Chapter 6: Mahal ko na nga ba?

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Yun ba yung pangalan nya?" Balik na tanong ko.

"She's my cousin. Nasa parents nya." Sabi ni Lantis.

Ang cute ng batang yun eh.

"Di ba Aria may trabaho ka bukas?" Tanong ni Papa.

"Ah opo. Pero nagpaalam na po ako kay Ninang Pinky na maaga na lang po akong uuwi kasi pupunta po ako sa birthday party ni Kuya Rhyan." Explain ko.

"Ganun ba? Lantis ikaw na bahalang magbantay kay Aria ah? Baka kung sino-sinong lalake ang lumapit sa kanya dun." Sabi ni Papa.

"Buti na lang at mag-aatend ka rin Lantis at may magbabantay kay Aria dun sa party." Sabi ni Mama.

Napaka-over protective talaga nila sa akin. Haler! Teenager na kaya ako. Syempre karapatan ko din naman na maging malaya hehehe.

"Of course Tito and Tita! Ako po bahala kay Aria. Babantayan ko po sya para sa inyo." Sabi ni Lantis na nakasmirk.

At nagsmirk pa talaga sya ah! Inaasar na naman nya ako! Kainis! Bakit ba kasi ang hilig-hilig nya akong asarin! Hobby nya ba talaga ang bwisitin ako!










"What the hell?" Sabi ni Lantis habang tinitignan ako ng pabalik-balik mula ulo hanggang sa paa ko.

"Bakit?!" Inis na tanong ko.

Nakakainsulto naman kasi yung reaksyon ng mukha nya habang nakatitig sa akin. Tapos 'what the hell' pa ang sabi nya.

"Don't tell me that you're going to the party with that looks?"

Tinignan ko ang suot ko. Nakapants ako at blue na t-shirt at rubber shoes. "Bakit? Bagay ko naman ah!" Inis na sabi ko.

Bagay ko naman talaga eh!

"Pero party ang pupuntahan mo not some kind of school activities." Sabi nya.

"Ah? Okay na to! Hindi naman kasi ako sanay na mag-ayos." Sabi ko.

Oo hindi naman kasi ako mahilig na magmake-up at magdress at heels katulad ng ibang mga babae. Simple lang ako. Simpleng shirt at pants lang okay na ako.

"Fine, let's go." Sabi nya.

Sumakay na kami sa itim at napakakintab nyang sasakyan. Tahimik lang ako na nakatingin sa kalsada habang tahimik lang din na nagmamaneho si Lantis.

"Lantis dun sa right side yung daan papunta sa bahay nina Reya." Sabi ko.

Lumiko kasi sya dun sa left eh.

"You're not going to the party with that looks." Seryosong sabi ni Lantis.

"Ano? Eh saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Hindi ako sinagot ni Lantis sa halip ay hininto nya ang sasakyan nya sa tapat ng Infinity Salon. "I'll be your fairygod father." Sabi ni Lantis at bumaba na ng sasakyan.

Bumaba na rin ako tapos pumasok kami sa salon. Sinalubong kami ng isang bakla na namumuso ang mga matang nakatulala kay Lantis.

"Complete package for her please." Sabi ni Lantis dun sa bakla.

"Yes sir." Kinikilig na sabi nung bakla at hinila na ako papaupo.

Si Lantis naman umupo muna dun sa couch at nagbasa ng mga magazines na nasa lamesa sa tabi.

"Ang swerte mo te!" Sabi nung bakla sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ang gwapo ng boyfriend mo!" Inggit na inggit na sabi nung bakla. Para ngang gusto nya na akong sabunutan eh.

My Secret AdmirerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