C.R.

12 2 0
                                        

Sa isang boarding house, mayroong limang kuwarto ngunit iisa lamang ang C.R. nila.

Apat lang ang na-okyupahan. Ang huling isang kuwarto sa bandang kanan ay hindi pinapakialaman ng may-ari. Ang C.R. ay nasa tabi ng kuwartong iyon.

Maraming kwento-kwento na may multo daw sa C.R. at sa huling kuwarto. Ang mga taong nakatira don ay nasanay na at wala silang binabanggit na kahit ano tungkol sa multo.

Isang araw, umalis ang isa sa mga occupants sa isang kuwarto at pumalit ang isang estudyanteng lalaki.

"Ikaw ba ang bagong titira dito?" tanong ng dating occupant na kinukuha na ang mga gamit.

"Opo," sagot ng binata.

"Ahhh. Mag-ingat ka sa C.R. na 'yon. Iisa lang ang C.R. ng lahat ng kuwarto dito."

"Bakit po?"

"May ibang nilalang ang nakikigamit sa C.R. na yan. Ganito ah, kapag nakasara ang pinto ng C.R., kumatok ka. Kapag walang sumagot, maaari mong buksan ang pinto. Ngunit kapag may sumagot, umalis ka na. Maliwanag?"

'Normal lang naman 'yon diba? Nakakatawa naman 'tong kausap ko.' Sa isip ng binata.

"Opo," sagot niya.

Tumira ang binata don ng dalawang buwan at wala siyang naranasang kahit anong kababalaghan sa C.R.

Ang pangalan ng binata ay Diego. Matangkad ang binata, matipuno, guwapo, nakakaakit at maraming talento. Maraming babae ang nagkakagusto sakanya.

Isang araw, umuwi siyang lasing na lasing dahil nakipag-inuman siya sakanyang mga kabarkada. Kakatapos lang ng exam nila at magkakaron sila ng ilang araw na walang pasok.

Kinabukasan, napansin niyang pabalikbalik ang mga tao sa C.R.

Pumunta sa C.R. ang isang babae galing sa ibang kuwarto.

*Tuk tuk tuk, pagkatok ng babae sa C.R.

"May tao," sagot ng isang babae na nasa C.R.

Pangatlong balik na ito ng babae dahil ihing-ihi na siya. Sumunod ang isang lalaki na may katandaan.

*Tuk tuk tuk.

"May tao," sagot ulit nung babae.

Pangalawang balik ito ng lalaki.

Lumabas ang binata at nakita niyang nagbubulungan ang ibang occupants sa tapat ng kabilang dulong kuwarto.

Nakatingin ang mga ito sa C.R. Naiihi ang binata kaya't pumunta sya sa C.R. at kumatok.

"Nak nak, may tao?" tanong ng binata habang kumakatok.

"Wala," sagot ng babae sa loob. Binuksan ng binata ang C.R. at pumasok. Umihi sya nang biglang manlaki ang mata niya.

'Sino ang sumagot kanina?'

Nagsimulang manginig ang binata. Maya-maya pa'y naririnig niyang maraming kumakatok sa pintuan.

"Bata?? Okay ka lang diyan??"

Naramdaman ni Diego na may pumupulupot sakanyang tiyan. May yumakap sakanya.

"AHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" sigaw niya.

Bumukas ang pintuan at nakita nila ang binata na hati-hati ang katawan at nakakakalat ang mga lamang loob.

Ang nilalang sa loob ng C.R. ay isang halimaw na kumakain ng mga binata o dalaga na magpapaganda lalo sakanya. Ang nilalang na ito ay nakatira sa huling kuwarto na hindi pinapakialaman ng may ari.

Upang makaiwas sakanya, dapat gamitin mo ang iyong utak sa wastong paraan.

-Weird Eleventh

Horrors -Weird EleventhStories to obsess over. Discover now