(54) The End

7.9K 242 91
                                    


Althea's Pov:

Jade: "lab, what were you saying back there? Iiwan mo na bah ang showbiz? bakit biglaan naman ata? Ito ba sinasabi mo na surprise mo sakin? Bakit mo iiwan ang career mo? Okay lang naman na maging artista, model at singer ka parin kahit na may mga anak na tayo.. Tsaka lab, alam kong mahal mo ang ginagawa mo. Bakit-----" di ko na sya pinatapos sa pagsasalita at hinalikan ko na sya. Nag sigawan naman ang mga tao. Andito kami sa backstage na.

Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib..nung una aaminin ko nag dalawang isip ako na iwan ang pinangarap kong buhay sa mundo ng musika pero ng lumabas na ang angels namin ni Jade, buo na ang disisyon ko at kelan man ay di ko ito pagsisihan.


Althea: "pero mas mahal ko kayo..sinabi ko naman sayo na kaya ko ibigay lahat para sa inyo at tama ka.. my work becomes my mistress dahil nawawalan ako ng oras sayo, narealized ko na dapat ko na bitawan ang mundong pinasok ko bago matuluyang hilahin ng mistress ko ang oras ko na dapat sana ay igugol ko sa inyo. Jade buo na ang disisyon ko. Masyado ko kayong mahal. Lab, masyadong mahigpit ang mundong ginagalawan ko. Lahat nakatutok sakin kaya i was thinking na lumayo na tayo? Let's start a new life.. You and me with our angels.. Gusto ko maging ordinaryong tao uli sa piling nyo, hindi bilang Rock star diva sa mata ng ibang tao pero gusto ko maging mabuting ina sa mga anak natin at mabuting asawa sayo. Mrs. Jade De Castro koh, will you live with me in New York?" Pakiusap ko sa kanya ng humiwalay ako ng halik. Nakatitig lang sya sa mga mata ko na panay tulo ang mga luha na di ko mapigilan. Luha ng sobrang saya sa piling nya.



Jade: "pero lab..anong gagawin mo? Ito yung mundo na nakasanayan mo?" Nag-aalala nyang tanong sakin.


Althea: "lab..pwede naman tayo mag simula ng panibagong buhay. We could do business there. May naipon din naman ako. Gusto ko lang makasigurado na mamumuhay tayo ng mapayapa kasama ang mga anak natin. Kung andito tayo sa pinas hindi ako ordinaryong tao dahil kahit bitawan ko ang mundo ng showbiz patuloy parin nila akong susundan. Kaya naisip ko na lumayo na tayo. Sasamahan mo bah ako sa panibagong yugto ng buhay koh?" Napangiti naman si Jade sa tanong ko.


Jade: "wherever you will go my love. I love you so much Mrs. Althea De Castro Ramos koh.. WALANG BITAWAN?"



Althea: "WALANG BITAWAN. I love you so much more Mrs. Jade Ramos De Castro koh.." Hinalikan ko na uli ang asawa ko para iparamdam ang sobrang saya at pagmamahal ko.


_____

Gaya nga ng plano ko. After maasikaso ko lahat ng kelangan namin sa paglipat ng tirahan sa New York. Nagpakasal uli kami, at sa wakas natupad na nga ang pangarap kong maihatid ko sya sa harap ng Altar. Namuhay na kami ng payapa ng mag ina ko sa isang bansa na kung saan tinururing ako na ordinaryong tao lang, di na pinagkakaguluhan at di na pinag titilian.

Nakakamiss din naman ang hiyawan at palakpakan ng mga tao. Bawat sigaw nila sa pangalan ko, bawat indak nila sa tugtog ko at sa walang humpay na pagtangkilik nila sa musika ko.

Lahat naman ng bagay sa mundo may katapusan, pero hindi lahat ng natatapos ay malungkot, pangit at masakit, gaya nga ng sinabi ni Jade, na sa kahit ano mang pangit ng daan ang pagdadaanan nyo sa bandang huli ay may maganda din na kakahantungan at gaya nga ng sabi ko, kung mahal mo man ang isang bagay yayakapin mo ng buong-buo kahit di ka sigurado kung ano ang nasa dulo.

Masaya ako sa naging disisyon kong pagbitaw sa career ko bilang artista, modelo at mang-aawit pero kahit binitawan ko na ang career ko tuloy parin ang awit ng buhay ko sa piling ng asawa ko at mga anak ko.

Behind every favorite SONG ,THERE IS AN UNTOLD STORY, this is ALTHEA DE CASTRO, THE ROCKSTAR DIVA AND THIS IS MY STORY..














Music And Lyrics (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon