kay Thea."

"I'm not over-reacting."     May bumangon na inis sa loob ko.

"Then why are you like that? Parang ayaw mong ipakilala sa akin ang anak mo?"      Humalukipkip siya.        "May itinatago ka bang ayaw mong malaman ko?"

Ayan na naman siya sa mga hinala. Mabigat akong napabuga ng hangin.

Humakbang na ako palayo sa bahay. Nilagpasan ko siya at sumunod naman siya sa akin. Mabuti na lang at hindi masyadong matao sa kalsada ng eskinita namin ngayon. Mga tulog siguro dahil tanghali pa lang. Pagdating namin sa kanto ay nakita ko agad ang kanyang pulang sasakyan. Hinarap ko siya maayos.

"Salamat sa pagpunta dito, Henry. Sana wag ng maulit."

"Nice."       Sarcastic siyang ngumiti.      "Dahil ba biglaan ang pagpunta ko ngayon ay bawal na akong bumalik dito?"

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Where stories live. Discover now