A Father's Tears

177 14 15
                                    

"To a father, a child is his ultimate treasure."

---

It was my long time dream of having my own car. Bago pa kami ikasal ng aking butihing misis at bago siya mabuntis, pangarap ko na talagang bumili ng isa. Kaya habang itinataguyod ko ang aking pamilya, nag-iipon din akong maigi upang makabili ng sasakyan.

Habang tumatagal, hindi ko alam kung bakit ang paghangad ko na makabili ng sasakyan ay napalitan ng pananabik. Dahil siguro nalalapit na ang panahong ako ay magiging ama. And then one night, I was awaken by a sound my wife have made. Humihilab na raw ang kanyang tiyan kaya mabilisan akong tumawag ng taxi upang pumunta ng ospital.

Eto na, konting oras na lang ay magiging ama na ako. Pagdating namin sa ospital ay doon pa lamang lumabas ang tubig mula sa kanya na tanda ng nalalapit niyang panganganak. Isinugod siya sa delivery room at sinabihan akong doon na lamang sa labas maghintay.

Ilang oras din akong nakaupo lamang doon. Nananalangin na sana ay ligtas ang aking mag-ina. "Im sorry Mr. Freed," sabi ng doktor sa akin matapos niyang alisin ang kanyang face-mask.

"Im sorry?" naguguluhan at kinakabahang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong dapat isipin sa mga oras na iyon.

"Your child is a boy," dugtong pa niya.

"Yes!" sigaw ko dala ng matinding saya na nadarama. Ayaw kasi ni misis magpa-ultrasound dahil gusto niya ay surprise daw sa amin ang magiging kasarian ng panganay namin. Pero bakit nga ba siya nag---

"But your wife did not make it. Her OB adviced her not to have normal delivery because it may threaten her life, but she wanted to do it. Im really sorry sir." halos gumuho ang buong mundo ko sa narinig.

Tulala akong napaupo sa sahig habang nakatakip sa mukha ko ang aking kamay. Bakit? Bakit ganito ang nagyari? Bakit kailangan niyang mawala sa buhay ko? Hindi ko na napigilan pa na dumaloy ang mga luha sa aking mga mata. Ang mga luhang dapat ay dulot ng kagalakan ay tumulo dahil sa pighati.

That time, I promised myself to do everything for my son. He would grow having the traits of her mother. A loving person, having a heart-warming smile, and fears and trust the Lord. Lumipas ang mga buwan at taon. Iginugol ko ang aking oras sa paghahanap buhay upang mabigyan ng masaganang buhay si Jr. Napromote ako sa aking trabaho kaya naman ay nakapag-ipon ako para sa pag-aaral niya.

Dumating ang araw na naalala ko ang matagal ko nang pangarap, ang makabili ng sarili kong sasakyan. Kaya noong sigurado akong malaki naman ang aking naipon ay bumili na agad ako. Sobrang saya ang bumalot sa aking puso. Halos mapatalon ako sa tuwa na aking nadarama. Hindi ko talaga akalain na makakaya ko pang tuparin ito. Isang itim na sasakyan ang bumuo sa buhay ko.

---

Habang inaayos ang sasakyan dahil sa natamo nitong sira, ay hinayaan ko munang maglaro si Jr. Wala kasi ang yaya niya dahil pumuntang probinsya. Habang abalang pinapalitan ang gulong ay nakarinig ako ng tunog na tila kinikiskis na metal. Pagtingin ko kung saan nanggaling ang tunog ay nakita ko si Jr na kinikiskis ng bato ang sasakyan.

Hindi ko maipaliwanag ang galit na sumaklob sa puso ko. Lumapit ako sa kanya at pinalo ang mga kamay niya. Paulit-ulit. Palakas ng palakas. I was clouded by my anger, that I didn't notice I was still holding my wrench. When I looked at his hand, I felt extreme regret in my heart. Duguan na ito at halos lasog-lasog na.

Bakit ko nagawa ito sa kaisa-isang alaala ng aking mahal? I rushed Jr to the hospital, hoping that everything would be ok. He was not crying, which made me more angry to myself. I was dumb, I really am dumb.

Ilang minuto akong naghintay sa resulta. Lumapit sa akin ang nurse at sinabi na kailangan na daw putulin ang mga daliri ni Jr dahil sobrang nadurog daw ito. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Sobra-sobrang nagsisisi ako na inuna ko pa ang galit kesa sa kapakanan ng aking anak.

Lumapit ako sa kanya at nakita ko siyang ngumingiti sa akin. Ginulo ko ang buhok niya at pinilit na ngumiti. "Daddy, when would my fingers grow back?" he asked me innocently that completely change the expression of my face.

I hugged him tight, tight enough for him to feel safe and not worry about what's happening. "Im sorry baby, daddy did not meant what he did. He was just angry. He wouldn't do it again. He promise."

I left Jr there to get my wallet which I have left in the car. Pagdating ko sa labas ng aking kotse ay nakita ko ang parteng tinamaan ng bato kanina. Muli, nadurog na naman ang aking puso sa aking nakita. It was not just a simple scratch.

It was more than that. Because right on that spot were words Jr wanted me to feel. And I failed to notice it. Again and again.

"I love you daddy."

Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon