"Wala lang. Bawal  ba?"    Saka siya tumawa.

Aning lang. Tsk.

Hinayaan ko na lang ang dalawa na magpunta muna kina Tita Jane. Dumeretso uwi naman ako. Pagdating ko sa bahay ay naghanda na ako para sa pagluluto. Sinampalukang manok ang naiisip kong lutuin.

Habang naghahanda ako ng pansahog ay nakasalang na rin ang kanin ko. Naka-rice cooker naman kaya walang problema. Then may mahinang music na nagmumula sa naka-music mode ko na cellphone. Sinasabayan ko pa nga ang kanta paminsan minsan.

🎶🎶 Kiss me.. Beneath the milky twilight

🎶🎶

Habang nagluluto ay nakadinig ako ng katok sa may pinto.

Nakabalik na agad yung dalawa.

Agad akong kumilos papunta sa pinto para pagbuksan ang dumating. Pag-open ko ng pinto ay isang nakatalikod na lalake ang bumungad sa tingin ko. Natulala pa ako ng sandali. Nang pumihit ito paharap ay laking gulat ko ng malamang si Henry pala ito.

Automatic na napanganga ako sa gulat.

Ngumisi siya ng makita ang reaksyon ko. He was wearing a white polo shirt at itim na slacks. He look so clean and fresh at ang bango bango niya. Para siyang naligo sa mamahaling pabango pero hindi naman masakit sa pang amoy.

Napaatras ako.

Anong.....

"Good morning."   Nakangiting bati niya na may kasamang hand wave.

Napasinghap ako. Namamalikmata yata ako.     "A-anong ginagawa mo rito?"

"To see you. Obviously."  

"Hindi ka dapat nandito."        Iling ko.

Napangisi lang siya lalo.         "Bakit hindi? Hindi mo man lang ba ako papasukin?"

Hindi agad ako nakakilos sa sinabi niya.

"Umaakyat ako ng ligaw Miss. Pwede na bang dahilan yan?"     He smirked.

Napanguso naman ako.  Wait! Papapasukin ko ba toh? Panu kung biglang dumating sina Thea?! Hindi pwede!

"Ahm.... Magulo dito sa loob. Sa labas na lang tayo."       Nakaisip agad ako ng idadahilan.

Pero bago ko pa siya maitulak palayo sa pinto ay humakbang siya ng malaki papasok. Napaatras ako dahil sa laki niya. Nabigla na lang ako at manghang sinundan siya ng tingin.

"Malinis naman ah."      Aniya. Inilibot niya ang tingin sa buong bahay.

Nagre rent lamang kami. Maliit lamang ang bahay, up and down, pero sakto lang para sa amin ni Thea.

Nilingon niya ako at ngumiti. Wala na akong choice. Tsk. May lahing makulit din talaga toh. Umiwas ako ng tingin at ipininid ang pinto. Inilock ko ang pinto.  Huminga din ako ng malalim.

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Where stories live. Discover now