Chapter 17: THE REAL TRUTH

438 5 0
                                    

sorry for the late ud...im bz.

here's the ud

_______________________________________________________________________________ 

Miyuki POV

Pauwi na ako sa bahay malayo pa lang ako nakita ko na ang mga naggagarahang mga sasakyan at parang mga body guards......teka sila din yung dating pumunta sa bahay namin ah.......kinakabahan akong naglakad ng mabilis papunta sa kanila...ngayon di ko na papalampasin ang pagkakataong ito...ngayon malalaman ko na talaga kung sino sila at sino o ano talaga ang kailangan nila......

Pagpasok ko sa bahay.....

O___O

Bakit sila umiiyak??

Dali dali akong umupo sa gitna nina itay at inay sa sofa naming gawa sa kahoy

“nay!tay! anong nangyare?okay lang po ba kayo?teka.....sino po sila?at anong kailangan nila?”

Sabi ko habang hinahangod ang kanilang likuran para matigil ang kanilang pag-iyak.tumingin uli ako sa mga taong nasa harapan ko na nagtatanong....hindi ko maintindihan kung bakit sina nanay at tatay ay umiiyak at kabaligtaran naman sa mga taong nasa harapan ko na masayang nakangiti sa.... akin? Pero bakit? Ano ba talagang nangyayari?

“lynette anak, huwag mo kaming alalahanin....hay...pasensya ka na sa amin ng itay mo kung minsan ay.....hay... hindi kung palagi ay nagtatago kami ng.. sekreto sa iyo sana maintindihan mong ayaw ka lamang naming mawalay sa amin....hindi ko alam kung kakayanin namin....lynette....*huk*......lynette...*sob*...kahit anong mangyari mahal na mahal ka namin ng itay mo...*sob*....kahit na di ka nagmula sa amin...*sob*....kami ang mga magulang mo na mahal na mahal ka na kahit ano gagawin namin mapasaya ka lang namin....*sob*...hinding hindi ka namin makakalimutan....ikaw lang ang baby bebe namin diba?”

Sabi ni nanay na umiiyak at hinahaplos ang buhok ko at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit na ayaw na akong pakawalan para bang mawawala ako at aalis sila? Pero bakit naman mangyayari yun? Pati ano bang sinasabi at ginagawa ni nanay? Parang nagpapaalam na sila...pero baka imahinasyon ko lang iyon sana nga....

“tama ang inay mo.....lynette mahal na mahal ka namin yan ang itatak mo sa puso’t isipan mo....masaya kami at sa amin ka binigay ng diyos...alam mo ba *sob* balak ko pa nga sanang ibahin ang pangalan mo ng sanggol ka pa lang alam mo ba kung ano?..*sob* angel.....kasi ikaw ang nagiisang anghel namin...pero hindi namin ginawa dahil ayaw naming ipagkait sa iyo ang tunay mong pangalan....pangalang binigay sa iyo ng t-u-tu-nay  mong magulang....*sob*...ano ba yan lynette..umiiyak ka...huwag kang umiyak..ngumiti ka..alam mo ba na ang ganda ganda mo kapag ngumingiti ka?”

Sabi naman sa akin ni itay na pinupunasan ang mga luha kong patuloy na tumutulo..kung di pa sinabi ni itay yun di ko malalamang umiiyak na pala ako...lalo akong humagulgol nang niyakap nila akong pareho ng mahigpit na mahigpit...at panay bulong sa akin na...”mahal na mahal ka namin anak ko....,mahal na mahal”

“nay naman tay ano bang sinasabi niyo para namang aalis kayo at di na tayo magkikita! Huwag naman kayong ganyan oh!”

“lynette nakikita mo ba sila? Sila ang kukuha sa iyo para ibalik ka sa tunay mong pa-milya......”

“hindi hindi hindi yan totoo nay tay joke ba to? Hindi na nakakatuwa ah...kayo pala ah pa-labiro pala po kayo ha-ha-ha”

Sabi ko habang tumatawang umiiyak....pero ang masakit hindi sila umimik at lalong humagulgol...ang ibig bang sabihin seryoso sila?

“sorry po sa pang-istorbo pero mr and mrs flores pwede napo ba naming kuhanin si miss? Naghihintay na po ang aking master”

“o-oo sige, lynette magpakabait kadoon ha , mahal na mahal ka namin okay?”

The Lost HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon