"Ang iyong ama ay pinuno ng isang napakalaking grupo na kung tawagin ay Moonville Pack. Bilang kaniyang Beta, ako muna ang pansamantalang namuno sa grupo nang siya ay mawala. Pero ngayong nasa tamang edad ka na hayaan mong turuan kita bilang paghahanda sa nalalapit mong pamumuno sa Moonville Pack."

"Moonville Pack? Beta...? Werewolves? Mga werewolves kayo? Ibig sabihin totoo ang mga iyon at hindi kathang-isip lamang? Totoo ang mga nabasa ko tungkol sa kanila."

"Totoo ang mga werewolves,hijo. Sana matanggap mo na kabilang ka sa lahing iyon."

Hindi siya makatulog ng gabing iyon. Iniisip niya ang pinag-usapan nila ng kaniyang Tito Ismael. Sabi nito ang isang karaniwang taong-lobo o werewolf ay kadalasang nagbabagong-anyo sa edad na disisais ngunit dahil siya ay galing sa angkan ng mga alpha ay mas maaga kaysa karaniwan ang kaniyang pagbabagong-anyo. Ang tagapagmana ng isang alpha ay kadalasang nagbabagong-anyo sa edad na dose anyos at iyon ang labis niyang ikinababahala. Hindi siya handa sa ganoong pagbabago lalo na at wala dito ang kaniyang mga magulang.

'Kung nandito lang sana kayo' bulong niya sa sarili habang hawak ang litrato nilang mag-anak.

Hindi na naman niya mapigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Ngayon niya higit na kailangan ng atensiyon at pagmamahal ng isang magulang. Gusto niyang makasama ang mga ito sa nalalapit niyang kaarawan dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa araw na iyon. Natatakot siya ngunit kailangan niyang magpakatatag hindi lang para s kaniyang sarili kundi para na rin sa nag-iisa niyang kapatid na babae. Ayaw niyang maulit ang trahedyang iyon.

Nang gabing iyon, may nabuong pasya sa kaniyang isipan. Kailangan niyang pamunuan ang Moonville Pack at hindi siya tututol kung ito ang kaniyang kapalaran.

Nang magising siya kinaumagahan, laking gulat niya nang maulinigan niya sa sala ng kanilang bahay ang pag-uusap ng ilang kalalakihan. Pamilyar ang boses ng isang lalaki at alam niya na pag-aari iyon ng kaniyang Tito Ismael. Dinig na dinig niya mula sa kaniyang kwarto kung ano ang pinag-uusapan ng mga kalalakihang iyon subalit ang kaniyang ipinagtataka ay kung bakit naririnig niya ang mga ito samantalang nasa ikatlong palapag ang kaniyang kwarto. Matapos maligo, bumaba na siya para mag-almusal.

Pababa na siya ng hagdan nang mapansin siya ng kaniyang tito at ng mga kasama nito. Tinawag siya nito kaya imbes na sa kusina siya magpunta ay dumiretso na muna siya sa sala. Pagdating niya sa sala ay hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang tatlong kalalakihan. Katamtaman ang pangangatawan ng isang lalaki na sa tantiya  niya ay may taas na 5'8". Moreno ito at maamo ang mukha. Sa tingin niya ay kasing edad ito ng kaniyang Tito Ismael. Katabi nito ang dalawang lalaki na animo'y mga body builder ang hubog ng pangangatawan.

"Hijo, gusto kong makilala mo si Frank, siya ang Delta ng Moonville Pack," Tukoy ng kaniyang tito sa lalaking moreno. "At ito naman sina Bert at Markos, sila ang pinakamalakas na tauhan ng iyong ama." Sabay-sabay na nagsitayuan ang tatlo para magbigay-galang sa kaniya.

"Ikinagagalak po naming makilala ang bagong alpha ng Moonville Pack," Yumukod ang mga ito sa harap niya. Nagulat siya sa ginawa ng tatlo. Hindi niya akalain na yuyukod ang mga ito sa isang batang kagaya niya na napakahina at walang alam sa lahing kaniyang pinagmulan.

