Chapter 6: Mahal ko na nga ba?

6 0 0
                                    

"Pupunta ka rin ba sa party ni Kuya Rhyan bukas?" Tanong ko kay Lantis habang nanghihiwa kami ng mga gulay sa kusina

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

"Pupunta ka rin ba sa party ni Kuya Rhyan bukas?" Tanong ko kay Lantis habang nanghihiwa kami ng mga gulay sa kusina.

"Maybe. Why?" Tanong ni Lantis habang nanghihiwa sya ng carrots.

Magpapansit kasi si Mama, pangmiryenda daw namin. Minsan talaga kapag nakatrip si Mama bigla na lang syang magluluto ng kung anu-ano.

"Pwede bang sayo na lang ako sumabay? Pupunta din kasi ako." Sabi ko.

Tumango sya, "Okay."

"Aray!" Bigla akong napasigaw ng mahiwa ko ang daliri ko.

"What happened? Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Lantis at hinawakan yung kamay ko na nasugatan ko.

Lub dub.. Lub dub..

Ayan na naman ang puso ko. Baby heart okay ka lang ba? Bakit ba bumibilis lagi yang pagtibok mo kapag nandyan si Lantis?

Kumuha sya ng band aid at inilagay sa sugat ko. "Silly! Mag-ingat ka kasi." Sabi nya at pinoked ang noo ko gamit ang hintuturo nya.

"Anong nangyare sayo, anak?" Tanong ni Mama ng makita ang band aid sa hintuturo ko.

"Nasugatan ko po ang sarili ko habang nanghihiwa ako." Sabi ko.

"Si ate talaga oh ang tanga." Sabi ni Toto at umupo sya sa tabi ni Lantis.

"Yeah right!" Natatawang sabi ni Lantis at naghigh five pa silang dalawa ni Toto.

Simula nung araw na kinausap ko si Lantis sa 7eleven, naging mas close na kami sa isa't-isa. Close na din sya sa pamilya ko. Palagi na rin namin syang kasabay na kumain. Dati tahimik lang si Lantis at palaging nagkukulong sa kwarto nya pero ngayon palagi na syang nakikisama sa amin at nakikipagbiruan. Pero palagi parin nya akong inaasar katulad dati. At nagkakasundo pa sila ni Toto para asarin ako!

"Kami na lang ang manghihiwa. Aria umupo ka na lang dyan." Sabi ni Papa at sinimulan na nyang hiwain yung repolyo.

"Kuya Lantis marunong ka po ba ng basketball?" Tanong ni Toto sa abalang si Lantis.

"Yeah. Ikaw?" Sagot ni Lantis habang focus na focus parin sa panghihiwa ng carrots.

"Opo kuya! Gustong-gusto ko po ang basketball!" Biglang nalungkot ang mukha ni Toto, "Kaya lang.. hindi kasi ako marunong."

"Don't worry I'll teach you every weekends." Sabi ni Lantis.

"Talaga Kuya?" Masayang tanong ni Toto.

Tumingin si Lantis kay Toto at tumango sya. "Yes I'll teach you."

"Thank you Kuya Lantis!" Masayang sabi ni Toto.

"Lantis, yung batang babae pala na kasama mo nung sinun-- I mean nung nagkita tayo nung nakahotdog costume ako. Nasan na sya?" Tanong ko.

"Zyriel?" Tanong ni Lantis.

My Secret AdmirerМесто, где живут истории. Откройте их для себя