Chapter 2: Panty

15 0 0
                                    

"Aria ano kayang magandang gift para kay Kuya Rhyan?" Tanong ni Reya sa akin habang sumusunod sa akin.

Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko nga rin alam kung ano ireregalo ko sa kanya eh." Sabi ko habang naghahanap ng libro.

Nandito kami ngayon ni Reya sa library. May ipinapahanap na libro si Sir Jat sa amin eh.

Bigla na lang nalaglag yung panga ko ng makakita ako ng napakagwapong nilalang na nakatayo sa harapan ko habang naghahanap ng mga libro.

"Aria, yung panty mo." Bulong ni Reya sa tabi ko.

"Oo Reya alam ko. Nakakalaglag panty nga yung kagwapuhan nya." Sabi ko ng hindi inaalis yung tingin dun sa napakagwapong lalake sa harapan ko.

"Aria hindi ganun. Yung panty mo.. nalaglag talaga siya, Aria. Literally." Sabi nya.

Tumingin ako kay Reya na nakaturo sa may paanan ko. Sinundan ko ng tingin ang mga daliri nya..

O__________<

Kaagad kong tinaas ang panty ko at mabilis na tumingin dun sa napakagwapong lalake sa harapan ko. Halatang pinipigilan nya ang pagtawa niya. Pulang-pula na ang mukha ko sa kahihiyan. Lupa, pakiusap lamunin mo na ako ng buhay!

Lumapit sya sa amin ni Reya at ngumiti, "Hi. I'm Darius Lasatin." Sabi niya at inalahad sa harapan amin ang napakaputing kamay nya.

"Hi Darius! I'm Reya Real." Sabi ni Reya at tinanggap yung kamay ni Darius.

Tumingin sa akin si Darius, "And you are?"

"A-ah? Ah ako s-si Aria, Aria Bianca Catherine Dimagiba." Natatarantang sabi ko at tinanggap ang napakalambot nyang mga kamay para makipagshakehands.

"Wow ang haba ng name mo!" Namamanghang sabi ni Darius.

"N-nakita mo ba yung k-kanina?" Nahihiyang tanong ko.

"Alin? Yung pagkahulog ng panty mo?" Tanong nya.

Inulit pa eh! Nakakahiya talaga yun, grabe! Ayoko na! Gusto ko na talagang bumukas ang lupa at lamunin ako.

"Don't worry. I will not tell anybody about what happened earlier." Nakangiting sabi niya.

"T-thanks." Sabi ko.

Buti na lang ang bait niya. Napakagwapo na napakabait pa niya. Complete package!

"Sa Special A ka di ba? Fourth year?" Tanong ni Reya.

"Oo. Eh kayo anong section at year nyo?" Balik na tanong ni Darius.

"Fourth year na din kami. Sa Class C." Sagot ni Reya

Sa Special A pala sya? Tama nga yung sinabi nila, ang gwagwapo nga ng mga boys ng S.A.

Tumingin si Darius sa relo nya, "Oh! I have to go. Nice meeting you, Reya and Aria." Nakangiting sabi nya at nagmadali ng umalis.

"Waaah! Ang gwapo nya Aria!" Kinikilig na tili ni Reya na pinaghahampas pa ako sa braso ko gamit ang hawak-hawak nyang libro.

My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now