"Jonas, ipinatawag ko sila dahil gusto kong---"

"I already heard your conversation awhile ago," Putol niya sa iba pang sasabihin ng kaniyang tito. "And yes, pumapayag na ako na sila ang magibg trainor ko." Kahit na nagulat sa narinig, mababanaag pa rin ang kasiyahan sa mukha ng kaniyang tito.

"Talaga, Jonas? Narinig mo ang pag-uusap namin kanina?" Nakangiting tanong nito.

"Opo, tito."

"Alam mo bang isa 'yan sa mga palatandaan ng pagbabagong-anyo? Patunay na nagmula ka sa angkan ng pinakamalakas na alpha. Marami pang mga pagbabago ang mangyayari sa mga darating na araw at alam kong makakaya mo 'yon."

Nang araw ding iyon, sinimulan nila ang pagsasanay kay Jonas bilang paghahanda sa nalalapit nitong pamumuno sa Moonville Pack. Isa rin itong mabisang paraan upang maihanda sa napipintong paglabas ng wolf na nasa loob ni Jonas. Espesyal ang wolf sa nasa loob ng tagapagmana ng isang alpha. May kakayahan itong mamuno at mapasunod ang lahat ng miyembro ng isang pack ngunit kailangan ng ibayong pag-iingat dahil ang wolf na iyon ay sadyang mapanganib.

Dalawang araw bago ang kaarawan ni Jonas, naganap ang hindi inaasahang pangyayari. Kababa pa lang niya sa sasakyan nang makaamoy siya na parang may nasusunog. Dali dali siyang pumasok sa loob at nahagip ng kaniyang mga mata ang pinto ng kusina kung saan nanggagaling ang usok. Hindi niya alam ang gagawin. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kaniya noong walong taong gulang pa lang siya. Natatakot siya. Hindi para sa kanya kundi para sa kapatid niya. Nasaan ang kapatid niya?

Bigla siyang tumakbo paakyat ng hagdanan para hanapin ang kapatid ngunit nasa ikalawang baitang pa lamang siya ng makaramdam siya ng kakaiba sa kaniyang sarili. Nakakaramdam siya ng ibayong lakas, kasabay niyon ang pakiramdam na parang maghihiwalay ang mga buto sa kaniyang katawan. Kumapit siya sa balustre ng hagdanan at nagulat siya sa itsura ng kaniyang kaliwang kamay.

Unti-unting humahaba ang kaniyang kuko kasabay ng pagtubo ng makapal na balahibo sa kaniyang katawan. Hinawakan niya ang kaniyang tainga nang maramdaman niya na tila kakaiba. Hugis patulis na ito gaya ng sa aso at ang kaniyang ngipin a humahaba na rin.

'Ito na siguro ang sinasabing pagbabagong-anyo' bulong niya sa sarili.

Napakabilis ng pangyayari. Sa isang iglap, isa na siyang ganap na werewolf! Hindi siya makapaniwala! Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang ibayong lakas na kaniyang nararamdaman. Maging ang pang-amoy niya ay nag-iba rin! Tinawag niya ang kaniyang Tito Ismael para ibalita ang pagbabagong-anyo niya, subalit sa 'di malamang dahilan imbes na pangalan ng kaniyang tito ang lumabas sa kaniyang bibig, isang napakalakas na alulong ang kaniyang pinakawalan na nagpagimbal sa mga tao sa labas.

Awtomatiko silang nagsipagtakbuhan para tingnan kung ano ang nangyayari sa loob at doon nila namalas ang isang kakaibang werewolf. Kaiba sa karaniwan ang itsura. Napakaamo ng mukha nito na binagayan ng kulay asul na mga mata. Ang kulay abuhin nitong balahibo sa tila bulak sa lambot ay kimikinang na animo'y sinabuyan ng fairy dust. Kapansin-pansin din ang isang pares ng canine teeth na tila nagbabadya ng panganib.

"Ipagbunyi natin ang pagbabagong-anyo ng ating Alpha," Wika ni Markos. At sabay sabay silang yumukod sa harap ng bago nilang pinuno.

Bilang ganti, isang napakalakas na alulong ang pinakawalan ni Jonas na nagpayanig sa buong kabahayan tanda na nagkaroon na ng bagong Alpha ang Moonville Pack.

A Cry Of A Lone WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon