Dahan dahan akong pumasok sa room ni Kence. Naramdaman ko ka agad ang hindi magandang simoy nang hangin. Nakita ko sila Dr. Diego at Dra. Moira. Pati si Khey, Russel at Clarence. Ang mga ekspresyon nila? Para silang pinag bagsakan nang langit at lupa.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Lahat sila naka tingin sa akin at walang bago sa mga ekspresyon nila. Nag simula nang kumarera ang puso ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang ekspresyon nang mga mukha nila. Ano na bang nangyayari?
"Diane" sambi ni Kuya Dwayne na kakapasok pa lang. Hindi ko siya nilingunan. Dahan dahan akong nag lalakad patungo sa nakahigang katawan nang taong mahal ko.
"Princess" ganon din si Clare. Hindi ko din siya nilingunan.
Napatingin ako sa nakahigang si Kence. Bakit parang may mali? Bakit parang masama ang kutob ko. No, hindi, wala namang nangyaring hindi maganda kay Kence diba?.
"Anong nangyari kay Kence?" malamig na tono ang sinambit ko sa kanila ngunit hindi ko pa din tinatanggal ang tingin ko kay Kence.
Walang sumasagot sa tanong ko. Lahat sila. Parang may mali eh. Pero please God, alam kong wala.
"Answer.Me." utos ko pero walang sumasagot. Tinignan ko sila isa isa at halos lahat nakatingin sa baba. Nakayuko. Parang nag dadalamhati. Nakakainis. Bakit hindi nilang magawang tumingin sa akin?
"WHAT THE HELL WAS HAPPENING ! TELL ME !" Hindi ko na napigilan at nasigawan ko na sila.
Tinignan ko silang muli nang isa isa at parang gusto nilang mag salita pero parang ayaw nila. Natatakot na paningin ang binigay nila sa akin. Hindi ko sila maintindihan. Bakit ayaw nilang mag salita. Bakit ayaw nila akong sagutin. Masama ba ako? May sakit ba ako? Patay na ba ako kaya hindi nila ako sinasagot? Hindi ba ako nag eexist . Naiinis na ako. Nagagalit na.
Naiyukom ko ang dalawang kamay ko. Gusto kong manuntok. Gusto kong bumuhos nang galit. Nanlilisik ko silang tinignan isa isa at umiiwas sila nang tingin. Natatakot na sila. Kaya sana naman mag salita na sila !
Konting konti nalang ako sa katawan na hinihigaan ni Kence. Ayokong lumapit. Ayokong lumapit nang sobrang lapit. Ayoko. Huminga ako nang malalim at sinubukang kumalma at tanungin sila.
"Buhay siya diba?" mahinahong tanong ko. Pero ni pag tango, pag sagot nang simpleng OO, wala ! walang nag reresponse.
"He's still fvcking alive right?" sabi ko at ngumiting pang aso. Ginagalit niyo talaga. Tikman niyo ang pag babalik ko. Pero,
Wala pa din talagang sumasagot. Wala.
"BUHAY SIYA DIBA !?" sinigawan ko ulit sila pero wala talaga. Tngnang buhay ito? Nag eexist pa ba ako?
"Diane." Tawag sa akin ni Dr. Diego. Tinignan ko siya at sinubukang pakalmahin ang sarili ko pero parang wala den.
"Buti naman may sumagot sa akin. Akala ko kase, isang patay at kaluluwang ligaw lang ako dito" sambi ko sa kanya.
"Diane makinig ka" mahinahong sambit sa akin ni Dr. Diego. Binalik ko ang tingin ko kay Kence. Kay Kence na nakahiga at mahimbing na natutulog. Nakinig ako sa sasabihin ni Dr. Diego.
"I'm sorry pero wala na siya"
Huminto ang mundo ko sa sinabi ni Dr. Diego. Tipong parang kaming dalawa lang ang nasa loob ng room at sobrang tahimik. At Paulit ulit ang tatlong salita na narinig ko.
"Wala na siya"
"Wala na siya"
"Wala na siya"
"Wala na siya"
"Wala na siya"
"Wala na siya"
YOU ARE READING
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...
x53 This is Real
Start from the beginning
