Nang nasa auditorium na kami ay agad kong nakita sina Bianca na tumayo pa para lang makita ko sila kaya napatingin ang ibang estudyante sa amin. Tumango ako at mabilis silang pinuntahan, umalis na rin si Austin sa tabi ko para umupo sa pwesto n'ya.

"We forgot to tell you that we're here. Bakit kasi nag-confiscate sila ng phone? Ayan tuloy, hindi ka namin na-text." frustrated na sabi ni Shaira nang nakaupo na kami

"It's okay, Shaira. Pinuntahan naman ako ni Austin sa classroom." sabi ko

"Oo nga, nagalit si Sir kanina noong nakita n'yang wala si Austin sa upuan n'ya. We all thought that he ditched class." tinignan ko ngayon si Austin na kinakausap ngayon si Sir, mukhang pinapagalitan s'ya

"Nope, sinundo lang n'ya ako sa classroom." sabi ko at nanatiling nakatingin parin kay Austin. Napagalitan s'ya dahil sa akin

Nang umalis na si Sir sa harap n'ya ay nagkatinginan kami, nag-thumb up ako para magtanong kung okay lang s'ya at tumango naman s'ya.

Habang naghihintay sa ibang huling section na kasama naming manunuod ay tinignan ko ang buong auditorium.

Hanggang second floor itong auditorium pero dahil kaming batch lang ang nandito ay first floor lang ang sakop namin, ginagamit itong auditorium na 'to kapag may event or theater.

Nahagip ng mata ko ang lalaking nakahalukipkip sa gilid ng pintuan, he's looking at me kaya nakuha n'ya ang atensyon ko.

Nag-iwas ako ng tingin nang napansin kong si Johansson iyon, may kausap pero ang tingin n'ya ay nasa akin. Kanina pa ba s'ya nandito? I'm lying if I tell na hindi ako nabother na hindi s'ya ang pumunta sa classroom para sunduin ako.

Umiling ako sa iniisip ko, I don't want him to think that I'm assuming kaya pinansin ko na lang si Maxxine na kanina pa tahimik sa tabi ko habang sina Shaira, Bianca at Karlie ay pinaguusapan si Austin.

"You okay?" mukhang hindi n'ya ako narinig kaya nang hinawakan ko ang braso n'ya ay napatalon s'ya

"Jesus, Tiara!" sabi n'ya at nakahawak sa dibdib n'ya. Kumunot ang noo ko sa reaksyon n'ya

"May problema ba, Maxx?" mabilis s'yang umiling sa tanong ko at nag-iwas ng tingin. She has a problem, I'm sure.

Dinaldal ako ni Nick na bagong dating, panay ang reklamo n'ya sa traffic kaya nalate s'ya ng dating. Nang nagsimula na ang movie ay nanahimik na kaming lahat, may dala pang pagkain si Nick kaya patago kaming kumakain.

Medyo boring ang movie kaya nakatulog ang mga kasama ko, sinusuway sila ng mga teachers na dumadaan habang ako naman ay pinipilit na 'wag makatulog dahil paniguradong may quiz next meeting.

"Ka-antok!" sabi ni Karlie ng natapos na ang movie, papunta na kami ngayon sa classroom.

"Natulog lang ako buong movie." sabi ni Bianca at tumawa "'Di bale, next week pa naman yung quiz tungkol sa movie di'ba? Papanuorin na lang natin ulit!" sumangayon ang lahat sa request n'ya, nag-invite pa s'ya ng mga kaklase naming kasabay naming naglalakad sa hallway.

"Sure!" sabi noong lalaking kaibigan n'ya, nagkibit balikat na lang ako sa mga pupunta.

Nang nasa classroom na kami ay tahimik lang ako dahil tahimik rin ang katabi kong si Maxxine which is strange. Nakakapanibagong wala s'ya sa mood makipag-usap kahit kanino o asarin ako tungkol kay Johansson.

"Here's the notes." napatingin ako kay Austin na nasa gilid ko, napatingin rin si Maxxine sa kanyang pinsan.

Kinuha ko iyon at nginitian s'ya. "Thank you! Babasahin ko na ngayon habang wala pa si Ma'am para may time kang mag-review mamayang break time." sabi ko na agad n'yang inilingan

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now